Chapter Seven
Grabe talaga, wala ng tatalo pa kay Tim sa pagiging super gentleman! Hindi man lang nya ako tinulungan na buhatin ang mga gamit ko paakyat sa condo nya, at hindi lang yon ha, pinaghintay pa nya ako ng kulang ten minutes sa labas ng unit nya. Aalis na nga sana ako eh, kaya lang noon naman biglang bumukas yung pinto ng unit nya at nag-welcome sa virgin kong mga mata ang nag-gagandahan nyang ABS! Ow my goodness, nakaka-tulo ng laway ang nakikita ko ngayon. Grabe yung abs nya, nakakalula sa ganda, idagdag mo pa jan yung effect na may tumutulong tubig, ow come on talaga!
“Kanina ka pa ba? Pasensya ka na, kakatapos ko lang mag-shower.” Alam ko, nakita ko naman Tim. “Pasok ka na, feel at home Summer.”
Kung hindi pa sya tumalikod hindi pa ako matatauhan, natulala talaga ako sa abs nya eh, first time kong nakakita ng ganon eh. Pagpasok ko ng unit nya, parang gusto ko na agad lumabas eh, mukang one week ng hindi napupuntahan ng cleaning lady nya dahil sa sobrang dumi.
“May sakit ba ang lahat ng cleaning lady dito sa building nyo at ganito kadumi ang unit mo?” tanong ko kay Tim na kaka-pasok lang sa kwarto nya siguro. “Where should I put my stuff?”
Hindi nagtagal ay lumabas na si Tim sa kwarto na pinasukan nya. “Put your things inside my room.” Ano daw, sa loob ng kwarto nya.
“S-sa kwarto mo? Parang wala naman yata yan sa usapan natin, Tim!” naku, baka mahalay ko ang lalake na to ng wala sa oras. “Diba pwedeng magka-iba na lang tayo ng kwarto, tutal tayong dalawa lang naman ang nandito eh.” Kasi naman eh, ayoko talaga, hindi ako sanay matulog na may katabing lalake.
“Don’t be too paranoid, pansamantala lang naman yon dahil hindi ko pa napapa-ayos yung guest room kung saan ka matutulog.” At napahiya naman ako don. “Sige na, ipasok mo na yan. Bababa lang ako para mag-inquire kung may cleaning lady na pwedeng maglinis ngayon.” At lumabas na agad sya ng unit nya.
Kamusta naman ako ngayon, kung tinatanong ninyo? Hindi ko alam kung ok ba ako, hindi ko nga alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa rin kasi alam hanggang ngayon kung tama pa yung pasya na ginawa ko, yung makisama kay Tim sa iisang bubong lang at mag-panggap na live-in partner nya. Well, kahit naman gusto ko pang magbago ng isip hindi na rin pwede kasi nga madami na ring nakaka-alam na jowa ko ang lalake na yon.
“Hello Bullet, napatawag ka?” tanong ko agad pagkasagot ko sa tawag na yon. “May problema ba?” kasi naman wala pang twenty four hours mula nung umalis ako sa unit tapos heto at tumatawag na agad sya.
“Wala naman, I just really wanna ask you where you are right now.”
Naku naman oh, kaka-kulit sa akin nito ni Bullet baka madulas pa ako kung nasaan talaga ako. Kailangan kong mas mag-ingat sa pakikipag-kausap sa kanya. “Nandito na ako sa bahay ng kaibigan ko, so wala kang dapat na ikabahala.” Sagot ko naman sa kanya.
“Summer gumala muna tayo dahil maglilinis na yung cleaning lady in the next few minutes.” Oh fuck, kahit kailan ka talaga Tim ang wrong timing mo.
“Lalake ang kasama mo Summer, bakit kailangan mo pang maki-tulog jan?” sabi na nga ba eh.
Ano na naman ang imbentong sagot ang sasabihin ko sa pinsan ko na to? Nagkapatong-patong na ang kasinungalingan ko, dapat yata isang milyon ang hingin kong bayad dito kay Tim eh. “I’ll call you later, kailangan na talaga naming lumabas ng bahay ni bakla.” Yun na lang muna ang isinagot ko sa kanya, bahala na mamaya kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love for Rent
HumorHe broke your heart! You're done hurting! You don't want to love again! Kung gusto mong maging girlfriend ang isang katulad nya, RENT HER LOVE! You're Handsome! May body to die for! Habulin ng girls! Ayaw pakasal! HE RENT FOR HER LOVE!!!