Chapter Two : Laban Laban o Bawe Bawe???!!!

1.6K 21 10
                                    

Chapter Two

                Ano ba ang problema nitong lalake na ‘to at bigla na lang nya akong hinila at itinulak papasok ng kotse nya? Tapos ngayon naman akala mo kalaban si Bryan O’Conner sa bilis magpatakbo! My Goodness!!! “Excuse me, pwede bang paki-bagalan lang ng konti yung pagpapatakbo mo nitong sasakyan mo at marami pa akong gustong puntahan na mga lugar. Wala pa kasi sa destination list ko ang langit eh. Pwede ba yon?” totoo naman yung mga sinabi ko, gusto ko pang mapuntahan ang El Nido and the famous Puerto Princesa Underground River. Isa ako sa mga naki-text brigade para mapasama yung sa New Wonders of the World.

                “I’m sorry. Anyway I’m Tim Gabriel, you’re Ms. Natividad right?” eh ano naman kung sya si Tim Gabriel.

                Masyado namang pormal ang isang to, saka Natividad ba ang nasabi kong surname ko sa kanya? Sabagay ayoko na rin namang gamitin ang apelido na Kim. “Yes, ako nga. Teka, ano ba kasi yung pag-uusapan natin?” ano ba naman tong napasukan ko, naturingan na Psychology doctor ako pero sumama ako sa isang to na hindi ko man lang kilala.

                “Hindi mo ba talaga ako natatandaan, or hindi mo ba talaga alam kung sino ako?” biglang tanong nya sa akin na hindi man lang sinagot ang tanong ko.

                Itatanong ko ba kung sino sya kung kilala ko sya, diba?! “Bakit ba nagtatanong ang isang tao, malamang kasi hindi nya alam ang sagot sa tanong nya diba kaya sya nagtatanong.” Sagot ko sa kanya na may halo na konting inis.

                “What’s your profession Miss?” ay jusko, maloloka yata talaga ako sa lalake na to, masyado talagang pormal. “Are you ok, Miss?”

                Talaga naman oh, nakaka-banas lang kausap. Nakakasawa rin naman na lagi na lang ‘Miss’ ang tinatawag nila sa akin, hindi ba pwedeng sa pangalan ko na lang? “Ahm Tim, right? Kung pwede lang ha, kung maaari lang naman eh first name basis na lang yung gamitin natin. Just call me Summer.” Unfair naman yun diba, sya tinatawag ko sya sa pangalan nya tapos sya ‘Miss’ ang tawag nya.

                Tumingin naman sya sa gawi ko at saka ako binigyan ng nakakahimatay na ngiti, grabe lang talaga. Kung bacon underwear siguro ang ginamit ko malamang nalaglag na yun. At ang pinaka-epiko sa lahat eh yung muntik na akong mauntog sa wind shield dahil bigla syang nag-preno, nakakawala ng pagiging magandang babae.

                “We’re here, let’s go!” gwapo nga at may nakakamatay na ngiti, ungentleman naman. “Hey!” hey nya muka nya!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

                “I need someone who can pretend to be my girlfriend/live-in partner. Ayoko kasi na maraming babae ang lumalapit sa akin para magpa-cute, I bet you know my nature of work.”

                Pakelam ko naman sa nature of work nya, hindi pa rin sya gentleman sa paningin ko! “So?” eh ano naman ngayon kung kailangan nya ng ganon? Bakit hindi na lang sya humaltak ng isa sa madaming babae na lumalapit sa kanya para matigil na yung ibang babae, sa ganon hindi na nya kailangang magbayad.

                “Dahil sayo ko nakuha ang magandang idea na yon, dun sa tinatawag mong LOVE FOR RENT job. No strings attached, no emotions so wala tayong magiging problema. Hindi mo ako type, hindi rin kita type. Ka…”

                “Mabuti naman at alam mo na hindi kita type.”

                Ang hangin lang nya para isipin  na may gusto ako sa kanya, ano sya model na dapat kong pagpantasyahan ang katawan? “Anyway, just so you know I’m a model kaya talagang lapitin ako ng mga babae.” At talaga namang nasamid ako dun sa nature of work nya, model daw sya.

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon