Akala ko uuwi na agad sila after nilang magkape, pero isang malaking maling akala lang ang lahat ng iyon. Wala silang balak umuwi agad. Worst part? Dito sila matutulog tonight! Meron pa bang mas lalala doon? Meron. Magkatabi kaming matutulog ni Tim ngayong gabi!
Malamang sa ibang babae dyan good news yon, pero para sa akin hindi. Hindi naman kami ganong ka-good para pagtabihin sa iisang kama. Saka malay ko ba sa mga sleeping habits nya, baka mamaya tumutulo pala laway nya habang tulog, o kaya naman naninipa kagaya ko.
"Where are your parents, Summer?" tanong sa akin ni Mrs. Gabriel.
"Ang Mommy ko po nasa Italy kasama ang kuya ko and his own family. Ang Daddy ko naman nasa Korea na, kasama ang bago nyang pamilya."
"I'm sorry to hear that Summer." hinging-paumanhin agad ng mommy ni Tim.
"Ok lang po, wala na po iyon sa akin. Matagal ko na pong natanggap na wala na talaga silang pag-asa na magkabalikan. Ok na rin po iyon, at least pareho na silang masaya, wala ng nahihirapan sa kanila."
Hindi naman na masakit para sa akin ang pag-usapan ang tungkol sa failed marriage ng parents ko. Talagang nangyayari ang ganon, yun nga lang isa sila sa binigyan ng pagkakataon na maghiwalay. Malaki ang naitulong sa akin ni Tim, kasi noon ayoko talagang pag-usapan ang tungkol sa kanila. Ngayon nga parang kahit yung mga kapatid ko sa ama parang kaya ko na rin silang tanggapin ng maluwag sa buhay ko. Okay, stop this non-sense drama.
"Kamusta naman ang pagsasama nyo ni Tim, hindi ka ba nya pinahihirapan?"
Gusto ko ng change topic, pero yung hindi yung tungkol sa 'amin' ni Tim ang pag-usapan. No choice naman ako, diba? "Ok naman po, though may times po talaga na hindi maiiwasan na magkaron ng misunderstanding. We tried to fix the problem before the day ends, mas masarap matulog ng walang kaaway." nakangiti kong sagot, yung totoong ngiti dahil totoo yung sagot ko.
"I know how hard to have a partner na masyadong busy. They don't have much time for us, to their partner, but they still want us to be their on their side. Alam mo na, source of inspiration. Aminin man nila o hindi, they need us more than anything else." mahabang sabi ni Mrs. Gabriel. "Alam mo ba ang daddy ni Tim, hindi iyan mapakali kapag hindi ko iyan natawagan buong maghapon." nakangiting dagdag pa nya.
"Ahh, Mam." di ko alam kung bakit bigla nya akong pinandilatan. Wala pa nga akong nasasabi.
"Call me Mommy." agad? "If nahihiya ka, just call me Tita Marisa."
Ngumiti lang ako kay Tita.Mabait naman pala sya, hindi gaya nung sinasabi ni Tim sa mga kwento sa akin. Pero yung sa daddy nya, yun ang mukhang makatotohanan. Hindi naman sa pagiging judgmental, pero muka talaga syang nakakatakot at masungit.
"Tita na lang po para hindi masyadong nakaka-ilang." inayos ko na lang yung comforter. "Ayan, maayos na po. Tita hindi po masyadong malamig yung aircon dito, pagpasensyahan nyo na lang po."
BINABASA MO ANG
Love for Rent
HumorHe broke your heart! You're done hurting! You don't want to love again! Kung gusto mong maging girlfriend ang isang katulad nya, RENT HER LOVE! You're Handsome! May body to die for! Habulin ng girls! Ayaw pakasal! HE RENT FOR HER LOVE!!!