Episode 30

4 3 4
                                    

(Reinami)

Kinabukasan agad na pumunta sa kwarto ni Princess si Theresa mukhang May gusto siyang sabihin!
“Binibini alam mo na po ba?”
Tanong niya napakunot naman ang
noo ni Princess“Ang alin?” tanong ko sakaniya! “Nung araw daw po ng kasal niyo ni Ginoong Xander ay nakidnap din po ito!Ang sabi pa nila hindi pa daw
bumabalik si Ginoong Xander!”
Saad ni Theresa. Hindi naman ako nagulat dahil for sure si Helen lang ang nagpahuli sa kaniya

“Ano ka ba!Iisa lang naman si Black Killer at Helen eh” Saad ni Princess panatag pa si Princess nung sinabi niya yun! “Oo nga po,Pero maging si Binibining Helen po ay humihingi ng tulong sa lahat ng kaniyang tauhan upang hanapin nag kaniyang nawawalang kapatid!”
Dagdag pa ni Theresa!

“Ano?” Gulat na tanong ni Princess paano naman yun nangyari?Sino ang magtatangkang kidnapin si Xander?
“Parang napaka-imposible namang makidnap si Xander?Wala naman siyang ginawang masama eh!”
Saad ni Princess!

“Yun din po ang pinagtataka ko!”
Saad ni Theresa! “Siya nga pala paano mo naman nalaman na pinapahanap ni Helen ang kaniyang kapatid?”
Nagtatakang tanong ni Princess kay Theresa! “Nagpadala po Kasi ng sulat si Binibining Helen sa lahat ng kaniyang Tauhan at Sinabi niyang bibigyan niya ng 1 Million ang kaniyang tauhan na makakahanap kay Ginoong Xander!” Sagot ni Theresa!

“Bukod dun ang ipinagtataka namin ni Ama ay bakit pati si Ama ay pinadalhan ng Sulat kahit hindi na ito kasapi sa tauhan niya!” Dagdag pa ni Theresa! “Oo tama ka diyan!” Pagsangayon ko “Ibig sabihin,May pinaplano sila!Mukhang parte ito ng kanilang plano kaya kailangan nating mag-ingat baka isa itong patibong!”
Dagdag ni Princess at tumango-tango naman si Theresa!

“Maari ko po'ng tawagin si Ama,at sila Kuya!” Saad naman ni Theresa! “Magandang ideya tamang tama upang makaisip tayo ng paraan kung papa'no natin ma ililigtas si Ate Josephine!” Pagsangayon ni Princess at agad na tinawag ni Theresa sila James at ang kaniyang Ama!

.....

Makalipas ang ilang Minuto dumating na si Mang Jameson at si James kasama niya si Paul hindi ko alam bakit hindi nila kasama si Jake!
“James at Paul Bakit hindi niyo kasama si Jake?” nagtatakang tanong ni Princess ito lang ang pinakaunang pagkakataon na hindi sila nagsama-samang tatlo! Trio pa naman sila!

“May iniisip kasing plano si Jake kaya hindi na namin siya inistorbo!” Sagot naman ni Paul! “Sabi na nga ba at hahanapin mo ang Sinisinta mo eh!”
Pang-aasar ni James! “Gusto mo ng Suntok?Kahit andito ang tatay at Kapatid mo gagawin ko pa rin!”
Seryosong tanong ni Princess kay James!

“Ito naman hindi mabiro,Walang seryosohan!” Saad naman ni James na nagpatawa(nagpangiti) sakanilang lahat! 9“Kaya tayo Nagtipon-tipon dito dahil sa nabalitaan naming pagkawala ni Xander!Nalaman namin iyon kay Mang Jameson dahil pinadalhan s'ya ng sulat ni Helen!Ang nakapagtataka kasi dun ay: Bakit siya bibigyan ng sulat ni Helen ngayong Hindi na ito kabilang samba tauhan niya?
Isa lang ang ibig-sabihin nito!May gustong iparating o mangyari si Helen!Kaya kailangan nating mag-ingat!” Panimula ni Princess!

“Tama ka binibini!Nakapagtataka nga talaga ang iyong sinabi!” Pagsangayon ni Paul! “Pero ano kaya ang pinaplano ni Binibining Helen?” Tanong naman ni James “Wala pa kaming kahit kaunting impormasyon tungkol diyan!Pero sisimulan na natin ang pagiimbistiga dahil halatang-halata ang kanilang unang parte ng kanilang plano!” Saad ni Princess sabay ngiti yung tinatawag na (Devil Smile😈)

“Ano naman iyon Binibini?” Nagtatakang tanong ni Theresa! “Halata namang nais ni Helen na pumunta tayo sa bahay nila dahil sa sulat gusto niyang papuntahin tayo dun para mahuli di ba?” Sagot at tanong ni Princess! “Oo tamang tama ka diyan kaya simula ngayon kailangan na nating Mag plano ng ipapanlaban natin Sakanila!Dahil...” Putol na saad ni Paul!

“Siguradong si Binibining Josephine ay nasa bahay ng mga Himboor!At alam na namin kung saan!” Nakangiting saad ni James!

.....

Makalipas ang ilang Minuto pinagusapan na nila ang plano!
“Ganito ang loob at labas ng Mansyon ng Himboor upang mapasok ito kailangan nating dumaan dito!”
Panimula ko sabay turo sa isang Parang kubo na! “Meron ditong nakatagong daan upang makapasok sa pinaka sekretong kwarto sa mansyon nila!Itinuro ito saamin ni Helen!” Pagpapatuloy ni Princess!
“Paul at James kayo na ang bahala sa atensyon habang kami naman ang papasok sa Kwarto!” Utos ko at nagsaludo naman silang dalawa!
“Opo Doña Carmeli Dragfell!” Pang-aasar nila dahil dun kinaltukan sila ni Princess!

“At sa loob ng Kwarto siguradong May mga gwardya kaya si Mang Jameson na ang bahala sa Gwardya at tayo naman Theresa ang hahanap kay Ate Josephine!” Dagdag pa ni Princess!
“Ganun pala mukhang gagana ang plano mo binibini!” Papuri ni Theresa! “Maraming salamat!” Pasasalamat ni Princess!

.....

Kinagabihan agad na pumunta sila Princess sa bahay(Mansyon) ng mga Himboor agad na nagpaputok ng baril si James buti nalang at May lisensya ito bilang isang Sundalo ganun din si Paul agad namang natuon nag lahat ng atensyon ng mga tauhan ng Pamilya Himboor ng kanilang marinig ang putok ng baril!

Masayang masaya si Theresa dahil gumagana ang kanilang plano at agad na silang pumunta sa Kubo nahirapan pa silang pumunta dun dahil May isang Sundalo ang dumaan at ang heneral ka kaya mas napatagal sila dahil tinawag ng heneral ang lahat na Tauhan upang hanapin sila James!

Makalipas ang ilang Minuto nakaalis na lahat ng sundalo kaya dali-daling pumunta sila Theresa,Mang Jameson at Princess sa Kubo gaya ng plano agad silang nakarating sa Sekretong Kwarto pero May mga subdalo pa din sa Kwarto!Kaya agad na bumaril si Mang Jameson upang mapukaw ang kanilang atensyon at ginamky ang kaniyang Karate skill!

Dahil dun napatulog lahat ng Sundalo nagulat naman si Mang Jameson ng makita niya si Princess na tinututukan ng Baril si Theresa
“Binibini ano Pong ginagawa niyo?” Nag-aalalang Tanong ni Mang Jameson! Nagulat ito ng biglang tinanggal ni Princess ang kaniyang make-up (Yung hinihila mo lang tapos boom wala na yung make-up) At agad nitong inalis ang wig!

“B-binibining Helen?” Nagtatakang tanong ni Mang Jameson!
“Dahil sa pagiging traydor mo kinakailangan mo ng magpaalam sa iyong minamahal na anak!”
Saad ni Helen at bigla nalang May pumutok na bala ng baril!
“Wag!!!” Sigaw ni Mang Jameson!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon