Episode 17

10 3 10
                                    

Ng kukunin na ni Xander ang Sombrero niya sa Ilalim ng kama at ng titingin na sana siya sa ilalim ng kama agad akong sumigaw para pigilan siya “Wag!” Sigaw ko dahilan upang mapatigil si Xander at mapatingin saakin hahaha!

“Andiyan natutulog ang Pusa ko Ginoo baka ikaw kalmutin ng aking pusa!Ako nalang ang kukuha!” Palusot ko kay Xander dahilan upang Tumayo siya at umupo na ulit sa kama!
“Ganun ba binibini?Mukhang natatakot kang masaktan ako halatang May nararamdaman ka na sakin Binibini!” Saad ni Xander na nagpataas ng Kilay ko!

“Ha?Ayaw ko lang na mapagalitan ako ni Ama at nasaktan ka ng pusa ko ayaw na ayaw kasi ni Ama na Makakalmot ng aking pusa ang kaniyang mga kaibigan Yun lang!” Palusot ko pa na nagpatawa naman kay Xander

“Mukhang todo ang Effort mo Para lang makapagpalusot!Ay pasensya na nakalimutan kong hindi pala maaring mag salita ng Ingles sa Bayan na ito!” Natatawang saad ni Xander at Paghingi niya ng tawad!Nagulat ako ng bigla nalang hawakan ni Xander ang Aking pisngi!

“Binibini Tutal ikakasal naman tayo Maari ko bang tikman ang napakatamis mong Halik?” Tanong ni Xander na nagpanginig saakin
“Ha?Masyado namang mabilis!” Saad ko pero wala ng balak si Xander na itigil pa ito! Agad ko naman siyang tinulak at sinabing:

“Kukunin ko na ang Sombrero mo!”
Saad ko at agad na akong tumingin sa Ilalim ng Kama nakita kong hawak hawak ni Jake ang Sombrero ni Xander at napakatalim ng Titig niya saakin!Grabe nakakatakot naman siya!Binigay niya sakin ang Sombrero nagulat nalang ako dahil punit punit na ito!Napakunot naman ang noo ko at Tiningnan si Jake pero tunaray lang siya!Para bang sinasabi niya na:

“Kasalanan niya yan!” Halatang
Nagselos si Jake dahil sa sinabi ni Xander agad na akong tumayo dahil baka magtaka na si Xander at ibinigay ko na sakaniya ang Sombrero! Uupo na sana ako ng biglang May dumating na isang Sundalo!
“Ginoong Xander Kailangan niyo na raw Pong umuwi sabi ni Don Charles!” Saad nung Lalaki! “Ah Mukhang aalis na ako binibini,Hay hindi man lang tayo nagkaroon ng matagal na pag-uusap!Pero nasaan na ba ang aking Sombrero binibini?” Nanghihinayang na saad ni Xander at Nagulat ako sa itinanong nya paano ko ibibigay to sa kaniyang Sombrero?

“Ah Patawad Mukhang pinaglaruan ng aking pusa ang iyong Sombrero na naging dahilan ng pagkasira nito!”
Paghingi ko ng tawad kay Xander kahit sira na ang Sombrero ay kinuha niya pa rin ito!

“Ayos lang Binibini Pero tila napasaya ng husto ng aking Sombrero ang iyong Alagang Pusa! Masyadong nakatira ang aking Sombrero mukha malaki ang alaga mo Binibini!”
Natatawang saad ni Xander at nagpaalam na sila nung Sundalo!
Pagkaalis niya ay sinigurado ko muna kung tuluyan na ba talagang nakalayo sila Xander at Confirmed wala na talaga sila!

“Halika na wala na siya nakalayo na si Xander!” Saad ko at ng lumabas na si Jake sinalubong niya ako ng napakatalim na Tingin!
“Patawad Hindi ko naman alam na mangyayari yun eh!” Paghingi ko ng Tawad kay Jake nagulat ako dahil agad na siyang umalis ano nag Walkout sya?Wi-nolkout-an ako ni Jake?Hay ang cute niya naman kapag nagtatampo!😂😂

(Simula sa Part na ito malalaman na natin ang Mga Nangyari sa Nakaraan ni Princess malalaman na natin kung bakit galit na galit si Jake Kay Don Aldrick)

Bata pa lang sila Princess,Marie,at Josephine ng sila ay ikulong sa kani-kanilang mga kwarto dahil sa nangyaring pagtatangka sa buhay ni Don Aldrick may nagpadala kasi ng Sulat sa Mansion ng Pinkfillia at pinapahayag nito na iisa-isahin niya raw ang Tatlong munting Pinkfillia o ang mga anak na Babae nila Don Aldrick at Doña Precious!

Pero kahit Binawalang lumabas sila Princess ay Patago pa rin itong nakikipagkita kay Jake para makipaglaro sa tulong ni Theresa!
“Hay Nakakainis kasi yung Nagpadala ng sulat eh!” naiinis na Saad ni Princess “Hayaan mo nalang yun ang importante nakakapaglaro pa rin tayong dalawa!” Saad ni Jake!

Sa Tuwing maglalaro sila Princess at Jake tinutulungan ni Theresa si Princess na makatakas at sa tuwing kakain naman ay pumupunta si Theresa sa lugar kung saan naglalaro sila Princess para pagsabihan ito na bumalik na sa bahay!

Paulit-ulit lang nangyari ang ganung sitwasyon hanggang sa nabalitaan nila Princess na May nangyari daw na masama sa bahay nila Jake!
“Ate ano po ba ang ibig sabihin nito?”
Tanong ni Princess sa kaniyang kapatid sa oras na ito pinayagan na silang magkita!

“Bunso Nagtipon-tipon daw ang mga Sundalo sa Mansiyon ng Dragfell at ipapadala daw sa Korte ang Nanay ni Jake!” Sagot ni Marie! “Pinaghihinalaan daw kasi si Doña Jacklyn na gumawa ng
karumaldumal na Krimen dun sa Hospital nung nakaraang Dalawang Linggo Carmeli!” Dagdag naman ni
Josephine!

“Pero mabait po si Doña Jacklyn alam ko Pong hindi niya iyon magagawa!”
Saad naman ni Princess!
“Yun din ang pinagtataka ko mga anak!” Saad ni Ina mukhang narinig ni Doña Precious ang lahat na pinagusapan nila!

“Kahit ako ay nagulat bakit naman paghihinalaan ang asawa ng Namumuno sa Bayan natin?Kaibigan ko si Jacklyn alam kong hindi niya kayang pumatay ng Tao tila makapangyarihan na tao ang gumawa nito sa mga Dragfell!Sigurado ako sa oras na mapatunayan ang kasong isinampa kay Jacklyn tuluyan ng mawawala sa Pwesto si Don Mike at mababawasan rin ang kailang kayamanan!” Dagdag pa ni Doña Precious

“Ang masama pa dun May posibilidad na Mamatay si Jacklyn kapag napatunayan ang hatol dahil ang kaparusahan sa pagpatay ng tao ay ang Kamatayan!” Malungkot na saad ni Doña Precious “Per sana wag naman mangyari yun!” Hiling ni Doña Precious “Sige na matulog na kayo at baka pagalitan pa kayo ni Aldrick kung gusto niyo dito na muna kayo matulog sa kwarto ni Carmeli at akoy mag kwe-kwento sainyo

“Talaga po ba nay?” Tanong ni Princess at tumango naman si Doña Precious “Halina kayo at akoy magsisimula na sa pag kwe-kwento!”
Pagaya ni Doña Precious sa mga Anak niya. Ng makatulog na ang Tatlong munting Pinkfillia ay Agad na siyang pumunta sa Opisina ni Don Aldrick at kinausap!

“Anong ibig sabihin nito Aldrick?”
Tanong ni Doña Precious
“Bakit May mga sundalong pumunta sa Mansyon ng Dragfell at hinuli si
Jacklyn?” Tanong pa ni Doña Precious pero nanatili pa ring tahimik si Don Aldrick “Aldrick kinakausap kita bak--” Hindi na natapos ni Doña Precious ang sasabihin niya dahil sinampal siya ni Don Aldrick
Napahawak naman sa pisngi si Doña Precious kung saan siya Sinampal ng sarili niya mismong Asawa!

“P-patawad! Precious!”
Paghingi ng Paumanhin ni Don Aldrick pero hindi na siya pinansin ni
Doña Precious at umalis na hindi alam ng dalawa na nakita pala ni Princess ang Pangyayaring iyon!
Dahil dun nagsimula ng mawala ang tiwala at pagmamahal ni Princess para sa kaniyang Ama!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon