Tulala ako habang nakatingin sa dalawang binili kong pt na lahat ay may positive result.
tumulo ang aking luha habang nakatingin rito, “anong nagawa mo c-camila.” hagulgol ko. “may mga pangarap kapa diba?” iyak ko.
“ano tong nagawa mo!” lumuhod ako habang hawak ang mga binili kong pregnancy test.
“p-pano nato?” i sob. oh god please. “pano ko bubuhayin to?” i cried.
dahan dahan kong pinunasan ang aking mga luha at tiningnan ang oras sa aking cellphone at baka na late na ako sa aking trabaho at baka hindi na ako makakuha ng pangkain ngayong kailangan ko na ng pera hindi lang para sa pag aaral ko dahil para narin magkalaman ang aking tiyan hindi para sa akin kondi para sa bata na nasa aking sinapupunan dahil wala nang hinuhulog si mama na pera para sa akin ngayon dahil sa mahal na pambayad para sa pang hospital ni papa.
“kailangan mong maging matapang camila para sa baby hmm.” tumayo ako at pumunta sa cr para makaligo na at makapasok na sa school.
nang matapos maligo ay pumili ako ng mas desenting damit kaysa mag uniform dahil natatakot ako at baka ma compressed si baby sa loob ng aking sinapupunan.
tumingin ako sa salamin habang nakasuot ng pink sweater top paired with a baggy jeans and nagsuot rin ako ng white shoes at nag apply rin ako ng masyadong light na makeup para hindi masyado halata ang aking kalagayan.
tiningnan ko ang aking sarili mula sa salamin at dumako ang aking paningin sa aking tiyan at nakita kong hindi pa naman ito lumalaki, na aking lubusang ipinagpapasalamat.
huminga ako ng malalim nang biglang tumunog ang aking cellphone, agad ko itong tiningnan at nakitang may mensahe si bruce!
lover:
where are you baby?lover:
sunduin kita mamaya.agad nanlaki ang aking mga mata at agad siyang nireplyan.
ako:
no, wag na, sasabay ako kay michelle.huminga ako ng malalim habang senesend ang aking mensahe, habang ang aking puso ay naghaharumentado sa loob ng aking dibdib. naguguluhan ako kung sasabihin ko ba sakanya na buntis ako sa aming magiging anak o itatago ko nalang ang katotohanang may dindala nga talaga akong bata sa aking sinapupunan.
“bahala na! basta isipin mo nalang muna sa ngayon kung ano ang makakabuti sa baby camila.” sabi ko sa sarili at kinuha na ang aking bag para makapasok sa school.
habang nakasakay sa jeep papunta sa school ay agad umikot ang aking isipan sa binala saakin ng mama ni bruce kaninang umaga. at habang inaalala iyon ay napagtanto kong mas mabuti kong wala munang makaalam sa aking pagbubuntis lalong lalo na si bruce dahil paniguradong mas magagalit lang ang mama niya at baka kung ano pa ang gawin niya sa aming mag ina, kaya mas mabuti kong itago ko na muna ang dinadala kong bata sa kanilang lahat.
pagsapit nang lunch ay agad akong tumayo mula sa aking upuan at tumingin kay michelle.
“punta na ako sa cafeteria.” paalam ko.
she frowned and stood up while carrying her expensive shoulder bag.
“tse! wala na ako kasama para kumain sa labas.” she complained at me.
ngumiti ako at tinapik ang kanyang balikat. “sumama kanalang sa mga kaklase natin.” i suggest.
she glared at me and shook her head profusely. “wag na, sige na magtrabaho kana.” sabi niya.
“okay.” unti unti ko siyang tinalikuran at tumulak papunta sa cafeteria.
nang makarating sa cafeteria ay agad akong pumasok sa production area para hanapin ang aming manager para magpaalam na magsisimula na ako.
YOU ARE READING
Meeting the one
Romancecamila martin tuazon is a very smart, kind and innocent girl but behind those characteristics of her is her lack of talents. and when she graduated in senior high, she choose a teacher course because other than that she ain't got nothing talents, sh...