Episode 7

14 3 0
                                    

"Hindi ako makapaniwala,Ikaw ba talaga yan Carmeli?" Nagtatakang Tanong ni Ate Josephine "Ako ba'y nananaginip o ano?" Tanong niya pa pero hindi ko na nasagot ang bawa't tanong niya dahil niyakap ka agad siya dala ng Pagka miss sakaniya!
"Tara na Carmeli at Pupunta na tayo kina Ama siguradong magiging napakagandang balita ito para sakaniya!" Aya sakin ni Ate Josephine habang hawak-hawak ang kamay ko pero nang sinimulan niya nang maglakad ay napatigil siya dahil hindi ako gumalaw o umalis man lang sa pwesto ko!
"Patawad ate Josephine,Gustuhin ko man na makasama kayong muli pero hindi ko magagawang bumalik sa bahay!"😓 Paghingi ko nang tawad kay ate Josephine at Malungkot ko'ng saad

"B-bakit?Ayaw mo na ba talagang bumalik sa bahay?" Tanong pa ni Ate Josephine
At sinagot nalang iyon gamit ang Tango
"Naiintindihan ko!" Malungkot na Pag-unawa ni ako Josephine,Sobra akong nagpapasalamat dahil nagkaroon ako nang isang kapatid na katulad ni Ate Josephine na napakalawak ang pangunawa!😊
"Gustuhin ko man na makasama kayo!
Hindi ko magawa dahil sa takot na mapag buhatan ako nang kamay ni Ama!" Saad ko!
"Hinahangad ko na maging masaya ka sa Bayan ng Hiroshi!" Masayang Saad ni Ate Josephine at niyakap niya akong muli
"'wag kang mag-alala ate Josephine dahil magkikita pa naman tayo sa Hiroshi High School 'di ba?" Tanong ko habang nakayakap saakin si ate Josephine at mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sakin!
"Sige na baka magtaka pa si Ama na Sobrang tagal ko nang umalis!" Pagpapaalam ni ate!At sumunod na ako sa kaniya palabas sa banyo!

Nang Binuksan ni Ate Josephine ang pinto narinig kong nagsalita si John
"Jill bakit ang tagal mo------" Hindi na natapos ni John ang sasabihin niya dahil agad siyang nagbigay galang kay Ate Josephine nang makita niya ito!
"Magandang Gabi Binibining Josephine!"
Pagbati niya kay ate Josephine
"Magandang Gabi rin Ginoong John!"
Pabalik na Pagbati sakaniya ni Ate Josephine! "Ngayon alam ko na kung bakit ka natagalan sa Banyo Aking Sinta!"
Saad pa ni John kahit papano ay hindi pa rin ako komportable na tinatawag niya akong sinta.
Nang makarating na kami ni John sa
Kinakainan namin kanina narinig kong nagsalita si James
"At ano naman ang ginawa niyong dalawa sa banyo bakit kayo--------" Hindi na natapos ni James ang sasabihin niya dahil
Natulala siya nang makita niya si Ate Josephine. Agad naman siyang Napatayo nang siya ay matauhan na!
"M-Magandang Gabi saiyo Binibining Josephine!" Pagbati niya sabay bow! "Magandang Gabi rin saiyo Ginoo at Muli Maligayang Kaarawan para saiyo!" Pagbati naman ni Ate Josephine
Nakita ko naman na nakatulala ng tinitignan ni Paul si Ate Josephine Grabi sobrang kakaiba ang pagtitig niya kay ate Josephine At bigla siyang napangiti.
😏Mukhang alam ko na to! Na Love at first sight ata si Paul kay ate Josephine😏
Agad naman siyang natauhan nang siniko siya ni James para magbigay nang galang kay ate Josephine!
"M-magandang G-gabi B-binibining J-josephine!" Nauutal na pagbati ni Paul!
"Magandang Gabi rin saiyo Ginoo!"
Pagbati naman ni Ate Josephine bigla nalang namula si Paul nang binati siya ni Ate Josephine dahil dun agad siyang Yumuko upang hindi naman makita pero kitang kita namin yun!
Pwes Ngayon hindi mo na ako mabibiro pa dahil kahit ikaw ay mabibiro ko na rin!😄

"Carmeli gusto kong malaman kung nobyo mo ba si ginoong John?Bakit ka niya tinatawag na Sinta?At kailan pa naging kayo?" Sunod sunod na tanong ni Ate Josephine pero binulong niya lang iyon
"Oo, Pasensya ka na ate kasi hindi ko sinabi!Ah eh Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng binigay ko ang matamis kong oo sa kaniyang panliligaw"
(In short sinagot.Pinipilit ko kasing maging purong Tagalog pero 'di ko kere eh😅 )
Pabulong kong sagot sa sunod sunod na tanong ni Ate Josephine!

"Ah mga Ginoo at Binibini pagpaumanhin niyo Nais ko sanang Makasama pa kayo pero kinakailangan ko nang bumalik sa kwarto baka kasi hinahanap na ako ni Ama!" Pagpapaalam ni Ate Josephine
"Kahit ako rin,'Wag kayong mag-alala dahil babalik rin ako!" Saad naman ni James at sabay na silang pumunta sa Kwarto ni Ate Josephine nakita ko naman na sobra ang talas ng pagtitig ni Paul kay James para bang kakainin niya ito nang buhay!
#Selos yarn😂😂

.....

Nang natapos na ang Party ay agad kaming sinundo ni Paul sa bahay Sobra akong nagpapasalamat dahil hindi ako nakita ni Ama. Pero nakakalungkot lang kasi Hindi ko nakita si Ate Marie!

Matutulog na sana ako nang biglang dumating si John sa kwarto ko hingal na hingal siya Bakit kaya?
“J-Jill M-masamang balita andito ngayon sa Hiroshi ang mga taong gustong magpapayat sakin ano ang kailangan ko'ng gawin?” Natatakot na tanong sakin ni John agad naman akong napatayo dahil sa gulat
“Jill!!” Ulit pa ni John dahilan upang matauhan ako!
“K-kailangan mo nang mag ayos dahil kailangan mo nang magpanggap bilang si Janella! Kahit sa bahay ay kailangan mo na ring maging si Janella sapagka't napaka panganib na!Ngayon na nandito na rin sa Hiroshi ang Mga taong gustong pumatay sayo!” Saad ko nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni James!
“Ang swerte mo talaga John napaka bait at  Mahal ka nang iyong Nobya!Talagang Hindi niya hahayaan na mawala ka John!” Saad ni John nagulat naman ako ibig sabihin test lang ito? “Isang tunay na pag-ibig
ang iyong natagpuan kay Binibining Jill John!” Saad naman ni Paul hindi naman umimik si John at napakamot nalang sa Ulo nang titigan ko siya nang masama!
Hindi ko inaasahan na magagawa niya ito sakin!

He betrayed me😠......

Bakit? Bakit nila to ginagawa feeling ko tuloy pinaglalaruan nila ako agad naman akong umalis sa kwarto ko dinaanan ko lang silang tatlo at pumunta sa kwarto ni Nanay napansamantalang tinutuluyan ni John!
“Sabi ko naman sainyo at magagalit siya!”
Narinig kong Nag-alalanh saad ni John!
“'wag kang mag-alala John kaming bahala!
Tutulungan ka namin ni Paul upang hindi na magalit saiyo ang iyong Sinta!”
Kontento ng Saad ni James
Akala niyo madali niyo akong makukumbinsi na intindihin na si John?
Pwes pahihirapan ko kayo gusto kong makita ang mga mukha niyo na
Nagmamakaawa at handang handang ibigay ang lahat mapatawad ko lang si John!
Humanda kayo Bumukas dahil hindi ko kayo papansinin lalo na si John
Iisipin ko nalang na hindi kayo nag e-exist sa Mundong ito!

Ba't parang napaka sama ko na dahil sa gagawin ko?Tama ba ito?


Oo tama lang yan Jill!
Kaya humanda ka na John dahil ipaparamdam ko sayo kung pa'no kasakit ang dati mo na ring pinaramdam sakin!

Ang  Pakiramdam na parang hindi ka nag e-exist sa Mundong ito!😈

Kwento ko ito pero ako na ang nagmumukhang kontrabida eh!😅

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon