Ano’ng ginagawa niya rito!?This is coincidence right?
I saw how he clenched his jaw and looked away from me.
I don't know but i feel like I'm being stabbed when he looked away from me… it does hurt… so much.
Pero agad rin akong natauhan at agad ding umalis ro’n at lumabas para sana umuwi na.
“oh sa’n ka pupunta!?” si angel nang makita akong nagmamadaling umalis.
“ah wala emergency.”
Hindi ko na pinakinggan ang sagot niya at agad nang umalis. Tiningnan ko ng ilang sandali ang mga bisita sa harapan at nakita kong nakatingin siya sa likuran niya, umiling ako at agad ring umalis.
At saktong paglabas ko ay ang pag ring naman ng cellphone ko! agad kong tiningnan at nakitang si franco ang tumatawag, kaya agad kong sinagot habang naglalakad papunta sa gate.
Tumigil muna ako ng ilang sandali at tumingin sa sbm kung saan sila nagme-meeting habang sinasagot ang tawag ni franco.
“hello! papunta na kami dyan ni prince, sunduin ka namin.” bungad niya na ikinagulat at takot ko!
“ano!?”
“bakit?” tanong niya, tila naguguluhan sa biglang reaksyon ko.
“nanjan na kami.” sabi niya bigla!
What the fuck! agad akong tumingin sa sbm at bumukas ang pintuan at lumabas ang hindi ko inaasahang lalabas! si bruce!
Hindi ko alam kung anong naisip niya’t biglang lumabas pero agad akong umiwas ng tingin sakanya.
Tumingin ako sa bukas na gate at nakitang dumating nga si franco! maglalakad na sana ako papunta sa kanila kaso naunahan na ako ni franco!
Lumabas silang sabay ni prince mula sa kanyang fortuner. Nakita kong naka suot ng cute na nike cap si prince same with his daddy franco, and a couple white shirts and black shorts!
Anong nakain ng dalawang ‘to!
Kinabahan ako bigla pero hindi na ako tumingin ulit sa sbm at baka mas lalo pa akong kabahan!
“hi mommy!” si prince sabay takbo papunta sa akin at yakap sa aking bewang.
“hello baby!”
Hinalikan ko siya sa pisngi at tumingin naman sa lalaki na nasa aking harapan.
“anong naisip niyo’t pumarito kayo?”
“we just want to see you, you're so busy nowadays so…” lumapit siya at binuhat si prince.
“baka mamaya, di kana tawaging mommy ni prince…” biro niya.
Pero natulala ako sa sinabi niya…
Nang biglang may gumulo sa aking buhok! “joke lang!” tawa niya.
Hinawi ko ang kamay niya. “alam ko!” sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa rin sa huli.
“tara na, treat ko.” si franco.
Sumang ayon ako’t naglakad na kami papunta sa gate.
Pero paglabas namin sa gate ay dahan dahan akong tumingin pabalik sa sbm kung saan ko siya huling nakita at nakita kong pabalik na siya sa loob at agad sinara ang pintuan…
My heart is beating so fast… and this is like a deja vu for me, the way my heart beat so fast is just the way it was before when i first met him…
Ganitong ganito yung nararamdaman ko noon kapag malapit siya, kinakabahan ako palagi kapag nandyan siya.
YOU ARE READING
Meeting the one
Romancecamila martin tuazon is a very smart, kind and innocent girl but behind those characteristics of her is her lack of talents. and when she graduated in senior high, she choose a teacher course because other than that she ain't got nothing talents, sh...