Chapter 25

42 3 0
                                    

A: sorry mga bebelabss kung na late yung ud ko, na busy langss😓


years flew past since when i delivered prince  and when papa also left us.

prince is now three years of age while i resumed what i unfinished in college and lucky me i just finished it last year, i finally finished my long time dream which is teacher. but i hadn't yet tried to attend the board exam, which I'm planning to attend this year.

“mama!” prince called me in the backyard.

“yes, baby!?” i instantly followed him in the backyard.

natagpuan ko siyang nakatingala sa punong bayabas na palagian kong inaakyat noong bata pa ako.

“oh, anong problema?”

tumingin siya saakin pagkatapos ay itinuro ang bayabas. “i want!” he exclaimed while pointing the guava.

marami narin kasi itong bunga kaya baka na curious siya at tsaka mahilig pa naman ito sa bola baka akalain niyang isa itong bola! “naku, anak mahirap iyan akyatin kaya hindi ka makakakuha niyan.” sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay.

“tara na, pumasok na tayo.” saad ko ngunit laking gulat ko nang makita kong nagsimulang maglabasan ang kanyang mga luha mula sa kanyang mata.

“baby, what's wrong?” lumuhod ako at pinantayan siya at dahan dahang pinunasan ang kanyang pisnging basang basa na.

“i want those mama!” turo niya ulit sa bayabas.

“o-okay we will call your daddy franco to get some, okay?” i smiled at him and he instantly stop crying, i stifle a laugh when he slowly wipe his own tears.

kinurot ko ang kanyang magkabilang pisngi at hinawakan ulit siya sa kamay para makapasok na kami at makapag agahan.

“tara na, kumain na tayo habang hinihintay ang daddy franco mo.” saad ko, at tumango naman siya kaya napangiti ako ulit at pinagmasdan ang kanyang mukha.

hindi ko mapigilang pagmasdan parati ang kanyang mukha dahil naaalala ko sakanyang mukha parati ang kanyang ama, kuhang kuha talaga niya ang wangis nito kaya minsan ay napapatitig nalang ako sakanya na ikinaiinis niya dahil hindi ko raw masagot sagot nang maayos ang kanyang mga tanong sa tuwing may itinatanong siya saakin.

at laking pasasalamat ko dahil simula nong pinanganak ko siya hanggang ngayong tatlong gulang pa lamang siya ay hindi niya naitanong ni minsan man ang kanyang tunay na ama, na ipinagtataka ko dahil hindi tulad ng iba na may hiwalay na magulang ay naguguluhan kung bakit wala silang nakikitang tatay sa kanilang paligid habang sila’y lumalaki samantalang ang aking anak ay hindi man na kuryoso tungkol sa kanyang ama.

“maa!” prince exclaimed while I'm dumbfounded staring at him.

“y-yes!” i asked while giving him a small smile.

“tara napo! kain napo.” he cutely uttered.

“o-okay, sorry baby.”

at habang kumakain ay bigla nalang naming  narinig ang malakas na boses ni mama sa labas…

“naku, hindi lela hindi ako naniniwala sa mga ganyan…” rinig naming usapan nila.

si mama ay unti unti ring nakaka recover sa pagkamatay ni papa dahil noong namatay si papa which is noong araw rin na sinilang ko si prince ay sobra sobra talaga siyang nagluksa non, dahil nong mga sumunod na araw pagkatapos nang aking panganganak at ang pagkamatay ni papa ay talagang walang kain at ligo si mama dahil palagi siyang nakakulong sa kuwarto at hindi ko na masyadong maasikaso dahil binabantayan ko non si prince kaya mabuti naman at umayos narin ang kanyang kalagayan kalaunan at kumakain narin at lumalabas at mas lalong naging maayos ang kanyang kalagayan noong masyadong lumalaki na si prince dahil siya ang nagsilbing taga aliw ni mama noong mga oras na yun.

Meeting the one Where stories live. Discover now