Three days had passed mula nung nagpunta kami sa Subic with the kids, pero hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang birthday celebration ni Tim. This time, ang Pacific Avenue naman ang nagbigay sa kanya ng party. Isa ang Pacific Avenue sa ine-endorse ni Tim, and according to writings na nabasa ko is nagsimulang lumakas ang sales ng Pacific simula nung kinuha nilang model/endorser si Tim.
"Tim," tawag ko sa kanya na abala sa pag-aayos ng damit nya. "Hindi ka ba nagsasawa na mag-attend ng party? Pang-ilan mo na ba yang birthday party?" tanong ko.
Nilingon naman nya ako. "Help me with this tie, hindi ko maayos." nagtatanong lang ako nautusan pa.
Nilapitan ko na lang sya para wala na syang masabi. "So, ano ng sagot mo sa tanong ko?"
"Of course nagsasawa na rin, but wala naman akong magawa." sagot nya sa akin.
"You can do something about it. Pwede mo namang sabihin sa kanila na ayaw mo, and if they really insist tell them na ibigay na lang sa mga charitable institutions yung pera na gagamitin para sa party mo." mahabang sabi ko sa ka ya habang kunot na ang noo ko sa pag-aayos ng tie nya.
Ano ba naman kasi ang ginawa nitong si Tim sa kawawa nyang necktie, lukot-lukot na. "Kuha ka na lang ng iba, lukot na oh." utos ko sa kanya pagkatapos kong ipakita ang ginawa nya sa tie na napili nya.
"By the way Summer, anong oras ang tapos ng trabaho mo ngayon?" tanong nya habang naghahanap ng tie sa walk-in closet. "Ayaw mo ba talagang sumama? You know, dalawa na yung nagbigay ng birthday party sa akin pero pareho kang hindi sumama."
That's true, hindi talaga ako sumama sa kanya. That's because busy ako this past few days. Hindi naman ako masyadong busy ngayon, actually pwede akong sumama sa kanya kasi wala akong naka-schedule na kahit ano. Hindi ko lang feel sumama kasi paniguradong madaming member ng press ang nandoon, for sure tatanungin na naman nila ako, kami ni Tim tungkol sa relasyon naming dalawa to think na ang tagal naman na since that issue came out.
"Well, I think I can come this time. Kaya lang baka mamaya madami na namang press sa party mo like first party they throw up for you."
Bigla na lang akong niyakap ni Tim, and I can't figure out why. Lately parang naging habit na nya ang yakapin ako bago sya umalis, kapag dumating sya, kapag masyado syang masaya, natutuwa, at naiinis sa akin. And lately, parang kinikilabutan ako sa mga ginagawa nya. Masyado na kasi akong napapalapit sa kanya, which is ayokong mangyari dahil wala namang kasiguraduhan kung hanggang kailan kami magsasama.
Nakakatakot isipin na kung kailang malapit na kami sa isa't-isa or worse nahulog na ang loob ko sa kanya, saka naman hingin ng pagkakataon na maghiwalay na kami.
"Hey! Are you okay?"
Napatingin lang naman ako sa kanya, hindi ko magawang magsalita kahit pa may gusto akong sabihin sa kanya. Gusto ko kasing itanong sa kanya kung bakit masyado na syang mabait at sweet sa akin to think na dati para kaming aso't-pusa.
"Yeah, I'm okay. Teka magbibihis lang ako." at tinalikuran ko na sya para humanap ng dress na pwede kong isuot. "Hey Tim." tawag ko sa atensyon nya. "You think this dress will be fine?" pakita ko sa kanya ang isang mint green na dress.
"Everything looks good on you." and I blushed.
Jusme! Timothy Michael Gabriel na isang sikat na model ang nagsabi sa akin nun, big compliment yun. Ngiti lang tuloy ang naisagot ko sa kanya at saka ako pumasok sa CR para magbihis.
Parang ang OA naman nitong suot ko, eh birthday party lang naman ang pupuntahan namin. Pero hindi rin, isang event iyon na puro magaganda, gwapo at sexy ang nandon, hindi ako dapat magpahuli sa kanila. Hindi ko dapat ipahiya ang sarili ko, pati na rin si Tim.
BINABASA MO ANG
Love for Rent
HumorHe broke your heart! You're done hurting! You don't want to love again! Kung gusto mong maging girlfriend ang isang katulad nya, RENT HER LOVE! You're Handsome! May body to die for! Habulin ng girls! Ayaw pakasal! HE RENT FOR HER LOVE!!!