Love for Rent

8K 34 11
                                    

LOVE FOR RENT

Teaser

                Minsan ng nabigo si Summer sa pag-ibig kaya naman sinumpa nya na hinding-hindi na sya ulit magse-seryoso sa pakikipag-relasyon. LOVE FOR RENT, yan ang naisip nyang gimik. Sa panahon ngayon, mas marami ang sawi kesa sa masaya, mas marami ang nangangailangan ng taong masasandalan dahil sa kanilang mga problema, kaya naisip nya na bakit hindi nya pagka-kitaan ang ganong bagay. College graduate si Summer Audrey Natividad ng Psychology kaya naman magaling sya sa pag-unawa sa mga tao. Ang galing nya pagdating sa ibang tao, pero sarili nya hindi nya maintindihan, lalo na kapag si Tim ang topic. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit ganon na lamang ang inis nya sa lalake to think na wala naman itong ginagawang masama sa kanya, ang lalake pa nga ang pumatol sa LOVE FOR RENT nya.

                Timothy Michael Gabriel also known as Tim is one of the most in demand product endorser/model. He still pursue his modelling career kahit na against sa gusto nya ang mga magulang nya, lalo na ang Papa nya. Bilang isa sa may magandang mukha at katawan na model, hindi maiiwasan na maging lapitin sya ng mga babae, bagay na ayaw nya. Kaya naman naghahanap sya ng isang babae na pwedeng mag-panggap na girlfriend nya, at wala syang pakialam kahit na magbayad pa sya ng mahal. Hanggang sa nakilala nya si Summer Audrey Natividad ng hindi inaasahan, isang Psychologist na may topak at pumayag na mag-panggap na girlfriend/live-in partner nya, syempre sa tamang presyo. Aminado naman si Tim na maganda ang dalaga, pero hindi nya magawang tuluyang mahulog sa charm na meron ito dahil tinalo pa nito ang isang bipolar sa sobrang bilis magpalit ng mood.

                Sa paanong paraan ba nagka-kilala ang dalawa at nag-kasundo agad sila sa isang LOVE FOR RENT na deal? Bakit nga ba naiinis si Summer kapag si Tim ang usapan to think na ito ang kanyang boss/live-in partner? Hanggang kailan naman kaya tatagal ang ganitong set-up nila? Magka-sundo kaya sila kung magka-iba ang kanilang mga hilig at ugali? Hindi naman kaya mauwi ang LOVE FOR RENT na drama nila sa LOVE FOR REAL???

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon