Episode 3

21 3 0
                                    

(Boom) Napakalakas na tunog nang pinto ang narinig ko,dahilan upang magulat ako at dali-daling tumayo nakita ko naman si John sa pinto nag hi-hingalo siya Bakit kaya? "John ayos kalang ba?" Nag aalala kong Tanong "Bakit ka nag hi-hingalo?" Dagdag ko pa,Hindi naman masagot ni John ang sunod-sunod ko'ng tanong dahil hinahabol niya pa ang paghinga niya!

"A-ano k-kasi 6-6:00Am na mala-late n-na tayo!" Saad ni John at nang marinig ko yun ay agad akong napatakbo papunta sa CR at agad akong Naligo.

.....

Nang matapos na akong naligo nakakain na si John at Ngayon siya naman ang maliligo at ako naman ang kakain ang Sarap nang Itlog na li-nuto niya!
"Mas masarap pa siyang magluto Keysa sa'kin!" Saad ko nang matapos na akong kumain ay ini-handa ko na ang make-up's at ang wig ni John!
Pagkatapos kong ihanda ang wig at make-up ay agad na akong nag bihis at habang nagbibihis ako ay kumatok si John.
"A-ah tama ba to'ng pag make-up ko?" Mahinahong Tanong ni John!T-teka s-si John ba talaga yun?Parang Totoong babae eh!Ang ganda nang boses niya para na siyang Totoong babae!

"Wait lang John Nagbibihis pa ako eh!" Saad ko,Pero bakit parang ang awkward nun?At nang lumabas na ako grabe ang ganda na ni John! "Janella!!!" Hindi ko alam kung bakit ko nabanggit ang pangalan na yun Siguro dahil yun yung naisip kong pangalan nung tinanong ako ni Principal nung mag e-enroll palang siya!Pero para kasi siyang tunay na babae "Ha?Gusto mo ba yan na ang gamitin ko'ng pangalan kapag babae ako?" Tanong ni John at napaisip naman ako "Oo,Yan naman ang sinabi kong pangalan mo sa Principal eh" Kainis sobrang ganda nang boses niya.Eh ako parang sirang plaka😭😭

"Oh siya punta na tayo sa School?" Tanong ni John kuhang kuha niya ang tono nang mga babae kapag nag sasalita!
Hula ko maraming maiinlove kay John este Janella!Ngumiti nalang ako sabay sabi ng
"Tara na Janella!" Masaya ko'ng saad at pumunta na kami sa eskwelahan.

.....
Papunta palang kami ng gate ay nag tipon tipon ang mga mag-aaral dahil kaya Janella
"Wow ang ganda mo naman,Ano ang pangalan mo?" Papuri at Tanong nang isang babae "Ah...eh ako nga pala si Janella!"
Sagot ni John este Janella,kailangan ko'ng masanay na tawaging Janella si John "Janella napakagandang pangalan!Maari ko bang hingin ang iyong kamay!"Saad nang isang lalaki sabay halik sa kamay ni Janella kitang-kita ko sa mukha ni John na gustong-gusto na niyang umalis kaya agad kong hinawakan kamay niya sabay takbo dahil dun hinabol kami ng mga tao sa gate "Teka lang Janella!Hindi pa tayo nagiging mag kaibigan eh!!!"Sigaw nung babae kanina!
"Salamat!" Pasasalamat ni Janella sa'kin dahil iniligtas ko siya! "Ano ka ba wala yun!" Saad ko! "Maliit na bagay!" Dagdag ko pa!
Nang makapasok na kami sa Section A (Classroom) ay agad na nagkatinginan ang lahat kay Janella kasi ba naman ang ganda nang itsura niya mukhang artistahin!
May isang upuan nalang ang natitira at katabi yun nang upuan ni Helen
"Psstt...Psstt" Pag tawag sakin ni Helen
"Kilala mo ba siya?Ang ganda niya kaano-ano mo siya?" Sunod-sunod na tanong ni Helen sabay turo kay Janella pero pabulong lang yun!
"Oo,Siya si Janella.Pinsan ko siya!" Sagot ko yan lang kasi ang naiisip kong palusot eh😅😅😅
"Wow.Ang swerte ko talaga dahil ikaw ang napili kong maging kaibigan!!😍" Namamanghang saad ni Helen

.....

Lunch time na at hindi ko makita si John este Janella nilibot ko na ang buong Canteen pero 'di ko siya makita!
"Alam ko kung sino hinahanap mo!Si Janella noh!?" Saad at Tanong nung babae kanina sa gate "Oo pano mo nalaman,Atsaka anong pangalan mo?"
Sagot ko sabay tanong napabuntong hininga naman siya bago niya sagutin ang tanong ko "Ako si Josephine Yuriwishi!"
Sagot niya pero bakit parang pamilyar siya sakin?Bakit pakiramdam ko magkadugo kami?Ahh kainis parati nalang ganito ang nararamdaman ko sa mga "Stranger's" Kagaya ni John?
"Nakita mo ba siya Josephine?" Tanong ko kay Josephine "Oo,Nasa Library siya kasama ang isang babae.Close na close nga sila eh!" Sagot ni Josephine "Salamat!" Pasasalamat ko kay Josephine at nang pumunta ako sa library ay nakita ko si John na nagbabasa lalapit na sana ako kaso lang biglang dumating si Helen at May binigay siyang Libro kay John masaya silang nagbabasa sobrang lapit na nila!
Hindi ko na sila inabala kasi sobrang saya nila parang matagal na silang magkaibigan dahil sa closeness nila!

.....

"Hi miss anong pangalan mo?" Tanong nung lalaki na humalik sa kamay ni John "Ah ako si Jill Mchorne!" Sagot ko "Ang ganda naman nang pangalan mo!Ako nga pala si Xander Hirowishi!" Papuri ni Xander
"Nice too meet you!" Dagdag pa niya sabay abot nang kamay makikipag shake hands siya at nakipag shake hands naman ako
"Bakit ka pala nag-iisa?Asan si Janella bakit hindi mo siya kasama?" Sunod-sunod niyang tanong "Ah nagbabasa kasi siya Nang Libro sa Library!" Sagot ko kay Xander
(Bell Ringing) "Sayang gusto ko pa sana makipag kwentuhan sayo pero mukhang mamaya nalang!" Nang hinayang na saad ni Xander at ngumiti naman ako "Paalam!" Saad niya pa "Bye!" Saad ko naman!

.....

Nang makabalik na ako sa Classroom nagulat ako dahil akala ko ay nauna nang bumalik sila Janella at Helen pero wala pa sila kaya pinagmamasdan ko muna ang mga ibon sa himpapawid buti nalang at binigay sakin ni Helen ang pwestong ito malapit sa bintana!Ang ganda talaga nang View! "Ang ganda nang librong yun hindi ba Janella?" Narinig ko'ng tanong ni Helen kay Janella Pero di ko sila pinansin dahil abala ako sa panonood sa mga ibon "Sinabi mo pa!Sobrang ganda talaga!" Masayang Saad ni Janella naku-curious ako ano kaya ang binasa nilang libro na nagustuhan nila nang sobra?Bakit pakiramdam ko hindi ako belong?Hay nako parang hindi na ako exist sa Mundo kasi hindi nila ako pinapansin mas pinaigting nila ang pagiging magkaibigan nila!😥🥺

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon