Chapter Six : All my Bags are packed and I'm ready to go!!!

1.2K 12 3
                                    

Chapter Six

                Muka ba akong hindi kaligaw-ligaw? Muka bang walang ibang papatol sa akin kundi sya, kahit kunwari lang? Ang yabang talaga ng isang to, akala mo kung sinong super gwapo. Oo nga pala, dito nya ako sa Starbucks hinila na malapit sa ospital para mag-breakfast.

                “Is he really courting you, as in seryoso sya?” tiningnan ko naman sya ng masama. “Joke lang Summer, masama ka palang biruin kapag naka-doctor’s uniform ka.” At saka sya tumawa.

                Ang lakas din palang mang-inis nitong lalake na to. “Yeah, nanliligaw nga ang makulit na doctor na yon. Thank you dahil bigla ka na namang sumulpot na parang singaw dito sa ospital.” Sabay ngiti ko sa kanya na parang nang-iinis.

                “What’s his specialization? For sure hindi sya isang ophthalmologist kasi malabo ang mata nya at ikaw ang napili nyang ligawan. Hindi rin naman siguro sya neurosurgeon kasi sakit ka sa ulo so hindi ka nya pipiliin.”

                “He’s a neurosurgeon!” bigla kong sabi. Ang sarap lang buhusan nitong si Tim ng mainit na kape, o kaya naman sana mapaso ang dila nya para manahimik sya kahit na ilang minuto lang. “Sakit pala sa ulo ha, kaya pala ang ulo ko ngayon ang sumasakit dahil sayo. Malabo ba ang mata ni Doc. John? Di hamak naman na mas malabo ang mata mo dahil sa dinami-rami ng babae sa bansang Pilipinas eh ako pa ang napili mo jan sa modus mo.”

                At tumayo na ako at nagsimulang lumakad palayo sa bwisit na lalake na yon. Akala mo talaga kung sino porke maganda lang ang kinalabasan nya ng pinaghalo ang lahi ng Mommy at Daddy nya. Eh ano naman kung gwapo sya, wala pa rin syang karapatan na maliitin ang kagandahang taglay ko.

                “Oh Summer, bakit nandito ka na agad? Nasaan na si model-papable boyfriend mo?” at talagang tumingin pa sya sa likod ko na akala mo kaya kong itago si Tim sa likuran ko. “Hindi na sya babalik?” malungkot na tanong ni Trisha sa akin.

                “Wala sya sa likuran ko.” Naka-ngiting sabi ko kay ShaSha. “Sige na, balik trabaho na tayo.”

                Hahakbang na sana ako pabalik sa office ko ng biglang may nagsalita mula sa likod ko, pero hindi naman si Trisha. “Hi Dra. Summer Audrey!” hey, I know who’s the owner of that husky voice.

                Unti-unti akong lumingon sa likod ko para naman hindi mawala yung element of surprise. “Bullet!!! What are you doing here, kailan ka pa dumating?” sunod-sunod na tanong ko sa bagong dating na si Bullet.

                Who’s Bullet anyway? He’s an alien, tama! Alien talaga sya, he’s actually a Korean national but decided to be a Filipino since inggitero ang lalake na ito, nakuha na nya yung alien card eh. Pinsan ko si Bullet from my father side, pero close pa rin naman kami kahit na may galit ako sa Daddy ko, wala naman silang kinalaman don so we’re still close to each other.

                “Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng welcome hug?” then he spread his arms waiting for me to come in. “I missed you so much my dear cousin!”

                “Ahhh, cousin lang naman pala. Akala ko naman lalake na naman nya, patatayuan ko na sana sya ng monument sa Edsa eh.” Biglang sabi naman ni ShaSha na nasa likuran pa pala namin ni Bullet. “Friends, pwede pang sa akin na lang sya?” luka talaga tong si Trisha, anong akala nya sa pinsan ko laruan? “You know naman na weakness ko ang mga Koreans.”

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon