Episode 15

10 3 7
                                    

“Jake!” Narinig ko'ng tawag ni James
“Jake!Bakit mo to ginagawa?”
Tanong ko kay Jake
“Bakit mo pa ako niligtas kung huhulihin mo rin lang naman ako?”
Galit kong tanong kay Jake
“Para mas maraming Pinkfillia ang mahuli namin!Ang totoo hind ko naman talaga pinatay si “Albert”
Nagkunwari lang ako para mapaniwala ka at dinala kita sa ospital para May pumuntang mga Pinkfillia at Para mas marami ang Hostage namin!” Sagot ni Jake!

“Hindi ikaw to Jake!Hindi ikaw ang Jake na nakilala ko!!” Sigaw ko
“Oo Hindi nga ako yung Jake na nakilala mo dahil ibang iba na ako sa Jake na nakilala mo noon!Ang May kasalanan nito ay Ang Iyong Ama!”
Sigaw ni Jake!

“Sige Parusahan ang Ilaw ng Pinkfillia!” Utos ni Jake at bigla nalang pinalo ng latigo ng isang lalaki si ina dahilan upang mapasigaw ako at mapasigaw naman ng malakas si Ina habang umiiyak dahil dun nagising si ate Marie!

“Pakiusap Wag!” Pagmamakaawa ko pero pinagpatuloy parin nila ang
pagpalo ng latigo kay Ina!
Kitang kita ko ang Mga lata ng Latigo sa likod ni Ina habang patuloy pa rin sa Pagpalo ng latigo ang lalaking naka-itim!Samantala Naka talikod naman si Jake at nakayuko siguro naawa siya! Baka nandiyan pa rin yung Dating Jake na nakilala ko!
Maya-maya pa ay May dumating na isang lalaki at May dala-dala rin siyang Latigo at pinagpapalo si Ate Marie dahilan upang mapasigaw ako ng napakalakas sobra sobra na to!!

Hindi na mapigil ang mga luha ko sa pagbagsak!Hindi ko kayang tiisin na makitang nasasaktan ang mahal ko sa buhay! “TAMA NA!!!” Sigaw ko dahilan upang mapatingin saakin
si Jake at mapatigil sa pagpapalo ng latigo ang dalawang lalaki
“Jake ako nalang Pakiusap!Basta w-wag mo lang silang saktan”
Pagmamakaawa ko kay Jake Handa kong tiisin lahat ng Sakit basta wag lang masaktan ng sobra sila Ina at Ate Marie hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na Mamatay sila dahil sa sakit ng latigo!

Nakita ko naman ang Mukha ni Jake na nabalot ng Gulat! At agad na pumunta sa akin ang dalawang lalaking naka-itim na nagpapalo ng latigo! “Kung ganun tutuparin namin ang iyong kahilingan!” Saad nung lalaking nagpalo kay Ina!
“Teka lang!” Pagpigil ni Jake sa Lalaki!
Agad na lumapit saakin si Jake at Hinawakan ang Baba ko!
“Tutal Mahal naman kita kaya Pagbibigyan kita Princess!
Kaya sana magustuhan mo ang iyong kahilingan!” Saad ni Jake!
“Di ba Mahal mo rin ako?”
Tanong saakin ni Jake!At agad ko siyang tinitigan sa mata ng diretso!

“Oo mahal nga kita!Pero yung Dating Jake ang minahal ko hindi ikaw!
Hindi ikaw ang Jake na minahal ko kundi ikaw ang Jake na kinasuklaman ko! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa pamilya ko!
Kaya ayos lang saakin na mamatay kesa sa makulong sa isang paghihirap ang aking pamilya!” Matapang kong Saad “Ang tapang mo talaga kaya kita nagustuhan eh!” Dagdag pa ni Jake at tumalikod na siya!

“Pagbigyan niyo ang kahilingan ng binibini!” Utos ni Jake “Wag!!!” Sigaw ni Ina!Nakaharap na sila ngayon saakin ni Ate Marie! “Bunso!!!”
Sigaw naman ni Ate Marie! At sinimulan na ng dalawang lalaki ang paghampas at pagpalo saakin ng Latigo pinilit kong hindi sumigaw pero ang sakit talaga kaya hindi ko na nagawang tiisin pa ang Sakit dahilan upang Mapasigaw ako dala ng Sakit!

“Carmeliiiii!!!”
“Carmeli Anak!!”
Sabay na sigaw nila Ate Marie at Ni Ina!Nakita ko namang Umalis na sa Kwarto si Jake!At ngayon Pakiramdam ko Gumuguho na ang mundo ko ng aking malaman na:

“Tuluyan ng nagbago si Jake dahil Sa Galit at Pighati!”

(Sa ngayon ako na muna ang magkwe-kwento!Hindi po ako si Princess Carmeli)

Habang hinahampas ng Latigo si Princess tignan natin kung ano ba nag ginawa ni Jake!
“Jake ayos lang ba talaga to sayo?”
Nag-alalang tanong ni Paul!
“Akala ko Ang dali lang Pero hindi ko kayang makita si Princess na naghihirap ng ganto!!😥” Naiiyak na saad ni Jake! “Pero tama naman na maghiganti ka kay Don Aldrick Pinkfilla Jake!” Saad naman ni James
“Oo pero mali na si Princess ang magbayad sa kasalanan na hindi niya naman ginawa!” Sagot ni Jake!

“O ano na ang gagawin mo Jake?”
Tanong ni Paul! “Kailangan ko ng Itigil---” Hindi na natapos ni Jake ang Sasabihin niya dahil sa sigaw ni Princess “Si Princess yun Jake!” Nag-aalalang saad ni James!
Dahil sa Sigaw ni Princess tuluyan na ngang bumagsak ang Mga luha ni Jake! Agad niyang Kinuha ang Cellphone niya at May tinawagan siya! “Anong gagawin mo Jake?” Tanong ni Paul habang nag ri-ring
ang Cellphone ni Jake!

“Hello!Ginoong Xander Alam ko na kung nasaan sila Binibining Princess nasa Bayan ng Kurishi sila sa Isang inabandonang building sa bayan na ito pakiusap iligtas mo sila!!”
Pagmamakaawa ni Jake!

“Ano?Talaga ba sige pupunta ako agad diyan sa lalong madaling panahon at tatawag din ako ng mga Pulis!” Sagot ni Xander at binaba na niya ang Tawag! “Kailangan na nating umalis mas mapapanatag ako sa ganitong sitwasyon!” Utos at Paliwanag ni Jake hindi naman na nag salita pa ang Dalwa at sumang-ayon nalang!

.....

Makalipas ang Ilang minuto Rinig na rinig na sa Buong Building ang
Wewang ng Pulis at agad na nagsibabaan ito agad namang tumakbo si Xander sa taas at Hinanap si Princess Agad naman siyang sinugod ng mga lalaki pero pinagbabaril ito ng mga Pulis at ng makarating na sila sa Kwarto kung saan nakagapos sila Princess ay nagulat siya dahil nakita niya si Princess na Duguan at wala ng malay nakita naman niya si Doña Precious na umiiyak habang si Marie naman ay Nakatulala lang!

“Ginoong Xander iligtas mo anak namin!” Pagmamakaawa ni Doña Precious at agad namang tumango si Xander ng malapit na siyang makarating kay Princess ay nahampas siya ng latigo Agad na Binunot ng Lalaki ang kaniyang baril at itinutok kay Xander bago pa niya mapaputok ang baril nya ay naunahan na siya ng pulis at nabaril ang lalaki dahilan ng kaniyang pagkamatay!

“Binibini ayos ka lang ba?” Nag-aalalang Tanong ni Xander habang pinapakawalan si Princess
“Nawalan siya ng Malay!”
Saad ni Xander ng agad na tumakbo si Doña Precious para yakapin si Princess habang nakaluhod naman si Marie!

.....

(Si Princess na ang mag kwe -kwento)

Ng magising ako nagulat nalang ako dahil ang lugar na hinihigaan ko ngayon ay ang kwarto ko sa mansyon ng Pinkfillia ibig sabihin Naka uwi na ako? Hindi pwede andito pa si Ama!!
“Anak buti naman at gising ka!”
Masayang saad ni Ina!
“Carmeli salamat sa diyos at ligtas ka!” Masayang Saad ni Ate Josephine at niyakap niya ako!
“Hindi ako makapaniwalang nagawa yun sayo ni Ginoong Jake!”
Malungkot na Saad ni Ate Marie
Nagulat nalang kami nang May
Kumatok sa kwarto ko! “Siguro ang Ama niyo na yan!” Saad ni Ina pero nagulat kaming lahat ng Bumungad saamin si Jake!

Anong ibig sabihin nito?

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon