Chapter Eight: Meet Bubbles!

1K 20 11
                                    

Chapter Eight

                After that incident at Enchanted Kingdom, mas lalo pang gumulo ang buhay ko. Si Bullet mas madalas nga ngayong tumatawag at nagtatanong kung totoo ba ang boyfriend ko nga si Tim. Si ShaSha akala mo bulate na binudburan ng asin tuwing makikita ako dahil sa kilig. Kung meron man akong dapat ipagpasalamat, iyon ay yung tinigilan na ako ng persistent suitor ko na si Dr. John.

                “Alis na ako.”

                Kahit naman na magulo na ang buhay ko, I still have a life to live. Kailangan ko pa rin namang mag-trabaho kahit pa si Tim na ang may sagot sa lahat ng gastos sa bahay, until the end of the month. By next month sa unit ko naman kami mag-stay if wala na doon si Bullet. At saka may mga bagay na gusto rin naman akong bilhin, gamit ang sarili kong pera.

                “Hey, wait up.” Biglang labas ni Tim sa kwarto nya. “Hatid na kita. Remember, nasa casa pa ang kotse mo.”

                Ay tanga, oo nga pala no. Nakalimutan ko na yon, three days na palang nasa casa ang sasakyan ko. Kasi naman yung tatanga-tanga na lasing na driver sukat ba namang banggain yung kotse ko na nananahimik na naka-park sa isang mall.

                “Bilisan mo, madami akong pasyente ngayon.” Nagmamadali kasi talaga ako ngayon, kasi nga madami pa akong kailangang puntahan na pasyente. “Tara na.”

                Nagmamadali syang dinampot yung susi at sumunod na agad sa akin palabas. “Let’s make a drive-thru for our breakfast, that won’t take long.” Actually gutom na rin ako eh.

                                                                                                                                     

                “Sure, di pa tayo kumakain eh. For sure, gutom ka na rin.” Sagot ko naman sa kanya.

                Magkasundo na kaming dalawa, most of the time. Pero minsan talaga hindi kami magkasundo, kagaya na lang nung nabangga nga yung kotse ko.

*FLASHBACK*

                Ano bang meron at nagkaka-gulo sila sa parking lot, at may mga pulis pa talaga? Alam ba nila na kotse ko yung naka-park doon at hinihintay nila akong bumalik? Feeling ko naman sikat na rin ako, eh puro hindi magandang issue na lang ang naririnig ko about sa akin.

                “Sino ba talaga sa inyo ang may-ari ng kotseng ito?” nangangalit na tanong nung pulis sa mga taong nandoon. “Kapag hindi kayo nagsabi ng totoo, ipapakulong ko kayong lahat.”

                “Excuse me, excuse me!” singit ko sa kumpol ng tao na puro nakiki-usyoso. “Bakit ba kasi ang daming tao sa parking lot, nasa loob kaya ng mall ang mga paninda.”

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon