Episode 8

14 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa katok ni James dito kasi sila natulog kagabi dahil sa nangako sila na tutulungan nila si John na Suyoin ako! Nang binuksan ko ang pinto agad na nagsalita si James!
“Magandang araw bini------” Hindi na niya
natapos ang pagbati niya dahil dumaan lang ako na para bang wala siya roon ay hindi siya nagsasalita!
Agad akong Pumunta sa kusina para maghanap nang pagkain at bigla namang bumukas ang pinto sa banyo andun si Paul kakaligo niya lang!
“Magandang---” Hindi ko rin pinatapos ang pagbati ni Paul dahil agad akong pumunta sa sala nang May makita akong pagkain at binuksan ang tv upang manood habang kumakain!

.....

Nasa loob ako nang kwarto ngayon nag se-cellphone lang ako nang marinig ko ang boses ni John!
“Pano na yan hindi na niya ako pinapansin?” Nagaalalang tanong ni John
Halata sa tono nang pagkakasabi niya nun na hindi na niya alam ang gagawin!
“Patawad John kahit kami hindi na alam ang gagawin sadyang mahirap Suyoin ang
Iyong Sinta!” Paghingi nang tawad ni Paul!
“Akala ko madali lang siyang Suyoin kaya ko pinagawa sayo ang hindi ko dapat pinagawa sayo Pasensiya ka na talaga John!” Paghingi naman nang tawad ni James! “Ayos lang yun!Makakaisip rin tayo nang paraan upang magkaayos na kami ni Jill!” Malungkot ma Saad ni John!
Gusto ko na sanang lumabas dahil na gui-guilty na ako dahil sobra nang nalulungkot si John!Kaya lang bigla naman akong makarinig nang mga yabag na
papaalis! Kaya hindi ko na tinuloy!

.....

7:00 Pm na kaya lalabas na ako para kumain pero nagulat ako dahil nung binuksan ko ang pinto ay nakita ko ang isang bookshelves at isang Computer Computer table,At Computer Chair!
Nananaginip ba ako?
Lahat nang ito ay kailangan na kailangan ko! Higit sa lahat meron ring Printer at mga bandpaper!Meron ring mga gamit sa paggawa nang mga libro!
Ito ang kailangan ko upang maging isang Writer! At nakita ko rin ang Bookset nang
Paboritong Paborito kong Kwento!
At yun ay ang!

I Love You Since 1892

Bakit parang Hindi ito totoo nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni John (Nanay) At nagsalita siya!
“Nakita ko sa diary mo kung ano ang gusto mo!Pinag-ipunan ko lahat nang iyan at i
binili para sayo! Hindi ko inaasahan na mabibili ko iyan!
“Pano ka naman Naka ipon eh! Baguhan ka pa naman sa tinatrabahuhan mo?”
Nagtataka ko'ng tanong hindi ako makapaniwala na nakapag ipon siya nang ganyan hula ko mga  “₱100,000” ang halaga nang lahat na yan!
“Alam mo ba na nagta-trabaho siya samin?
At ang Sweldo saamin ay:
“₱50,000” Per Week?” Tanong naman ni James nagulat ako ano!!!
Napaka-imposible!
Walang amo ang mag swe-sweldo nang
“₱50,000” Pero Week dahil lahat nang sweldo makukuha mo tuwing katapusan nang Buwan!!
“Hindi ako naniniwala!Binigyan mo lang naman siya nang pera pambili niyan dahil sabi mo sakaniya tutulungan niyo si John na masuyo ako!” Masungit kong saad!
“Hindi Binibini nagsasabi nang totoo
si Ginoong James!” Saad naman ni Paul!
“Kahit anong ibigay niyo sakin hindi niyo
pa rin ako makukumbinsing makipagkasundo kay John!” Saad ko sabay taray! “Talaga?” Tanong ni John!
“Oo!” Masungit kong sagot!
“Kahit ibigay ko sayo ang ticket papunta sa Amerika para makapunta sa Concert ni Halishiwa kodinmai?” Tanong uli ni John
Sasagutin ko sana iyon nang Oo kaso lang
Super Idol ko si “Kalishiwa Kodinmai” eh!
Kaya hindi nalang ako nakapag-imik!
“Ayaw mo ba nang Ticket sa!
“Fan meet” ni “Kurenai Halobiwi?” Na naging inspirasyon mo sa pag gawa nang kwento!” Dagdag naman ni Paul!
“Eh kong ticket papuntang South Korea Ayaw mo ba nun?” Tanong naman ni James!
“OO NA!!!Basta ibigay niyo lang saakin ang lahat nang yan at ang mga ticket!” Sigaw at saad ko na naging dahilan upang mapatalon si John sa tuwa at nagyakapan naman si James at Paul dala nang Tuwa!
“Sabi ko naman sayo John at gagana ang ating Plano!” Masayang Wika ni Paul!
Naisahan nila ako dun!!😗
Pero ayos na yun atleast hindi na ako mamro-mroblema sa pambili ko nang mga gamit na kailangan ko para sa Career ko!

.....

Kagabi ay nagpaalam na samin sila James at Paul na uuwi na raw sila dahil May pasok na ngayong Araw Lunes nanaman!
Kasi eh!!
“Ah J-jill May kailangan akong sabihin sayo tungkol sa pag-aaral ko!”
Saad ni John!
“Ano iyon?” Tanong ko naman!
“Di Ba Grade 12 ka na?
Malapit ka nang mag college?” Tanong ni John! “Oo bakit?” Sagot at tanong ko!
“Isa kasi akong 4th Year College kaya kung maari sana ay mag dro-drop na ako!” Saad ni John dahilan upang magulat ako nang husto!

[Pero bago yan let me explain!
Sa Hiroshi Highschool kasi ay
Wala nang Senior at Junior High dahil iisa nalang sila Pwede rin pumunta o mag aral ang mga College sa Hiroshi Highschool kung gugustuhin nila!
dahil sa pagkakaalam ko
2nd year College na si ate Josephine at 4th Year College naman si Xander
Pero nakakapag-aral din sila sa highschool!
Ginawa ito upang mas madagdagan pa ang mga kaalaman nang mga College pero kung ako ang tatanungin ayaw ko nito dahil maaaring malito ang mga estudyante!
Pero wala tayong magagawa dahil ang prosesong ito ay galing mismo sa Presidente nang bansa na May ari nang paaralan!
Nakaka-stress daw kasi Sa College kaya para daw maalis ang Stress ay Papayagan niyang makipaglaro ang mga College students sa Highschool student's at kung hindi pa naman daw time nang kanilang School(Subject) ay Pwede raw silang magaral sa Highschool dahil May mga Professor naman daw sa Highschool na inihanda para sa pagtuturo sa mga College students!]

“Ganun ba?Sige Hayaan mo at sigurado akong maiintindihan yun nang Principal!” Masaya kong saad!
“Maari bang ngayon na tayo magpaalam sa Principal?” Tanong naman ni John at agad naman akong sumang-ayon!
Sabay kami ni John este Janella na pumunta sa Hiroshi High!
At Swerte dahil maaga raw dumating si Principal Takamiya Hiroshi!
Siya ay Pamangkin ni President Tendi Hiroshi ang Pamilya Hiroshi ay May lahing Japanese kaya medyo kakaiba ang mga pangalan nila!
Nang makausap na namin ang principal ang tanging sinabi niya ay:
“Naiintindihan ko!”
Sinabi kasi namin na 4th Year College
naman talaga si John pero nagkamali lang ang nanay ni John sa sinabi sa'kin na 4th Year Senior High(Grade 12) na si John!!
At ngayon ay nakapagdesisyon na si John na ipagpatuloy ang pagaaral sa College!
Sa tulong nang isang Mayamang lalaki magagawa pa ni John na sumabay sa Year na ito!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon