Chapter Four : Our First Date?

1.3K 18 2
                                    

Chapter Four

                "Eto na yon, eto na yung pinag-mamalaki mong condo unit?"

                Hello, mas malaki pa yung condo ko kesa sa unit nitong male-model na to na pinag-aagawan ng mga ka-baro ni Eba at lupon ng kabaklaan eh. Maliit lang din pala ang kinikita ng mga model kahit pa halos ibenta na nila yung mga hubad nilang katawan. Good thing hindi rin naman ako nabiyayaan ng ganong kagandang katawan, para lang sa ganitong kaliit na kita.

                "This is just my not so formal living room. Let's go this way."

                Owkay, binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina tungkol sa kita ng mga models na halos pati kaluluwa nila ay ipakita na nila para lang kumita ng konti. Hiyang-hiya naman ako sa condo unit nya, eh muntik ng mag-mukang townhouse sa laki eh, sa 'not so formal' living room pa lang yon ha, pano pa kaya kapag nalibot ko na ang buong unit nya.

                "So, how do you find my place, does it pass your standard?"

                Ang yabang naman nitong lalake na 'to, bigla tuloy talaga akong nahiya na patuluyin sya sa condo ko na 1/4 lang yata nitong sa kanya. Eh pero kahit na maliit lang ang condo ko, sigurado ka naman na malinis at organize. Samantala ang mala-townhouse na condo unit nitong si Tim eh kahit si Tom and Jerry tatanggi na tumira sa bahay na 'to.

                "Naisip ko lang bigla Tim, hindi kaya cleaning lady ang kailangan mo at hindi isang pretending live-in partner?"

                "I already have one, so I don't need another one. But if you'll insist to clean my house, you're free do so." Ang kapal ng muka nito, muka ba akong taga-linis lang? "Hey have a seat; I'll just get something to drink."

                At dahil iniwan nya ako sa kanyang 'formal' living room nya ay ginala ko talaga ng sobra ang mga mata ko. Iba na talaga kapag mayaman, living room pa lang kasing laki na ng isang bahay. Pero kahit naman hindi ganong kalaki ang kinikita ko sa, masaya naman na ako sa klase at estado ng buhay na meron ako ngayon.

                "Take this."

                Is he serious, he wants me to drink this beer-in-can? This guy is out of his mind, beer as a drink for his female guest? May sayad talaga ang isang to! After nung nangyari kagabi, ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako iinom...ng walang okasyon. So I find my way to his kitchen and search something nicer to drink for myself.

                "Are you sure dito ka nakatira sa condo unit na to, Tim?" wala man lang na kahit na anong matinong pagkain ang makikita sa ref nya. "Wala bang ibang laman ang ref mo kundi puro alak?"

                "I just run out of stock. But since you'll stay here starting tomorrow, we can do buy some grocery items and fill in that big cold box. You can buy anything you want and put that on that ref, all expense paid courtesy of yours truly!"

                Mokong!!! Unang araw pa lang, exposure na agad ang gusto. Hello pupunta muna ako sa shop ni Mother Ricky para naman hindi ako masagwang tingnan sa mga stolen shots ng mga paparazzi.

                "Excuse me, wala pa sa plano ko ang ma-tsismis, hindi ko pa naihahanda ang sarili ko sa mga ganong issues."

                Kailangan ko ng isang magaling na counsel para naman hindi ako ma-culture shock sa mundo nitong tipaklong na lalake na to.

Love for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon