A.N.: pasensya na po at ngayon lang ulit na-update... been so busy this past few days, sisihin natin si Habagat kung bakit hindi ko to mai-post kahit na matagal ng tapos...whahaha... medyo mahaba sya para naman hindi kayo mabitin...
Chapter Five
Flash ng camera dito, flash ng camera doon. Hay, mukang wala na yata talagang pag-asa na maibalik sa normal ang buhay ko. Simula nung una nila kaming makita na magkasama sa Landmarks Supermarket, hindi na nila ako tinantanan.
“Teh, ibang klaseng ganda at karisma talaga ang taglay mo. Isipin mo si Doc John baliw na baliw sayo, tapos ngayon kay Tim Gabriel ka naman nali-link.”
Sya si Trisha, ang isa sa mga ka-chikahan kong nurse dito sa hospital. Kapag outdated ka na sa entertainment issues here and abroad, sya lang ang hanapin mo at maa-update ka na. Kita nyo nga, pati yung sa amin ni Tim alam nya.
“Hay ShaSha, masyado ng komplikado ang buhay ko para dagdagan pa, sayo pa lang kulang na ang energy ko eh.” Kasi naman, basta matapos ang round nyang babae na yan, sa clinic ko na ang direcho nya. “Tapos ka na bang mag-round at nandito ka na agad sa clinic ko?”
Namilog bigla yung mga mata nya, may nakalimutan gawin ang isang to for sure. Ganyan talaga ang babae na yan, parang isinilang sa mundo para maging nurse at taga-kalap ng mga napapanahong showbiz issues.
“Hey teh, mamaya na lang at may ipinapagawa pa nga pala sa akin si Dra. Eden.”
At lumabas na sya agad ng clinic ko, pero paalis na rin naman ako para puntahan yung mga pasenyente ko na na-confine din dito sa ospital. Karamihan sa mga patients ko puro mga may trauma, yung iba dahil sa aksidente, yung iba dahil dun sa mga naranasan nila bago sila dalhin dito sa ospital.
“Ate Summer!”
Ate ang tawag ng mga pasyente ko dito sa ospital, hindi ko kasi feel na tawagin akong doktora o simpleng dok eh. Pero sino naman ang isang to na tumatawag sa akin? Sa pagkaka-alala ko kasi wala naman akong pasyente na bata ngayon eh, pero bakit parang isang four years old na bata ang tumawag sa pangalan ko?
“Lorrice, how are you now cute little baby girl?”
Sya si Lorrice, actually hindi ko talaga sya hawak pero ayaw nya kasi sa ibang psychologist dito kaya ako na lang ang kumuha sa case ng mommy nya. Oo, si Lorrice talaga ang pumili sa akin para sa mommy nya.
“Ate Summer, bakit hindi mo na nipupuntahan si Mommy ko sa room namin?”
“Medyo busy pa kasi si Ate Summer and hindi pa schedule ni Mommy mo, so Ate Summer doesn’t show to your mom’s room.”
“Ok, but when will be my mom’s schedule then?”
Hay naku naman ang bata na to oh, ang dami lang tanong. May mga patients’ pa akong kailangan puntahan eh. “Maybe it’ll be on Thursday, anyway Lor I already have to go because I need to attend to other patients. Bye baby, I’ll see you later.”
At umalis na ako doon para namam makapag-round na ako dun sa mga dapat kong puntahan. This may be tiring for some times but since I’m doing this for quite some times now, I already get used to it.
BINABASA MO ANG
Love for Rent
HumorHe broke your heart! You're done hurting! You don't want to love again! Kung gusto mong maging girlfriend ang isang katulad nya, RENT HER LOVE! You're Handsome! May body to die for! Habulin ng girls! Ayaw pakasal! HE RENT FOR HER LOVE!!!