Kabanata 15

1.5K 48 0
                                    

Gabi gabi na ako mag update.

Thank you for reading and voting this story guys. I love y'all.

Enjoy reading!



Natalya's POV:

Isang linggo na ang nakalipas simula nang tumira ako sa bahay ni Erica. 

Pinag-isipan ko ang mga sinabi ni Hon sa akin, oo nakakasakit ang mga iyon. Pero hindi ba't ang lahat ay karapat-dapat magkaroon ng pangalawang pagkakataon.

Ang immature naman kung maghiwalay kami dahil lang sa maliit na hindi pagkakaintindihan, diba?

Hindi ko itatanggi na namimiss ko na ang asawa ko.

Nakakapanibago na wala akong halik, yakap, lambing na natatanggap mula sa kaniya sa loob ng isang linggo.

Pero sabi ni Erica na hayaan si Hon na siya mismo ang pumunta sa akin, kaya hintay lang ako.

Isang linggo na akong hindi nagtratrabaho. Hindi ako makakapagtrabaho ng ayos kung ang utak ko ay nasa mga sinabi ni Brielle kaya hindi muna ako pinapapasok ni Erica.

Ngayon na maayos na naman ako, siguro ay papasok na ako bukas hehe.

Namimiss ko na si Brielle, ayaw niya na ba sa akin kaya ayaw niya ako puntahan?

Napanguso nalang ako habang iniisip iyon. Bigla naman na may flash ng ilaw galing sa cellphone.

"I'll post this to your Instagram account" Sabi ni Erica. Hawak niya kasi ang cellphone ko. Nakakalungkot rin na kahit isang text ay wala akong natanggap kay Hon sa isang linggo.

Hindi niya siguro ako namimiss.

"Okay lang" Pagbibigay ko ng permisyon sa kaniya. Kaya ay pinost niya na ang picture ko. Kaunti lang naman ang follwers ko kaya hindi ako nahihiyang magpost.

"Bakit ka ba kasi nakanguso?" Tanong niya na may kuryosidad sa tono.

"Iniisip ko kung kelan ko makikita si Hon, siguro ayaw niya na sa akin kaya hindi niya ako ma-text o puntahan" Malungkot kong sabi.

"Hindi ka lang talaga nun mapuntahan kasi nagsisisi siya."

"Mapapatawad ko naman siya eh, alam ko na may dahilan kung bakit niya nasabi ang mga iyon. Miss ko na si Hon, tayo nalang ang pumunta sa kaniya, pleasee" Pagmamakaawa ko. Hindi lang naman lahat ay kasalanan ni Hon, may mali rin akong part kaya nagawa niyang masabi ang mga iyon.

She sighed heavily which means na papayag siya. Lumigaya ang mata ko.

"You'll see her tomorrow at school, Nat" Nalungkot ako muli. Eh, antagal pa ng bukas lalo't nananabik ako na magpapatagal sa oras.

"Okay" I guess, another day without her.

Napag-isipan ko ang sinabi ni Brielle, in the span of a week, nagpapatulong ako kay Erica para maintindihan ang mga term na hindi ko pa alam. I tried to not act childish pero lumalabas talaga kahit anong pigil ko. She said to fix my behavior so I'm trying my best to do that.

Nag-e-exercise na rin ako para maboost ang stamina ko. Nararamdaman ko ang improvement ng katawan ko na nagpapasaya sa akin. Medyo pumayat ako at nagka-muscles, abs.

Si Hon kaya? Okay lang kaya ang katawan niya? Kumakain ng ayos? Inaalagaan ang kaniyang sarili? Gusto ko na kapag nagkita kami ulit ay malusog siya at masigla.

Hayyss, I really miss her na. Palagi ko ngang suot yung bracelet na binili namin noong gabing iyon. Hindi ko nalang inisip ang mga nangyari pero iniisip ko na naaalala ko siya kapag suot iyon.

Tinitingnan ko ang nakasulat sa bracelet na 'Hon'. I miss calling her that. 

Lumabas muna ako sandali para pumuntang convenience store na malapit lang dito at walking distance lang. Gusto ko bumili ng ice cream eh.

"Erica, labas lang ako saglit" Tumango siya habang may ginagawa sa laptop niya. Busy si ate pero may panahon pang mag post sa insta ko. Hayss.

Naglakad ako na malapit na sa highway. 

May itim na sasakyan na napaka bilis ng takbo, siguro ay nagmamadali o kaya ay idol si flash.

Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa convenience store. Namili pa ako kung milk of strawberry ang pipiliin kaya binili ko parehas.

Actually namimiss ko na rin magturo sa mga studyante. Buti nga at hindi pa ako pinapatalsik sa dami kong absent. Pero valid reason naman ata ang hindi pagiging maayos ang kalagayan ng pag-iisip? Kung makapagsalita ako ay para akong mentally unstable, slight.

Tumatak lang talaga sa akin ung mga 'I hate you' 'stupid' 'dumb'. 

I shook my head to remove the thoughts. Nakamove on na ako dun kaya let the past be the past, natapos na iyon at ang kailangan nalang ay magkita at magkaayos kami. Handle it like grown people.

Kinakain ko ung strawberry ice cream habang naglalakad pauwi.

Sa isang linggo ay hindi ko rin nakita si Charlie. Alam kong nasaktan ko siya, ayaw ko man na maramdaman niya iyon ay wala akong magagawa dahil paglabag ang mangyayari kung mamahalin ko siya pabalik katulad ng gusto niya.

Gusto ko lang siya manatili bilang best friend ko.

Sana ay makamove on na siya tapos makahanap ng taong magmamahal talaga sa kaniya. 

Nang makauwi ay nandoon pa rin sa puwesto niya si Erica. 

"Erica oh, gusto mo ice cream?" Tumango siya kaya binigay ko sa kaniya yung milk Ice cream.

Nang mabigay ko sa kaniya ay dumiretso ako ng banyo upang maligo ng sandali.

Mabilis naman akong natapos kaya pumunta na ako ulit sa sala.

"Recommend ka nga ng cartoon na hindi ko pa napapanood" Sabi ko habang nakaupo sa couch at nakaharap sa TV habang hinihintay ang sasabihin ni Erica.

"Uhhmm how about 'The Croods'" Inisip ko naman kung tungkol saan ang movie base sa pangalan.

"Tungkol saan?" Gusto kong malaman ang plot ng movie bago ko panuorin para tingnan kung ma-caught ba ang interest ko.

"About a caveman father who's very strict to his family and they went through a long adventure to survive the upcoming disaster" Paliwanag niya sa akin. Mukha namang maganda.

"Okie" Tangi kong sagot bago i-search ang title ng movie. 

Nang magtagal-tagal sa panonood ay umiiyak na ako.

"Gaga ka bakit ka naiyak?" Natatawang tanong ni Erica habang nakatingin sa akin, nasa table pa rin siya at busy.

"K-Kasi, m-mamatay a-ata yung t-tatay n-nila" Pinunasan ko ang mata. Hindi ko kayang pigilan ang luha kapag tungkol sa family. 

"Continue on watching lang kasi" Tumango ako at patuloy sa panonood.

At sayang ang luha ko dahil nakaligtas naman pala ung bida. Pumalakpak nalang ako ng matapos ang movie. Ang ganda lang at heartwarming.

Pagtingin sa labas ay madilim na. Gaano ba kahaba ang movie na iyon? Parng kanina lang ay may liwanag pa.

"Magluluto na ako, Nat, any specific na ulam na gusto mo?" Nag-isip ako ng ilang minuto bago sumagot. Nag crave ako nito kasi namimiss ko siya.

"Menudo" Isa sa paborito ko yan, specialty yan ni Hon eh. Menudo niya lang kinakain ko kasi iba talaga ang pagkaluto niya, walang pasas kasi ayaw ko nun.

"Menudo it is" Natuwa ako, even though it won't taste like my wife's cooking, I'll appreciate it. Masarap rin naman magluto si Erica.

Bigla namang may mag doorbell. Maybe Erica is expecting someone. Hindi pa ako makakilos ng tadtadin ang doorbell. Hay nako, hindi pakapaghintay.

"Wait up, ako na!" Sabi ko sa nagdo-doorbell. At sabi ko rin kay Erica kasi mukhang papunta na siya sa front door.

Naglakad ako sa front door upang buksan. Ang bisita na hindi ko talaga inaasahan.

Nakita ko siyang nakatitig lang sa akin at lumuluha kaya naawa ako. Habang ako at nakatulala lang rin. Nacompose ko naman agad ang sarili.

"H-Hon!" Sigaw ko, hindi ko akalaing pupuntahan niya ako. Buti nakaligo ako kaya fresh at mabango ako ngayon. 

Hindi siya nagpatumpik-tumpik at niyakap ako agad, binalik ko naman ang yakap ng mahigpit.

"B-Baby" Hinaplos ko ang mukha niya ngunit naramdaman ko ang hindi pangkaraniwang init. Umiiyak lang siya kaya ang suot kong dahit ay basa na.

"You are so hot, hon" Nag-aalala kong sabi. Ang init talaga. May sakit itong asawa ko for sure.

"I know right?" Sumimangot naman ako at hinawakan ang leeg niya para sure. At mas maiinit sa leeg. Hayss nako.

"Pumasok ka nga muna, ang lamig lamig sa labas tapos may sakit ka pa, gusto mo bang lumala yan? Hay nako hon ano ba ang pinaggagagawa mo?" Sermon ko sakanya na parang nagra-rap habang hinihila siya papasok ng bahay.

"Sorry Mommy" Tskk nang-asar pa, kasi nakangisi siya. Sinasabi niya yan kasi kung manermon daw ako ay parang nanay.

Pinaupo ko siya sa couch. Sakto naman na pagpasok ni Erica sa sala.

Oh no, magkagalit kaya sila? 

Mamaya na yan, tend to my wife muna.

"Buti naman at pinuntahan mo na, namimiss ka na ng asawa mo" sabi ni Erica kay Hon. Namula naman ako, pero totoo naman eh.

"She won't miss me if you just didn't take her in the first place" Sagot ni hon na may pagtataray.

Kumunot ang noo ni Erica na animo'y naiinis.

"Shh Hon, alam mo naman na kailangan natin na mapag-isipan ang nangyari" Mahinhin kong sabi habang hinahaplos ang likod nito.

"I know, but we can think of it without being away from each other" 

"Paano makakapag-isip nang ayos kung ang nanakit sa damdamin ko ay malapit lang sa akin?" Lumungkot ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin bago niya ako yakapin ng sobrang higpit. Mas lalo siyang umiyak.

"Shhh" Pagpapatahan ko habang hinahaplos ko ang likod niya.

"Iwan ko muna kayo, kayong mag-asawa ay kailangan mag-usap" Huling sabi ni Erica at umalis na sa sala. Alam talaga niya kung kelan aalis o sasabat.

MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon