Episode 23

12 3 26
                                    

“Oum Carmeli kaya po ako pumunta rito para tulungan kang pumunta sa bahay ni Ginoong Jake!” Saad ni Theresa na nagpataas sa kilay ko!
“Pero bawal naman akong pumunta run eh!” Saad Ko! “Bakit ayaw mo po ba?” Tanong ni Theresa “Hindi naman sa ganun sadyang bawal lang ako na makipagkita kay Jake dahil sa gaganaping kasal namin ni Xander!” Sagot ko sa tanong ni Theresa!

“Sayang naman Pumayag Panamam si Don Aldrick at Doña Precious ang totoo niyan sila ang nakaisip po nito!” Dagdag pa ni Theresa na nagpatayo saakin! “Ano ba bang hinihintay mo riyan halika na?!” Tanong ko kay
Theresa na naging dahilan ng Pagtawa niya!Ang saya namang makitang nakatawa siya!Sana parati siyang ganyan malayang nakakatawa!
walang trabahong inaalala sana mangyari man lang yan para kay Theresa sana makapahinga na siya!

.....

Agad kaming pumunta ni Theresa sa
bahay ni Jake Wala naman nakakilala sakin dahil sa Mala Hiroshi Style ko!
Yung Damit na Aesthetic! Pero nakakailang lang kasi dahil sa tuwing
Hakbang ko ay May naririnig akong mga salitang:
“Mukhang Galing siya sa Ibang bansa!”
“Mukhang mayayamanin ang Binibining yan”
“San ba siya nanggaling?”

Mga salitang ganyan!Hay nako mabuti pa sa Hiroshi malaya kang magsuot ng Mga Crop top yung mga uso ngayon!Tapos pwedeng pwede ang salitang Ingles dito kasi sa Dengishi ay
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasalita ng Ingles!Dapat Purong Tagalog lang tapos ang damit ng mga lalaki at babae dito sa Dengishi ay yung Pangkaraniwang damit nung unang panahon at dapat magagalang ang mga Tao rito at higit sa lahat dapat nagdadalasal araw-araw at parating nagsisimba tuwing Linggo!O Kahit Pa Araw-araw!

Pero kahit papano maganda pa rin na May isang lugar dito na kung saan
Pinapahalagahan pa rin ang pamumuhay nung unang panahon!
Kahit pa ang Desenyo ng mga Bahay dito ay katulad na katulad ng mga bahay nung Unang Panahon!
Pero sana Kahit papano Meron pa sanang Lugar sa Pilipinas na kung saan Lahat ng Bahay ay katulad na katulad ng baha noon at ang mga nakatira dun ay magagalang pa rin at
nakasuot ng mga Baro't saya etc. ang mga tao!Sana Ang mga Kabataang tulad ko sa panahon ngayon ay Magagalang pa rin!

Kasi ang dami ng kabataang tulad ko na Pala sagot na at Inaaway na ang magulang sa tuwing kinukuha ang Cellphone ang iba naman wala ng pakialam sa pag-aaral dahil puro Cellphone lang ang Inaatupag ang iba namang kababaihang tulad ko suot ng suot ng maiikling damit (Crop top) Kailangan lang natin ng kaunting pag-iingat dahil napakarami na ng kaso ng Rape!

Ang Nakakalungkot pa ay:
Ang kabataan ngayon ay nakakalimutan ng magsimba dahil
Mas pinipili pa ang Cellphone kumpara sa Pagbibigay ng Kahit Ilang oras lang sa Diyos! Nakakalungkot lang dahil ang dami naman ng Oras natin upang mag laro (gamit) ng Cellphone pero kahit ganun hindi na natin nabibigyan ng Oras ang Diyos!😔🥺😢

“Princess?” Narinig kong Tawag saakin ni Jake mukhang nawala ako sa sarili ko ng mahigit ilang Minuto ha! “Ayos ka lang ba Carmeli?” Nag-aalalang Tanong ni Theresa!
“Ah oo pagod lang kasi ako!” Sagot at Palusot ko! “Ah ganun baking ganun ika'y muna'y magpahinga tila'y pagod na pagod ka ata Binibini!” Saad ni Jake pero Umiling-iling ako!

“Huwag mo na akong alalahanin pumunta ako dito para kausapin ka Jake!” Saad ko napakunot naman ng noo ni Jake dahil sa sinabi ko!
“Mukhang masyadong importante ang ating pag-uusapan halina kayong dalawa at pumasok sa aking Bahay mukhang pinaguusapan na kayo ng mga Chismosa sa labas!”
Saad at Pagaya niya samin ni Theresa ayaw pa sana pumasok ni Theresa dahil kaming dalawa lang daw ang dapat magusap hindi daw siya maaring makinig per Sinabi naman
ni Jake na Pumunta nalang daw siya sa Aklatan ni Jake at magbasa ng Libro para naman hindi raw siya mabagot pumayag naman si Theresa!

.....

Ng Matapos ko'ng maikwento kay Jake ang Lahat nagulat ako sa Reaksyon niya! “Ganun ba? Naiintindihan ko!
Kailangan mo talagang Gawin yun para kay binibining Josephine
Munting Pinkfillia!” Saad ni Jake nagulat ako dahil hindi na niya ako tinatawag na Binibini o Princess kundi Munting Pinkfillia na!
Yan kasi ang Tawag saakin ng mga mamamayan dito sa Dengishi!

Ang ibig bang sabihin nito Magiging Magkababayan nalang kami ni Jake?
Yung wala ng Closeness?Wala ng Friendship?Bakit parang ang sakit naman nun?Ayos lang sana kung Hanggang Friends lang pero!

Hay mabuti na rin ito para madali kong matutunan na mahalin si Xander dahil sa oras na hindi ko na makita si Jake Unti-unti ng mawawala ang pagmamahal ko sakaniya at ang
Pagmamahal ko sakaniya ngayon
ay tuluyan ng mapupunta kay Xander siguro Tama naman na lumayo na at simulan na naming kalimutan ang isa't isa!

.....

Kinausap ako ni Ama sinabi niya sa akin kung kailan ba magaganap ang
kasal ayon kay Don Charles nais niya raw sa “Septyembre Labing-tatlo(13)” Maganap ang kasal yan din ang aking kaarawan!
Gusto raw ni Don Charles naisabay nalang ang Aking Kaarawan  Kasal namin ni Xander kasi Yun na rin daw naman ang Regalo nila sakin! regalo ba talaga? Parang Parusa eh!

“P-pero Ama “Agosto Dalawampu't siyam(29)” na po ngayon Ba't parang ang bilis naman po?” Gulat kong tanong kay Ama! “Kahit kami nga ng nanay mo magrereklamo sana pero naalala naming kailangan na agad-agad para sa kapatid mong si Josephine nagpadala naman ng Isang Daang (100) Sundalo ang Presidente ng Pilipinas para hanapin si Ate Josephine ngayon ay Kailangan mo ng Ihanda ang Iyong sarili sa magiging panibago mong buhay!” Saad ni Ama!

“Sana sa kasal niyo nasa altar rin ang iyong Ate kasi Josephine” Malungkot na hiling ni Ama! “Sana ngapo ayos lang po siya!” Hiling ko naman

(Helo ako nanaman ito si Reinami ikwe-kwento ko sainyo kung anong nangyayari kay Josephine sa mga oras
na ito!)

Nasa isang Kwarto si Josephine May Tape sa bibig niya at nakaupo siya nakagapos naman ang kaniyang Kamay at Paa sa upuan at May Ilaw naman sa Unahan niya! Meron ding lamesa sa kaniyang harapan!
Nagising si Josephine ng May isang lalaking biglang inalis ang kaniyang tape sa bibig!

“Asan ako?” Taonong ni Josephine pero tinawanan lang siya ng Lalaki!
”TULONG???PAKIUSAP TULUNGAN NIYO AKO!!!!” Sigaw ni Josephine at mas lalo namang lumakas ang pag tawa ng lalaki “Walang magagawa
ang iyong pagmamakaawa!Dahil wala naman makarinig saiyo!” Saad ng Pamilyar na boses ng isang babae!

“Teka!B-binibining***********?”
Nagtatakang Tanong ni Josephine
Sino kaya ang babaeng nagpakidnap kay Josephine o Gusting mag pa kidnap kay Princess pero nagkamali ang kaniyang tauhan at si Josephine ang kanilang na kidnap?Bakit pamilyar ang babaeng ito?Nabanggit na ba ang pangalan niya sa Kwento?
O baka Hindi pa?Isang espesyal na
Karakter ang Misteryosong Babaeng
Kaharap ngayon ni Josephine ang Tanong sino ito at ano ang kailangan niya sa Pinkfillia?

Malalaman natin ang sagot sa mga tanong na Iyan sa mga susunod na Epsiode!Just Keep Reading Thank you!☺️

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon