Episode 21

10 3 13
                                    

(Ang mga Pangyayari sa  Episode na ito ay nung 18 year's old na si Princess ipagpapatuloy na natin ang kwento nila ni Jake sa gitna ng Pagkakasundo nila ni Xander Himboor!)

Simula ng Pinagkasundo kami ni Xander ng aming mga Ama
Hindi na kami nagkita ni Jake ng mahigit tatlong buwan ayaw niya kasing May mag-isip ng masama sa oras na May makakita saaming dalawa na magkasama sa isang lugar ng kami lang!

Kahit mahirap pinilit ko ang aking sarili na matutunang mahalin si  Xander dahil mabait naman talaga siya!Hindi Sobrang Bait!
Pero Hindi ko magawa dahil si Jake pa rin ang linalaman ng Puso't isipan ko!
Ngayon ay nakahiga lang ako sa Kama ng bigla nalang bumukas ang Pinto ng Aking Kwarto ng napakalakas para bang gustong sirain ang aking Pinto nagulat ako dahil sa Kakaibang itsura ni Ate Josephine!

“Ate Bakit?” Tanong ko sakaniya
Bigla namang ngumiti si Josephine at agad na pumunta sa kama ko at napatalon talon pa ha!
“Carmeli Pwede mo ba akong Samahan?Ida-date kasi ako ni James ng palihim eh!Sige na 'Wag kang mag-alala May ka date ka rin tutal malapit---” Hindi ko na pinatapos si Ate Josephine sa sasabihin niya dahil sa gulat! “Ano?M-may Relasyon kayo ni James?” Gulat kung Tanong at napasabi naman ng:

“Shhhh Wag kang maingay baka marinig tayo ni Ama at Pagalitan pa tayo Nagpaalam naman ako kay Ama at Pinayagan na niya tayo si Ina naman alam na niya ang tunay na dahilan ay siya na daw ang bahala upang pagtakpan tayo!” Saad ni Ate Josephine!

“At Ang Lakas ng Loob niyong Makipag Date ng Hindi ako kasama ha!” Galit-galitang saad ni Ate Marie With Taas kilay pa ha!Pero agad naman kaming nag tawanan napatigil lang kami ni Ate Josephine nang mapatanong kami ng:

“At sino naman ang ka date mo?”
Gulat naming Tanong!(Pareho kami ni
Ate Josephine ng tinanong)
“Idi sino pa ba?Walang iba kundi si Paul!” Sagot ni Ate Marie at napanganga naman kami ni Ate Josephine sa gulat!
Hindi ko inasahang makikipag date si ate Josephine kay James at si Ate Marie naman kay Paul pero mas masaya sana kung si Jake ang makaka-date ko pero si Xander yan for sure!😔

“Oh ano pa bang hinihintay niyo?Tara na at mag-ayos na tayo!” Saad ni ate Josephine! At agad na silang tumakbo papunta sa kanilang mga Banyo buti pa sila Excited samantalang ako hindi!

.....

Pagpunta namin sa Lugar kung saan kami mag Tri-triple date nagulat ako dahil wala si Xander tanging si James at Paul lang ang nagpakita!
Agad namang tumakbo sila Ate Josephine at ate Marie upang yakapin sila James at Paul buti pa sila!
Nagulat naman ako ng Biglang May Tumakip sa mga Mata ko!
Teka bakit parang pamilyar?
Nagulat ako ng alisin ng tumakip sa mga mata ko ang kaniyang kamay dahil si:

“J-jake?”Gulat kong tanong (Omg si Jake ang Ka date ko!) Hindi ko naman napigilang mapayakap sakaniya dahil makalipas ang ilang Buwan na hindi namin pagkita Finally nakita ko siya para sa isang Date!
Niyakap niya naman ako pabalik at nagtawanan naman sila Ate Josephine at Ate Marie!

“Hindi ko inakala na tayong Trio pala ang magiging Nobyo ng Tatlong Maria ng Pinkfillia!” Natatawang saad ni James nalungkot naman si Jake sa sinabi nito! “Ano ka ba!Hindi ako ang Nobyo ni Binibining Princess si Ginoong Xander na ang kaniyang Nobyo!” Malungkot na saad ni Jake!
“Pero halata namang sa puso ni Binibining Carmeli ikaw pa rin ang kaniyang Nobyo Tama ba ako Binibining Carmeli?” Pang-aasar na Tanong saakin ni Paul pero hindi ko iyon sinagot nagulat naman ako ng si Ate Marie ang sungit sa Tanong ng kaniyang Nobyo!

“Siyempre naman tama ka diyan mahal ko!” Saad ni Ate Marie medyo na ilang lang ako sa Word na:
Mahal ko”
Na naging dahilan ng pagiging kamatis ng aking mukha kainis!
Hanggang sa Pinagtawanan nalang ako nila Ate Marie at ate Josephine dahil sa itsura kong naging Kamatis!

“Ano pa ba ang hinihintay natin tayo na at umalis na tayo!” Saad ni Ate Josephine nagulat naman ako dahil kanina nakaakbay saakin si Jake pero ngayong maglalakad na kami hinawakan niya ang kamay ko masyado naman Atang madali!
Ang awkward lang kasi dahil kasama namin ang mapang-asar ko'ng mga kapatid nakakainis kasi bakit ko pa ba sila kasama!

“Saan niyo ba gustong kumain?”
Tanong Ni Jake! “Bakit ikaw Ginoo saan mo ba Gustong Kumain?” Tanong naman ni Paul!
“Nais ko sanang Kumain tayo sa
“El Restaurante más especial”
Sagot ni Jake!Napatango naman ang lahat na lalaki dahil ligtas ang lugar na iyon para saamin!Dahil ang maynagmamay-ari ng Restaurant na iyon ay walang iba kundi si:

“Saiyo ba talaga ang Restaurant na iyon Jake?!”
“Kailan ka pa nagkaroon ng Restaurant?”
“Ang Galing naman Bakit hindi mo sinabi saamin na saiyo pala ang Restaurant na iyon?”
Sabay naming tanong nila Ate Josephine at Ate Marie!

“Ah eh pasensya na kayo kung hindi ko man lang sinabi sainyo mga Binibini!” Paghingi ng Paumanhin
ni Jake at Tumango nalang kami nila Ate Marie at ate Josephine!
“Ayos lang Yan naiintindihan ka namin baka naubusan ka lang ng Oras para ipaalam saamin!”
Saad ko!

“Oo tama ka diyan Carmeli!”
Pagsang-ayon ni Ate Josephine!
“Matanong ko lang bakit mo pala tinatawag sa Unang Pangalan si Carmeli kahit pa lahat kami'y tinatawag siya sa kaniyang pangalawang pangalan Ginoong Jake?” Tanong ni Ate Marie!

“Ah nung una kasi talaga po Carmeli po talaga ang tawag ko sakaniya pero sinabi niya Pong Princess nalang daw po ang itawag ko sakaniya dahil hindi niya pa daw po iyon naririnig sa ibang tao!” Sagot ni Jake!
Ano nagsinungaling siya?

“Hindi ko naman yun sinabi eh!”
Pagde-deny ko sa sinabi ni Jake!
“Oo na sige na!Nasanay lang po kasi akong tumawag sa pangalan ng Mga Binibini sa kanilang Unang Pangalan natuwa nga po si Binibining Princess dahil ako lang daw ang kauna-unahang taong tumawag sa kaniyang “Princess” Pagtatapat ni Jake na May Halong Pagkakamot sa
Ulo!Natawa naman sila dahil sa Pag-aaway namin kanina ni Jake!

“Kung ganun bakit hindi mo tawagin ng “Prince” si Ginoong Jake Princess?”
Tanong naman ni ate Josephine!
“Para ikaw ang kaniyang Princess at siya naman ang iyong Prince!”
Pang-aasar nila Ate!Dahil dun nauna na akong Maglakad!

Mas tinawanan naman nila ako dahil maling Daan ang pinuntahan ko agad akong bumalik Sakanila at patuloy pa rin sila sa pagtatawa Kainis pinagtatawanan lang nila ako!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon