Chapter One : First Meeting

2.1K 28 7
                                    

Chapter One

Kasalukuyang nasa isang bar si Summer para kalimutan ang ginawang panloloko sa kanya ng magaling nyang ex-boyfriend na si Jazz. Hindi sya maka-paniwala na magagawang syang lokohin ng lalake na minahal nya ng buong-buo, at halos ibigay na nya ang lahat ditto, well except her virginity.

"Let's party all night guys!" sabi ni Summer sa mga kaibigan habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. "Let's enjoy the night babies!"

Ito ang naisip ni Summer na outlet para mailabas ang hinanakit at inis nya kay Jazz. "So talagang balak mong magwala ngayon Summer?" tanong ni Kaye sa kaibigan na hanggang ngayon ay walang sawa sa pag-giling. "So balak mo bang humanap ngayon ng kapalit ni Jazz?" tanong naman ng isa pa nyang kaibigan na si Irish.

"I don't have any plans to enter in a new relationship now, lahat ng lalake pare-pareho lang na manloloko." Sagot naman ni Summer sa kaibigan ng makarating na sila sa kanilang table. "Wala na akong balak na mag-seryoso sa isang relasyon, sakit lang sa ulo at puso ang dala sa akin nyang love na yan." Mahabang sagot ni Summer sa tanong ni Irish sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng tatlong magka-kaibigan ay nakikinig sa mula sa likod nila ang isang lalake. 'Kung makapag-salita naman ang isang to, akala mo hindi sakit sa ulo ang mga babae na katulad nya' sabi ni Tim sa sarili.

"So ano na ngang plano mo, forever single na lang ang drama mo?" tanong naman sa kanya ni Kaye. "Kung pwede nga lang, gusto kong pagka-kitaan ang lecheng pag-ibig na yan." Kumunot naman ang noo ng binatang lihim na nakikinig sa usapan ng magka-kaibigan. "Kung may papatol nga lang, mas ok pa na mag-panggap na lang ako ng girlfriend ng isang tao pero syempre may bayad."

"Love for Rent?" naisa-tinig na reaksyon ni Tim sa narinig nito mula sa babaeng iniwan yata ng boyfriend kaya nagkakapag-bitaw ng mga ganong salita. 'Nababaliw na yata ang isang to dahil broken-hearted.' Ang nasabi na lang ni Tim ng marinig nito ang naisip ng babae sa kabilang table. 'But come to think of it Tim, you can rent this girl to pretend as your girlfriend/live-in partner but just make sure na hindi sya mahuhulog sayo.' Biglang naisip ni Tim ng maalala ang sariling problema sa mga babae.

Babae ang problema nya, pero babae lang din naman ang solusyon sa problema nya. Isang kilalang model si Tim sa bansa na nagtataglay ng magandang katawan at mukha, dahilan para pagka-guluhan at habulin sya ng mga babae. He doesn't like that kind of life, ang habulin ng mga babae pero hindi naman nya iyon mababago dahil sa nature ng trabaho nya. Aware naman ang binata na pinag-kalooban sya ng mga katangian na hinahanap ng mga babae, kaya ngayon nga ay namomoblema sya kung paano nya maiiwasan na habulin pa ng mga babae.

"I'll go there lang, I'll cry my heart out through dancing." At tumalilis na agad si Summer papunta sa gitna ng dance floor. Nang marinig naman ito ni Tim ay agad din itong tumayo at nag-paalam sandali sa mga kaibigan na kasama upang sundan ang babae na may weird na idea. "Mga pare, may pupuntahan lang ako sandali, I'll be back in a moment." At umalis na din agad ito sa kanilang lamesa at agad na sinundan si Summer.

Pagkadating na pagkadating ni Summer sa gitna ng dance floor ay agad itong sumayaw na akala mo ay wala ng bukas. "Let's party everybody!" sigaw ni Summer habang sumasayaw at itinaas ang bote ng alak na hawak nya. "Let's party baby!" aniya ng isang lalake na lumapit kay Summer at sinabayan ang dalaga sa pag-sayaw nito.

Agad na hinanap ni Tim ang dalaga kahit na hindi pa nito nakikita ang mukha nito, ang tanging alam lamang alam niya ay kung ano ang suot-suot nito. Summer is wearing a fitted-above the knee black dress that she paired in a red killer high heels, she curled her hair that makes her more sexy and hot. Summer possess a heart shape face, an almond shape eyes, pouty red lips, and a small nose that complement the shape of her face.

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon