Chapter Eleven : Perfect Family

374 9 3
                                    

"Ano namang masama kung makipagkita ako sa mga kaibigan ko? Kaibigan ko sila, so natural at nararapat lang na makipagkita at makipag-bonding ako sa kanila."

Ewan ko ba dito kay Tim kung bakit nanggagalaiti dahil nakipagkita ako sa mga kaibigan ko. Wala naman kaming ginawang masama, except sa pambubwisit ni Irish kay Jazz. Teka, don't tell me nalaman nya na nagkita kami ni Jazz accidentally?

"Why are you acting like that? Ano bang dumating sayo na nangyari while I'm with my friends?" tanong ko pa sa kanya. Parang walang narinig. "Huy Tim! Naputulan ka na ng dila?"

Tiningnan lang nya ako ng masama, saka sya pumunta ng kusina. Ano bang problema nun? Sabi nila ang mga babae ang mahirap intindihin? Bakit parang mas mahirap intindihin ang isang TImothy Gabriel? But there's also a study na mas mahirap intindihin ang mga lalake. Yung totoo, nalilito na ako sa mga studies na iyan. 

"Forget it. Tumawag si Mommy kanina, hinahanap ka."

Wala pa ngang one week simula nung umalis sila dito, hinahanap na agad ako. "Bakit daw?" tanong ko kay Tim habang kumukuha ng tubog sa ref.

 Kibit-balikat lang naman ang sinagot nya sa akin. Batuhin ko nga ng ubas na nakuha ko sa ref. Tinatanong ng maayos ayaw sumagot ng maayos. Kung di ka ba naman mainis. Tiningnan lang naman nya ako ng masama, tapos biglang nalukot yung muka at nalungkot. Anong problema nun, kailangan na ba nya ng tulong ng doctor?

"May problema ka ba Tim, may pinagdaraanan?" naguguluhan na talaga ako sa kanya, as in super gulo nya dahil ang tahimik nya. "You know I can help you, now talk!"

Humarap na sya ulit sa akin this time, at diretsong tiningnan ako sa mga mata. "Tomorrow is my birthday, and I'm planning to go on a vacation."

"And?"

"Of course you're coming with me, you're my partner." tila hindi makapaniwala na sagot ni Tim sa simpleng tanong ko.

"OA naman. So, where are we going?"

"Somewhere in Zambales."

"Ang cheap lang ha. Ang laki-laki ng kinikita mo sa pagbibilad mo ng katawan tapos sa Subic mo lang pala ako dadalin."

"Actually doon tayo pupunta dahil sa Ocean Adventure."

"Seriously Timothy, di ka pa nakakarating doon? Di ka pa nakakakita ng dolphins?" niloloko ko lang naman sya, baka nga pati pating nakakita na sya.

"Ha-ha! I'll be spending my birthday with the kids of my favorite foundation."

 I never saw that one coming. Hearing him taking kids somewhere to celebrate his birthday with is something to cherish. Hindi ko alam na may ganitong klaseng side pala si Tim, akala ko puro pasarap lang sa buhay ang alam nya.

"Can I ask my friends to come with us? Please?" he just frown. "You know they can help us with the kids kahit pa may elders na silang kasama. Irish and Kaye will be a big help, let them come na Tim. Please!!!"

Suko na sya, suko na! "Fine!" yes! yes! yes! "But tayong dalawa dapat ang laging magkatabi and magkasama!" ok lang naman sa akin yun, at least kasama ko sila.

 ++++++++++++++++++++++++++++++

Nakasakay kami ngayon sa isang coaster bus, kasama si Kaye, Irish, tatlong madre, at twenty na bata na nasa age four to twelve years old. We are on our way na sa Zambales, at si Tim naman ay natutulog dito sa tabi ko.

Gusto ko ngang itulak si Tim dahil gusto kong makigulo dun sa mga bata kasama si Kaye at Irish, pero hindi pa naman ako ganong ka-heartless para gawin ang balak ko kay Tim. Kasi ba naman, alam naman na maagang aalis nakuha pang magpuyat.

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon