Episode 18

8 3 5
                                    

Simula nang sinampal ni Don Aldrick si Doña Precious hindi na siya nito Pinansin pa hanggang sa lumipas ang isang Linggo!

Abril 18,2020

Ngayong araw magaganap ang Paghatol kay Doña Precious Lahat ng Pinkfillia ay imbitado sa Magaganap na Hatol Pagkapasok nila Princess sa
Korte ay nakita agad nila si Don Mike
“Magandang Umaga po Don Mike!”
Sabay na pagbati nila Princess, Josephine,at Marie!
“Magandang umaga rin sainyo mga Munting Binibini!”
Pabalik na pagbati ni Don Mike

“Magandang Umaga rin saiyo Ginoong Jake!” Pagbati naman nila Kay Jake at agad na kinuha ni Jake ang kaniyang Sombrero at tinapat sa kaniyang dibdib at nag bow!
“Magandang Umaga rin sainyo!
Binibining Marie! Binibining Josephine at Lalo na sayo Binibining Princess!” Pabalik ring pagbati ni Jake na may halong Napakagandang ngiti sa kaniyang Labi!”

“Amigo! Ikinalulungkot namin ang paghihinala sa Iyong Minamahal na Asawa!” Malungkot na saad ni Ina!
“Maraming salamat sa pag-aalala saaking Asawa!Gusto ko lang humiling sa iyong asawa kung maaring tulungan niya ako na hindi mahatulan ang aking asawa! Sa pagkat nung araw na namatay ang mga Tao nasa Hiroshi kami kasama ang May ari ng Hiroshi Highschool!”
Paliwanag ni Don Mike

“Patawad amigo pero hindi pa sapat ang aking Kapangyarihan para magawa yang hinihiling mo!
Siguradong sasabihin lang nila na
Magsisinungaling ako at baka yun pa ang maging dahilan ng Pagkakulong ng iyong Asawa,Sana iyong maintindihan Amigo!”
Paumanhin ni Don Aldrick nagulat naman si Don Mike at Tumango nalang!

“Maraming Salamat nalang Amigo!”
Pasasalamat ni Don Mike
“Ah Paumanhin po pero malapit na po'ng magsimula ang paghatol!”
Saad nung Lalaki!
“Ganun ba?O sige!Tila mauuna na kaming pumasok mga Pinkfillia Paalam na sainyo” Pagpapaalam ni Don Mike!At pumasok na sila Sa Korte!Sumunod na rin Sakanila sila
Princess!

Nakaupo sila ngayon sa likod nila Jake mukhang Naka reserve na sila!
Pumunta na ang Judge o ang
Hukom at umupo na ito!
Agad namang nagulat ang lahat ng Makita nila kung sino ang nasa kabilang panig yun ay sila:
“Don Charles at si Ginoong Xander?”
Nagtatakang Tanong ni Jake!

“Hindi ito maari mukhang malakas ang kalaban natin!” Nag-aalala
Saad ni Don Mike!
Pero sa pagkakaalam ko si Don Mike ang namumuno sa bayan na ito! (Mayor) at si Don Charles naman ang Pangalawa o ang Kaniyang Kanang Kamay (Vice Mayor) Bakit naman kakabahan si Don Mike eh Mas mataas ang Posisyon niya kumpara kay Don Charles?

Yun pala dahil kakampi ni Don Charles si Don Manuel Ylquerto (Ilkwerto) si Don Manuel Ylquerto kasi ay isa sa Pinakamayaman at Pinakamakapangyarihang Tao sa
Buong Mundo kaibigan pala ni Don Charles si Don Manuel hindi ito pwede matatali nito sila
Don Mike walang magagawa ang posisyon nyang Mayor sa
Posisyon ni Don Manuel na
Gobernador (Governor)

“Kahit na kasama ni Don Charles si Don Manuel sigurado akong Ang Totoo pa rin ang Magtatagumpay!”
Saad ni Doña Precious
“Pero kayang baliktarin ni Don Manuel ang lahat sa isang iglap lang!”
Dagdag naman ni Don Aldrick pero hindi siya pinansin ni Doña Precious

“Mukhang Nasa panganib ngayon si
Doña Jacklyn!” Bulong ni Marie!
“Pano na yan?” Nag-alalang tanong ni Josephine! “Kahit na naniniwala pa rin ako na walang kasalanan si Doña Jacklyn!” Saad naman ni Princess!
“Oo pero kahit pa nagsasabi ng totoo si Doña Jacklyn kayang gawin ni Don Manuel na na si Doña Jacklyn ang nagsisinungaling!” Saad naman ni Marie!

“Pero ang nakapagtataka lang kasi bakit naman kakalabanin ni Don Charles si Don Mike?” Tanong ni Princess! “Sigurado akong yun ang dahilan!” Bulong ni Josephine at tumango tango naman si Marie!
“Ano iyon?” Tanong ni Princess pero hindi yun sinagot ng dalawa niyang kapatid!

Hanggang sa bumukas na ang
pinto at ngayon ay kitang kita na ang
Dalawang pulis na nagbabantay
kay Doña Jacklyn dinala nila si Doña Jacklyn sa harap ng Hukom!
“Ako si Hukom Alfred Gwindomi!Ang iyong Hukom sa Isinasampang kaso kay Doña Jacklyn Dragfell na Asawa ng Namumuno sa ating Barangay na si
Don Mike Dragfell!”
Pagpapakilala ni Hukom Alfred!
“Ngayon Simulan na natin!”
Saad ni Hukom Alfred!

“Ako si Atty. Jane Welhokforne(Well-hak-forn) Ako ang atty. ng nagsampa sa ating inaakusahan na si Don Manuel Ylquerto Siyempre kilala nating lahat si Don Manuel siya lang naman ang Gobernador ng ating Lungsod ngayon Doña Jacklyn Gusto ko na magsabi ka ng Katotohanan ano ang iyong dahilan bakit mo pinatay at sinunog ang “El Querly's Hotel?Inaasahan ko ang iyong Pagsabi ng Katotohanan!”
Mahabang Salaysay ni Atty. Jane!

“Una sa lahat gusto ko Pong sabihin sainyo na hindi po ako ang pumatay at sumunog sa “El Querly's Hotel”
Dahil nung Araw at Oras kung saan nasunog at May pumatay sa mga mamamayan sa Hotel ay nasa Hiroshi po ako Your Honor!” Magalang na sagot ni Doña Jacklyn

“Objective Your Honor Nagsisinungaling po ang akusado!”
Padabog na sigaw ni Atty. Jane!
“Your Honor hindi po nararapat na
magsalita ang Atty ng Kabilang Panig habang nagpapaliwanag ang Akusado” Saad naman ng Atty ni Doña Jacklyn!

Hinampas naman ni Hukom Alfred ang kaniyang maso ng tatlong beses!
“Tumahimik na kayong dalawa hayaan niyo siyang magpaliwanag!”
Saad ni Hukom Alfred!
“Sige ipagpatuloy mo!” Dagdag pa niya!

“Nang nabalitaan po namin ni Mike ang nangyari sa Hotel agad po kaming nag biyahe papuntang Dengishi!
Makalipas ang Ilang Araw!Nagulat po ako dahil hinahalughog na ang aming bahay at hinahanap po ako!
Sinabi po sakin ng mga Pulis na Inaakusahan daw ako sa salang pagpatay sa mga tao sa Hotel at pag sunog sa Hotel!” Dagdag pa ni Doña Jacklyn!

“Your Honor Maari ko bang tanungin ang Akusado?” Tanong ni Atty. Jane!
“Sige!” Sagot ni Hukom Alfred!
“Kung totoong nasa Hiroshi ka sa mga oras na nasunog at napatay ang mamamayan sa Hotel maari mo bang sabihin saakin kung sino ang babaeng ito na nakunan ng Cctv?”
Tanong ni Atty. Jane naging kakaiba na nag kaniyang Pananalita!

Napatayo naman si Doña Jacklyn at sinabing:
“Imposible!Hindi ako yan!”
Sigaw ni Doña Jacklyn! “Madami
pa nga ang nakakita saamin ni Mike nung kami'y pumunta sa
Hiroshi!” Dagdag pa ni Doña Jacklyn!
“Your Honor Nagsisinungaling po siya halata naman po!” Saad naman ni Atty. Jane! “Patingin ng Litrato!”
Saad ni Hukom Alfred at ibinigay na sakaniya ni Atty. Jane ang Litrato!
Napailing-iling naman si Hukom Alfred at sinabing:

“Hindi ka makakasigurong si Doña Jacklyn nga ang nasa litratong ito sapagkat nakasuot siya ng Itim na Damit at Malaking Sombrero!Maaring Kahawig niya lang ito Meron pa ba kayong ibang katibayan?”
Tanong ni Hukom Alfred dahil dun nakahinga ng maluwag si Doña Jacklyn!

“Magpakilala ka na!”
Saad ni Hukom Alfred at tinuro niya ang Atty ni Doña Jacklyn!
“Magandang Umaga sainyong Lahat ako nga pala si Atty Carlos Magharlsi ang Kinuhang Atty nila Don Mike!
Your Honor meron po akong Patunay na nasa Hiroshi po talaga si Doña Jacklyn nung araw na iyon!”
Pagpapakilala at panimula ni Atty Carlos!

“Sige Ipakita mo!” Saad naman ni Hukom Alfred Agad namang kinuha ni Atty Carlos ang kaniyang envelope na kanina hawak hawak niya at May pinakita rin siyang Litrato kay Hukom Alfred! “Yan po ang litrato nila Doña Jacklyn at Don Mike kasama si Don Enriquez Fulquenca!” Saad niya napa tango naman si Hukom Alfred!

“Your Honor ang Litrato po na yan ay matagal na!” Pagtutul naman ni Atty Jane! “Pano mo naman nasabi?”
Galit na tanong ni Atty Carlos!
“Hayaan mo siyang magpaliwanag Carlos!” Saad ni Hukom Alfred na nagpatahimik kay Atty Carlos!
“Maari niyo po bang papuntahin dito si Don Enriquez para ating matanong?” Tanong ni Atty Jane!

“Ito na Carmeli mababaliktad na sila
Doña Jacklyn!” Malungkot na Saad ni Marie!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon