Episode 4

18 3 0
                                    

Nang makauwi na ako ay napansin kong andaming dalang libro si Janella siguro yun yung librong gustong gusto nilang dalawa ni Helen!

"Ah John gusto mo bang kumain?" Tanong ko kay John pero di niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paglalakad habang ingat na ingat sa paghawak sa mga libro

Alam ko na ito!For sure Crush ni John si Helen!

Pero ang sakit lang kasi hindi n'ya ako pinansin sa ilalim nang ginawa kong tulong sakaniya 🥺😥

.....

Ngayon ay nagluluto ako nang tinola nagbabakasakaling pansinin na rin ako ni John at nang nilabasan ko ang Tinola ay kahit papano nasarapan din naman ako sa niluto ko. At pumunta na ako sa kwarto ni nanay kung saan pansamantala munang tinutulugan ni John para ayaing kumain at kumatok na ako sa pinto!
"Ah John Nakahanda na ang pagkain halika na at kumain na tayo!" Saad ko kay John
pero hindi binuksan ni John ang Pinto!
"Wala akong gana,ikaw na muna ang kumain!" Saad ni John at dahil dun nakaramdam ako nang lungkot kasi pinagpaguran ko pa naman yung tinola tapos hindi niya naman pala kakainin!
"Sayang Pinagluto pa naman kita nang Tinola!" Nanghihinayang kong Saad
"At Pinagpaguran ko pa naman yun para sayo!" Dagdag ko pa
"Wala akong gana!!" Sigaw niya dahil dun hindi na ako nagtangkang ayain siyang kumain! Halatang ayaw na ayaw niya talagang kumain kasama ako!

.....

Kinabukasan maaga akong gumising 5:00Am palang ay nakapagbihis na ako!Hindi ko na aantayin si John dahil siguradong hindi niya ako papansinin kaya inunahan ko na siyang pumunta sa paaralan dahil for sure di niya naman ako papansinin. Pero bago ako umalis ay nilagay ko nalang sa mesa ang baon niya tapos May iniwan rin akong pagkain para hindi na siya mag luto!
Pagkarating ko sa eskwelahan agad akong sinalubong ni Xander "Oh Jill bakit mag isa kalang?Hindi mo ba kasama ang pinsan mong si Janella?" Nagtatangkang tanong ni Xander "Ah akala ko kasi pumunta na siya rito!" Palusot ko! "Parang napaka impossible naman nun. Eh kasi magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na naroon pa pala siya roon!" Saad ni Xander halatang hindi siya naniwala sabagay May point siya "Sige na nga sasabihin ko na sayo ang totoo,nauna na akong pumunta rito kasi galit ata siya sakin,Kahit wala naman akong ginawang masama sakaniya!" Pagtatapat ko kay Xander "May mga tao talagang ganyan yung tipong wala ka naman ginawa sa kaniyang masama pero nagagalit parin sila sayo sa totoo lang ang hirap nilang intindihin pero kahit ganun bilang kaibigan,Kapatid o Kamag-anak ay kailangan natin silang Intindihin dahil baka meron lang silang mabigat na pinagdadaanan o kinakailangan lang nilang gawin yun para ma protektahan ka!" Paliwanag ni Xander sabay hawak sa magkabilang balikat ko ang ganda nang tono nang pananalita niya kahit papano gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya.
Sa totoo lang nagpapasalamat ako dahil kahit kahapon ko lang naging kaibigan si Xander ay naging napakabuti niyang kaibigan para sakin,Sobra akong nagpapasalamat dahil nakilala ko si Xander dahil sa mga ganitong pagkakataon siya ang Nasasandalan at masasandalan ko!

"Gusto mo bang maglibang muna kasi ang AGA pa?Para naman mawala na ang Lungkot mo!" Tanong at paliwanag ni Xander "Sige, Maaga pa naman eh!" Sagot ko dahilan upang mapangiti si Xander at bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko at tumakbo na kami dinala ako ni Xander sa Basketball Court!
"Alam mo ba na napakagandang mag tambay dito sa Basketball Court?" Tanong ni Xander "Bukod sa napakalawak nang lugar na ito ay maari ka ring makalaro kung May mag saya sayo!" Paliwanag ni Xander
"Gusto ko bang mag laro nang Basketball?" Masaya niyang Tanong tiningnan ko naman ang mga mata niya ng diretso at ngumiti na para bang sinasabi ko ang mga salitang:
"Sige G ako Jan!"

At agad na kumuha si Xander nang Bola sa basketball at agad kaming tumakbo papunta sa gilid upang ilagay roon ang mga bag at libro naman para makalaro na ng basketball at tinuruan na niya akong mag laro nang basketball masyado pa kasing maaga kaya hindi na kami nababahala sa Bell dahil 6:30 am naman ang Bell.

.....

Nagulat ako dahil habang nag lalaro kami nang basketball ni Xander ay bigla ko'ng nakita si Helen at si Janella magkahawak kamay(Holding hands) sila bakit parang alam na ni Helen na lalaki si John?
Kasi ang turing niya kay Janella ay parang isang lalaki!😑 Hindi ko alam pero hinayaan ko nalang hanggang sa natamaan ako nang bola sa ulo!

"J-jill ayos ka lang?" Nag aalala ng taong ni Xander natutuwa ako dahil Nag aalala siya sakin pero kasi ang ginamit niyang tanong ang isa sa top 10 na pinakaayaw kong tanong sa lahat nang tanong dito sa mundo kasi nakita at alam niya na natamaan ako nang bola tapos tatanungin niya pa ako kung ok lang ako!Sa tingin mo ok lang ba na matamaan nang bola sa ulo alam ko na marami ang magagalit sakin dahil dito pero this is just my opinion! Kaya 'wag niyo nalang pansinin dun sa mga taong magagalit sa mga sinabi ko!

"Hindi ka ba tumitingin ha?!!" Galit na Tanong ni Janella kay Xander sabay tulak sakaniya nang napakalakas "Pasensya na tumalbog kasi sa Ring yung bola tapos tumama kay Jill hindi ko naman yun sinasadya!" Pag hingi nang tawad ni Xander "Hindi sinasadya o sadyang B0bo ka lang talaga ha?" Sigaw na Tanong ni Janella dahil sa sinabi niyang B0bo si Xander ay napasigaw na ako para awatin siya "John Tumigil ka na!Hindi niya naman sinasadya yun at naiintindihan ko naman siya atsaka pinatawad ko na siya ayos lang ako kaso lang hindi kita mapapatawad dahil sa sinabi kong B0bo si Xander kahit pa kaibigan kita kaibigan ko rin si Xander mali ang ginawa mo!" Suway ko dahil dun hindi na nakapag salita pa si John "Jan? Short name niya ba yan?" Tanong ni Helen "Ah---Eh Oo Janella inalis ko lang yung ella!" Palusot ko hay buti nalang at Naka isip pa akong palusot eh😅😅

"Mukhang tama ka,Ako yung mali. Oo naiintindihan ko!" Malungkot na saad ni John habang nakayuko hinawakan niya naman ang kamay ni Helen at umalis na nang dumaan siya sakin ay May binulong siya sa tenga ko rinig na rinig ko talaga yun
"Mag sama kayo!" Galit niyang Saad
"Teka Jan saan ba tayo pupunta?"
Tanong ni Helen pero hindi iyon sinagot ni John at nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad! Mukhang Galit na galit na ngayon sakin si John,siguro dahil mas kinampihan ko si Xander kumpara sakaniya pero ano na ang gagawin ko nito ngayon?
Hindi ko na alam Lord gabayan niyo po ako Amen🙏❤️

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon