chapter 23

59 0 0
                                    

"ma'am saan ko po kayo ibababa?" tanong ni manong nang makarating kami sa highway ng bagong bayan. samantalang yung bahay namin ay nasa kaliwang kanto pa.

"dyan sa liko po manong matatagpuan mo na yung bahay namin." sabi ko.

"ah sige sige."

habang papaliko si manong ay natanaw ko na ang muntihin naming bahay. ang baba nito ay semento habang ang sa taas naman ay gawang plywood, sa taas ay may dalawang kuwarto habang yung sa baba naman ay may isang kuwarto. sa baba kami palagiang tumatambay ni mama nung kami'y dito pa naninirahan, habang si papa naman ay nasa maynila at nagtatrabaho, pero nung lumaki na ako at mag se-senior high school na ay dun napag desisyonan ni papa na lumipat na muna kami sa santa lesa aracoza at doon raw ako mag aral dahil maganda daw ang learning system at maganda ang eskwelahan.

"ayan napo!" sabi ko at tinuro ang aming bahay.

agad naman niya itong nakita at dahan dahang tumigil sa harap ng aming bahay.

"ito po, salamat manong!" bigay ko sa aking bayad at agad lumabas sa loob ng kanyang tricycle.

"walang anoman." ngumiti siya at agad pinaharurut ang kanyang tricycle paalis sa bahay.

tumingin ako sa harap ng aming bahay at bigla akong nakaramdam ng pangungulila at pagka nerbyos, pangungulila sa aking mga magulang at kaba dahil sa katotohanang buntis nga ako at hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sakanila, parang iniwan lang nila ako ng ilang araw tapos malalaman lang nilang bigla nalang akong buntis.

tumulo ang isa kong luha kaya agad ko itong pinaalis at tumuloy nalang sa aming bahay, pumasok ako nang bitbit ang dalawa kong maleta at ang isa kong black bag pack. at pagkapasok ng pagkapasok ko palang sa bukas na pintuan ay agad kong natanaw ang aking ina na nagluluto sa maliit naming kusina habang ang papa ko naman ay nakaupo sa sala at nakasalamin habang nagbabasa ng isang diyaryo.

"ma, pa..." my first word.

agad silang tumingin sa aking banda nang marinig ang aking boses. "anak!" they both shouted.

"a-anong ginagawa mo rito!?" si mama habang sila'y papalapit saakin.

hindi ako sumagot imbes na mas unang tumulo pa ang aking mga luha, tumingin ako sa baba hindi sila kayang tingnan sa ganitong sitwasyon.

"anak, may problema ba?" si papa na ngayo'y mukha nang nag aalala habang nakatingin saakin.

umiling ako habang nakatingin sakanila, hindi ako makabuo ng salita dahil sa subrang kaba at nerbyos, idagdag pa nang naghaharumentado kong puso.

"anak! sabihin mo? may masakit ba sayo?" si mama naman ngayon na may mukhang nag aalala narin.

"m-ma...pa, s-sorry po..." humagulgol ako sa kanilang harap.

"ang bobo bobo po kasi ng anak niyo!" hagulgol ko.

pero nakatingin lang sila saakin ng may nag aalalang mukha and at the same time tensed.

"ma...pa, b-buntis po ako..." sabi ko sa maliit na tinig.

agad nanlaki ang kanilang mga mata sa narinig, bumilog ang mata ni mama sa gulat habang nakatingin sa aking tiyan pero si papa ay parang wala manlang gaanong reaction pero natigilan lang siya nang ilang saglit, pinoproseso pa ata ang narinig mula saakin.

"who's the father!" mama said
hysterically.

"k-kaya kaba pumunta dito p-para...tinago mo ba siya sa kanyang ama anak?" she said from her conclusion.

gulat akong napatingin sa kanya, paano niya agad napaggatong gatong ang lahat lahat nang ito!

"congrats." papa suddenly uttered.

Meeting the one Where stories live. Discover now