Chapter Nine : Meeting

859 14 2
                                    

[A/N: Hello, hello!!! Long time no update ako!!! Hihi! Pasensya na at natagalan. Pasensya in advance dahil maigsi lang ang update, pero pwede na rin siguro pagtyagaan. Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa nito kahit napakabagal ng update. Comment at vote naman po kayo para malaman ko kung ano yung tingin nyo sa gawa ko, and yung reactions and expectation ninyo sa story. Salamuch!!! Enjoooooooyyy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!]

Chapter Nine

                Sunday, meaning kailangan ko na magpasalamat sa lahat ng blessings na patuloy na ibinibigay ni God sa akin. Every Sunday, nagigising akong mag-isa sa bahay. Kahit kasi Sunday madaming ginagawa si Tim, kaya loner ako. Hindi ko nga alam sa kanya if he has time to thank Him for all the blessing he received. Anti-Christ yata ang isang yon!

                After kong ayusin ang kwarto ko, I decide to go out for my breakfast. Alam nyo na, hindi nga ako sanay magluto. Wala si Tim kaya walang magluluto for me, and if I’ll try to cook naman baka magkasunog pa, wala pa naman akong kasama.

                Palabas na sana ako ng makasalubong ko si Tim. What the? Wala syang trabaho ngayon, as in seriously? What happened?

                “What? Bakit ganyan ang tingin mo, anong problema mo?” tanong nya. “Kung nagtataka kung bakit wala akong trabaho today, is because I cancelled all of them dahil darating ang mommy at daddy ko.” Ano daw?

                “What? Sino ang darating? Mommy at daddy mo? Bakit?” sunod-sunod na tanong ko. “Ano naman ang gagawin nila dito?”

                Hinila nya ako pabalik sa loob ng unit. “We need to fix this house. Kailangan mong ilipat ang mga gamit mo sa kwarto ko. Hindi nila dapat makita at malaman na magkaiba ang kwarto natin.” Shet, nagsisisi na ulit ako kung bakit ako pumayag sa usapan na ito.

                Hindi ko naisip na mangyayari ito, ang makilala ang mga magulang nya. Sabi nya kasi nasa ibang bansa na daw ang mommy at daddy nya, tapos ngayon  magugulat ako na pupunta sila dito. Alam ko na!

                “Aayusin natin ang mga kwarto, pero sasabihin mo sa mommy at daddy mo na nasa ibang bansa ako ngayon for conference.”

                “No!”

                “What?”

                “No, as in N-O. NO!

                “Bakit?”

                “Hindi ako papayag na wala akong ihaharap na girlfriend sa kanila. They will think that I’m just fooling them.”

                “Eh talaga namang niloloko mo lang naman sila. Wala ka naman talagang girlfriend.” Sagot ko pa.

                Halata naman sa kanya na nagtitimpi lang si Tim ng inis sa akin. Ako na nga yata ang pinaka-nakakairitang nilalang na nakilala nya. Inaangkin ko na yung titulo na iyon. Pero ako rin naman ang pinaka-mabait na babae na nakilala nya. Imagine, pumayag ako sa kalokohan na gusto nya.

                “Summer this is not a joke. We need to act like we’re madly in love with each other. Kapag hindi natin sila na-convince na may relasyon nga tayo, malamang na matapos na rin ang career mo as a psychologist.”

                “Ano naman ang kinalaman ng career ko sa problema natin ngayon? Bakit madadamay pa yun?” hindi ko napigilan na tanong sa kanya. “Saka kailan ba darating ang parents mo?”

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon