Episode 13

12 3 0
                                    

Biyernes na at sa ngayon ay may
Pasok na kami kaya agad akong
naligo at bumihis hindi na ako kumain dahil late na ako kinuha ko nalang ang baon ko!

“Teka Pri- este Jill.Hindi ka pa kumakain!” Sigaw ni John nagulat ako dahil halos araw-araw matatawag niya akong “Princess”?
Yan yung Tunay ko'ng pangalan!
Wag mong sabihing alam na ni John ang Tunay na pagkatao ko!
Hindi yun Pwede!

“Ah kakain nalang ako sa school late na kasi ako eh!” Sagot ko at um-oo naman si John at umalis na ako!
Habang tumatakbo nagulat ako ng may tumakip na kamay sa mga mata ko!Si Xander to! “Xander Please lang 'wag mo akong pag tripan!Busy ako mala-late na ako-” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nung tumingin ako sa likod nagulat ako ng makilala ko ang taong tumakip sa mga mata ko!

“J-jake?” Nagtataka ko'ng tanong
“Ah anong ginagawa mo rito? Ngayon ka palang ba umuwi?” Dagdag ko pang tanong “Ah Ang totoo niyan nung nakaraang isang linggo pa ako
umuwi!” Sagot ni Jake “Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin na mi-?”

“Na miss mo ako?” putol ni Jake sa sasabihin ko ano bakit ko ba yun sinabi? “Btw Binibining Princess sino ba yung Xander na Tinutukoy mo?” Kahit pumunta siya ng Ibang bansa hindi niya pa rin nakakalimutan ang paggalang sa mga babae!
“Ah W-wala!K-kaibigan ko lang siya!”
Nanginginig kong sagot!

“Manililigaw mo ba siya binibini?
Aking nauunawaan kung meron ka ng iniibig na iba pero kahit ganun gusto ko pa rin  na iparamdam saiyo ang Pagmamahal ko saiyo na kailanman hindi na wala kahit Walong taon pa tayong hindi nagkita ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong ito
Binibining Princess Carmeli Pinkfillia!” Napakahabang saad ni Jake! Grabe binanggit niya talaga ang full name ko ha. Hindi ako makapaniwala Possible ba na mahulog ang isang babae sa dalawang lalaki?Kasi mahal ko Si John at naghumaling naman ang pagmamahal ko kay Jake ngayong nakita ko siyang Muli dahil dun nakalimutan kong Late na pala ako sa school!

“Ah Patawad Ginoong Prince Jake Dragfell ako'y aalis na sapagka't ako'y huli na salaming pasok!”
Pagpapaalam ko kay Jake!
“Ganun ba?Sayang naman gusto ko sanang Makasama ka pa nang mas matagal binibini!” Nanghihinayang na Saad ni Jake at Yumuko na siya!
Hindi ko alam pero hinawakan ko ang Mukha ni Jake at Hinalikan ko siya sa Pisngi at sinabi ang:

“Hintayin mo ako i cha-chat kita mamaya kapag tapos na ang Eskwela at dun na tayo mag usap nang mas mahaba Jake!” Saad ko nakita ko namang tulala si Jake at Nakahawak ang kanang kamay niya sa parte ng Pisngi niya na hinalikan ko!
Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Jake!

“Ah binibini patawad pero gusto ko sanang samahan ka sa paglalakad papunta sa iyong Paaralan hindi ako nakaka siguradong ligtas ka na maglakad sa ganitong lugar ng mag isa!” Saad ni Jake at Tumango nalang ako “Ah ginoo ipapaalala ko saiyo na Tatakbo tayo hindi po tayo maglalakad ginoo!” Saad ko!
“Jake nalang ang itawag mo sakin binibini at tatawagin kitang Princess!” Saad naman ni Jake!
“Sige ba Jake!Pero pwede mo ba akong Tawaging Jill sa Paaralan ayaw kong May makaalam na Princess pala ang tunay ko'ng pangalan!” Pagsangayon at Paghingi ko ng pabor kay Jake!

“Sige ba siya nga pala gusto mong tumakbo 'di ba?” Tanong ni Jake at bigla nalang niyang hinawakan ang Kamay ko at tumakbo nang napakabilis! Nagulat nga ako dahil bakit walang dalang kotse si Jake?
Isa siyang Dragfell ang pinakamayamang pamilya sa bayan ng Dengishi!
Nakapagtataka naman yun!

.....

Nang makarating na kami ni Jake sa Gate agad na akong nagpaalam sakaniya at dali daling pumasok sa Paaralan sa huling pagkakataon tiningnan ko uli siya at Nag Ba-bye na ako!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon