Episode 22

8 3 10
                                    

Matapos ang Date nauna ng umalis sila Jake Naglakad na kami ni
Ate Marie papunta sa Bahay nasa likod naman namin ni Ate Marie si Ate Josephine!

.....

Ng nasa Bahay na kami Agad kaming Sinalubong ni Theresa nagulat kami ni Ate Marie dahil panay tingin sa
likod si Theresa!
“Mga Binibini Asan po si Binibining Josephine?” Tanong ni Theresa!
Na naging dahilan ng pag-aalala naman at pagkagulat ni Ate Marie!
“P-pero Nasa likod lang namin kanina ni Ate Marie si ate Josephine Paanong nangyaring wala na sya?”
Nagtataka ko'ng Tanong!Mas Nagulat
kami dahil sa Sigaw ni Ama na:

“CARMELI!!!!!” Galit na sigaw ni Ama agad naman kaming napatakbo ni ate Marie papasok sa Mansyon nagulat si Ama ng Makita niya kami ni Ate Marie! “Carmeli?B-bakit ka naririto?”
Nagtatakang Tanong ni Ina!
“B-bakit po?” Tanong ko naman!
“May tumawag kasi saamin ng Ama niyo na,na kidnap ka raw!Mabuti naman at ligtas ka!” Sagot at masayang saad ni Ina at niyakap niya ako! “I-ibig Sabihin ang nakid-nap ay walang iba kundi si:”
Putol ko'ng saad!
“JOSEPHINE!”

“ATE JOSEPHINE!” Sabay naming sigaw ni Ate Marie!Lubos namang nagulat si Ina at Ama ng malaman ang nangyari kay Ate Josephine!
“Ama pakiusap po Iligtas natin si Ate Josephine🥺!” Pagmamakaawa ko kay Ama napailing naman si Ama at sinabing: “Hindi ko kaya anak!Humihingi ng Isang libong(1000)Million ang nag kidnap!W-wala tayong Sapat na Pera para dun!Ang tanging Paraan lang para mabayaran natin ang hinihingi ng
Kidnapper ay--” Putol na sagot ni Ama!

“A-ano po Ama?Gagawin ko po ang lahat mailigtas lang si Ate Josephin!”
Tanong at Saad ko hinawakan naman ni Ama ang kamay ko at sinabing!
“Alam ko na mahal mo si Ginoong Jake at Alam ko rin na lubos ka niyang minamahal pero Kailangang Maganap na ang Inyong Kasal ni Ginoong Xander sa lalong madaling panahon!
Sapat na ang kapangyarihan ni Don Charles para sad hinihingi ng Kidnapper!” Pagmamakaawa saakin ni Ama!

“P-pero” Naiiyak ko'ng saad!Hinawakan naman ni Ina ang magkabilang balikat ko at sinabing!
“Anak 'Di ba sabi mo Handa mo'ng gawin ang lahat para mailigtas ang iyong Kapatid?” Tanong saakin ni Ina!
Napayuko naman ako at Huminga ng Malalim bago sabihin ang:

“S-sige po P-pumapayag na po ako!
P-para K-kay ate!” Saad ko at niyakap naman ako ni ate Marie!
“Malaki ka na talaga Carmeli nararapat lang na tawagin na kitang Carmeli hindi na Bunso!Maraming Salamat!” Saad at Pasasalamat ni ate at niyakap ko naman siya ng Pabalik habang umiiyak!

Ayokong maikasal kay Xander Pero wala na akong magagawa dahil kailangan!Pano ko to sasabihin kay Jake?Wala na akong maimumukhang-ihaharap kay Jake dahil salang ng Ginawa ko Hindi ko alam kung pa'no ko Sabihin sakaniya na Pumayag akong maikasal kay Xander!Nakakainis!!!

.....

Nagising ako dahil agad naman
na pumunta sa Kwarto ko si Theresa!
“Binibini Ayos lang Po ba kayo?Iyo po sanang pagpasensiyahan ang pagpasok ko ng walang pagpapaalam!” Magalang na Tanong ni Theresa “Ano ba ang kailangan mo
dahil pumunta ka dito saamin Binibini?” Magalang ko ring tanong kay Theresa! “Ay nako po Binibini wag niyo po akong tawaging Binibini wala po ako sainyong kalingkingan!”
Bilin saakin ni Theresa!

Hinawakan ko naman ang kaliwang balikat ni Theresa at sinabing:
“Kaibigan kita Kahit hindi ka nagmula sa mayamang pamilya ituturing pa rin kitang Katulad ko!At Gusto ko'ng maranasan mo'ng tinatawag na Binibini alam kong walang tumatawag sayo niyan!Kaya Gusto ko na ako ang unang Tao na Tatawag sayo niya! Pero Maari ba kitang Tawaging Theresa?” Sagot at Tanong ko! “Siyempre naman po Binibini yan naman talaga po ang dapat niyong itawag saakin!” Sagot ni Theresa!

“Pero maari mo rin ba akong Tawaging Carmeli o Princess?Magkaibigan tayo ito ang patunay ng ating pagkakaibigan!” Tanong at Paliwanag ko! “Talaga po?” Hindi makapaniwalang tanong ni Theresa at sinagot ko naman iyon gamit ang Tango at agad niya akong niyayakap!

“Maraming salamat po at naging kaibigan po kita!Sa lahat po ng katulong sa bahay na ito kayo lang po ni Binibining Marie at Binibining Josephine at Pati na rin po sina Don Aldrick at Doña Precious ang naging kaibigan ko sa bahay na ito!Hindi niyo po ako tinuring na isang katulong tinuring niyo po ako na parang isang kapamilya na rin!Kaya napaka swerte ko at nagkaroon ako ng tsansang makapagtrabaho sa inyong pamilya!” Pasasalamat ni Theresa!Natuwa naman ako kasi kahit medyo maldita ako atleast May napasaya naman akong kapwa!

Pero nakakaawa talaga si Theresa Wala pala siyang kaibigan sa mga katulong dito saamin buti nga lang at dito siya nagtrabaho kasi kahit papano naging kaibigan niya naman kaming Lahat na Pinkfillia dito sa Mansyon eh!Hay sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko dahil nakilala ko si Theresa!

“Hindi nga po ako makapaniwalang naging kaibigan po kita Binibi-este Carmeli dahil nung una nating pagkikita ay nag-away tayo!” Dagdag pa ni Theresa at Nagtawanan kami!
Naalala ko pa kung pa'no kami nagkakilala ni Theresa!
Mga 6 year's old pa ako nun tapos naglalaro ako ng Barbie! Pumunta
si Theresa sa kwarto ko May dala-dalang tubig ibibigay niya sana yun saakin pero agad naman siyang nadapa dahil sa Doll na nilagay ko sa
Sahig kaya nadapa si Theresa tapos natapon saakin yung tubig kaya sobra talaga yung galit ko sakaniya kahit kasalanan ko naman!

Parating nagso-sorry saakin si Theresa nung mga sumunod na Araw pero hindi ko pa rin siya pinapansin “Pero naalala niyo po ba ang naging dahilan kung bakit po tayo naging mas malapit?” Nag-isip muna ako ng mabuti bago tumango! Naging magka mag-aral kami dati ni Theresa at sa tuwing pumupunta ako sa Classroom parating binu-bully si Theresa dahil hindi raw siya mayaman sila Ama at Ina pala yung nagpaaral sakaniya!
Nung una hindi ko pinansin ang ginagawang pambu-bully kay Theresa!

Hanggang sa naawa na ako sakaniya nung panahong Pupunta siya ng CR tapos pagbukas niya ng Pinto sa CR ay agad na May tumapon sakaniya ng Balde ng Tubig tapos May mga lupa pa yun nagulat nga ako dahil
Imbis na magalit si Theresa Ngumiti nalang siya at kumuha ng walis para linisin ang dumi!

Kaya Simula nun Sa tuwing binu-bully si Theresa parati ko na siyang Pinagtatanggol dahil nainis na ako sa mga nambu-bully sakaniya!
Dahil sa pagiging Pinkfillia ko Agad naman silang tumitigil!
Simula nun naging mabuting magkaibigan na kami ni Theresa!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon