Episode 29

6 3 1
                                    

Nasa Kabaong na si Ama at
buong gabing umiiyak si Ina dahil sa nangyaring pagkamatay ni Ama!Hindi naman ine-expect na mangyayari ito!
Pero wala kaming ideya ni Ate Marie at Ina kung nasaan ba si Ate Josephine ang tanging alam lang namin ay si
Black Kiler at si Helen ay iisa!

Sinubukan namin ni Theresa at ni Mang Jameson na palihim na pumunta sa Mansyon ni Black Killer (Helen) pero wala na du'n si Helen o Black Killer Kaya ngayon wala pa kaming kahit kaunting impormasyon lang kay Ate Josephine!

.....

Nakahiga lang ako sa kama at umiiyak ng patago dahil sa nangyaring pagkamatay ni Ama nang biglang dumating si Theresa sinubukan ko'ng pigilan ang Pagluha ko dahil ayokong makita niya na umiiyak ako!
“Carmeli ayos lang yan ilabas mo lang!Alam ko Pong labis po kayong nalulungkot sa pagkamatay ng iyong Magiting at mapagmahal na Ama na si Don Aldrick pero wala na po tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang Kapiling na ni Don Aldrick ang Diyos!” Makahulugang Sabi ni Theresa na nagpagaan sa loob ko!

Dahil sa mga sinabi niya hindi na ako natakot na umiiyak dahil alam kong maiintindihan niya ako sa mga oras na ito! “Alam mo po ba Carmeli nung
mga oras na nag-aaway po tayo nalungkot po ako nun hindi ko naman po'ng magawang kausapin ang kapwa ko katulong dahil maging sila ay walang tiwala saakin yung tipong kinakalaban at pinagtatawanan!Pero kahit po ganun Iniiyak ko nalang po ang lahat ng Sakit na nagiging dahilan ng paggiaan ng pakiramdam ko!”
Pagkuwento ni Theresa!

“At naalala niyo pa po ba nung mga
panahong walang tigil ako sa kakaiyak ng iyak dahil sa pag-alis ni Angelo?” tanong pa niya!Pero tumango nalang ako “Ikaw at si Binibining Helen po ang tumulong saakin na ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko!Parati niyo po'ng sinasabi saakin na wag po akong mahihiyang umiyak sainyo dahil magkaibigan tayo laging nagdadamayan!Kaya sa mga oras na ito ako naman po ang dadamay sa iyo!” Pagpapatuloy niya pa at niyakap ko siya habang umiiyak!

“Salamat at naging kaibigan kita Theresa!” Pasasalamat ko kay Theresa! “Ako dapat po ang magpasalamat sainyo dahil tinanggap niyo po ako at ng tatay ko ng lubusan!” Saad naman ni Theresa
At niyakap niya na ako!

.....

September 19,2024

Ngayong araw na ang libing ni Ama madaming tao ang nakikiramay saamin at madaming tao rin ang umiiyak para sa kamatayan ni Ama!
“Si Don Aldrick ay isa sa pinakamabait na Tao na nakilala ko sa buong mundo,Kung hindi dahil sakaniya hindi ko narating kung ano ako ngayon!Dahil sakaniya nakapag-aral ako at nakapagtrabaho ng maayos na naging dahilan ng aking tagumpay kaya...labis ang pagdadalamhati ko sa pamilya ni Don Aldrick alam ko kung gano kasakit na mawalan ng isang napakabuting Ama at Kapamilya na Katulad ni Don Aldrick Pinkfilla!Kaya Saludo ako sa iyo Don Aldrick Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo saakin!” Mahabang Kuwento ni
Don Anthony Meycado

Si Don Anthony ay isa sa mga naging
Magsasaka namin sa Pinkfillia hindi pa kami pinapanganak noon pero Pinag-aral siya ni Ama na naging dahilan ng pagiging Don niya!
Lahat kasi ng Deserving yung mga pursigido talagang mag-aral ay pinapaaral ni Ama kahit ito pa ay maging dahilan ng pagbagsak namin pinapaaral niya pa rin ang mga Tauhan namin!

Dahil sa kabutihang yun ni Ama lahat ng mayayamang pinag-aral niya ay
nagbibigay sakaniya ng mataas na halaga pero ayaw sana ni Ama na kunin yung Pera ng biglang dumating si Ate Marie ang sabi kasi saakin ni Ina!Labis daw ang problema nila noong Ipapanganak na si Ate Marie dahil nagkaroon ng sakit si Ina sa Puso nun!

Nung una sinabi ng doktor na wala na daw pag-asa si Inang mabuhay sa oras na piliin niyang mabuhay ang kaniyang anak Which is si Ate Marie
Pero kahit ganun pinili pa rin ni Ina si Ate Marie hanggang sa May isang lalaki ang pumunta sa Hospital Which is si Don Anthony sinabi niya na meron daw Hospital sa ibang bansa ang mag kakayahang buhayin si Ina at si Ate Marie pero para daw makarating at magawa ang operasyon ng maayos kailangan daw ni Ama ng halagang:
100 Billion Pesos!

Agad namang sinabi ni Ina na wag nalang daw dahil napakamahal ng kakailanganing pera! Siguradong Maghihirap sila! Pero sinabi naman ni Don Anthony na gagawin nila sa abot ng kanilang makakaya na mag donate at mag donate ng Pera para matustusan ang halagang yun!

20 Years old palang nun si Don Anthony pero isa na siyang ganap na Don!Dahil sa pagiging Working student niya!Samantala 27 Year's Old naman si Ama at 24 Year's Old naman nun si Ina! Kahit bata palang sila ay
Naging Mayaman at maganda ang kanilang mga Buhay!

Nag donate ng 110 Million si Don Anthony at 100 Million naman kay
Don Brian at 200 Million kay Doña Fiona at 156 Million naman kay Doña Faye at madami pang ibang Don at Doña ang nag debate para mabuo ang
100 Billion na Kailangan ni Ama at Ina! Halos 100+ na don at doña ang nag donate para kina Ama!

Yun ang patunay na talagang Mabait na tao sila Ina at Ama na hindi ko man lang nakita😥 Kaya Ama kung nasaan ka man ngayon humihingi po ako ng tawad dahil sa ginawa ko Pong sakit ng ulo at pag-isip na masama ka kahit ang totoo po ay ginagawa mo lang po ang lahat para saamin nila Ate Marie...Kaya labis po ang pagsisi ko na sinabi kong masama kang Ama dahil ang totoo po ay isa kang Mabuting Ama!

Sayang lang po at hindi po tayo magsama ng matagal nakakainggit sila Ate Josephine at Ate Marie dahil
nakasama ka nila ng matagal samantalang ako puro hinanakit ang nararamdaman ko para sa iyo Ama!
Hindi ko namalayang Bumuhos na ng Sobra ang mga Luha ko ng unti-unti ng nililibing sa Lupa ang kabaong ni Ama!Hindi ko alam pero matapos ang
paglagay ng Lupa sa kabaong ni Ama ay bigla nalang bumuhos ang napakalakas na Ulan at ang napakalakas na ihip ng Hangin!

Para bang sinasabi ng Ulan na:
“Wag kang mag-alala andito ako para samahan kang umiyak!”

(Reinami)

Ngayon ay sasabihin ko na kung nasaan si Josephine siya ay nasa bahay ng Himboor mas mansyon siya ng Himboor yung mansyon na pinuntahan nila Princess ay Mansyon yun ni Don Manuel Alam nilang magiging kakampi ni Mang Jameson si Princess kaya nilagay nila si Josephine sa Mismong Mansyon nila!

Ginawa nila yan para mahirapan sa paghahanap sila Princess. Matapos makatakas ni Helen agad itong pumunta sa Kwarto kung saan nakakulong si Josephine upang sabihing wala na si Don Aldrick!
“Ate Josephine maniwala ka man o hindi. Gusto ko Pong malaman niyo na...Wala na po si Don Aldrick napatay po siya!” Malungkot na saad ni Helen na naging dahilan ng pagkagulat at pagkatulala ni Josephine

Agad siyang napaluhod at umiiyak dahil sa balitang kaniyang nalaman!
“Hindi yan totoo!” Saad ni Josephine habang umiiyak! “Pakiusap maniwala ka saakin!A-ako po ang pumatay sakaniya!” Pagmamakaawa ni Helen ng marinig yun ni Josephine agad siyang nagwala at balak na saktan si Helen pero hinarangan siya ng Tauhan ni Helen!

“Walang hiya ka!Ayos lang naman sakin na ikulong mo ako dito kahit hindi ko pa sila makita kahit panghabang-buhay pa eh!Pero...”
Sigaw ni Josephine “H-hindi saakin...
H-hindi ko t-tangap na I-ikaw pa ang p-patay sa Pamilya ko!” Naiiyak na saad ni Josephine!

Magawa pa kaya nila Princess na mahanap at muling makita si Josephine o tuluyan na siyang titira sa Bahay ng Himboor?Yan ang dapat natin alamin sa Mga Susunod na Episode!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon