Episode 24

7 3 4
                                    

Agosto 30,2024

Ngayong Araw ay Ililibot ako ni Ina sa
Palengke tuturuan na kasi ako ni Ina kung pa'no maging isang Ilaw ng tahanan Hay ayoko pa naman mag Luto!😭Wala na akong magagawa para ito kay ate Josephine!

Ngayon ay nasa Palengke na kami ni Ina bumibili siya ng mga isda at mga gulay!Ng makauwi na kami ni Ina ay agad niya akong tinuruan nang pagluluto ng mga Specialty niya!

.....

Setyembre 6 ,2024

Anim na araw nalang at ikakasal na kami ni Xander hay wala pa rin talagang balita about kay Ate Josephine Ano na kaya ang nangyari sakaniya?Sana maayos lang siya
Pero sana hindi na matuloy ang kasal namin ni Xander Ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal!

Sana May gawin si Jake para pigilan ang kasal sana Lord please!
Pero sa tingin ko hindi yan gagawin ni Jake napaka impossible dahil
Hindi na niya ako pinapansin tulad ng dati tinatrato niya nalang ako na
isang normal na tao hindi na bilang isang kaibigan!😥

.....

Setyembre 9,2024

Palapit at palapit na ang Kasal naman ni Xander Tatlong araw nalamg kasal na namin ni Xander ang bilis ng panahon!Ngayon ay pinuntahan ko si Ina nagtatahi siya ng damit na susuutin ko sa Kasal o ang Wedding Dress ko ang kaniyang Tinatahi!
“Oh anak andiyan ka pala!Halika nga dito at kakausapin kita!” Saad ni Ina
“Ano Po ang gusto niyong sabihin saakin?” Tanong ko! “Ah wala naman gusto ko lang talagang itanong ko sa tingin mo ba maganda na itong
Ginawa ko para saiyo?” Tanong ni Ina
at napanganga naman ako dahil sa gandang itinataglay ng Damit!

Setyembre 13,2024!
3:00Am!

Ngayon ay abala na sa pagaayos ng mga kailangan ang lahat ay Abalang abala habang ako ay Inaayusan ni Ina at ate Marie! Nagulat kami ng bigla nalang nag sigawan ang mga Kasambahay saamin!Agad kaming napatakbo at Pumunta sa baba nagulat kami ng makita naman ang isang babaeng Nakahiga sa Sahig at Ang dumi niya nagulat naman ako ng Marealize ko na siya si:

“ATE JOSEPHINE!” Sigaw ko at agad akong tumakbo papunta sakaniya pinigilan naman ako ng isang kasambahay sa plano kong pagyakap kay Ate Josephine! Gustong gusto ko talaga siyang yakapin pero hindi pwede dahil madudumihan ang Damit ko kaya pinipigilan ako ng mga Kasambahay!

Agad namang Binuhat ni Ama si Ate Josephine ng kaniyang makita na nakahiga ito at walang malay agad na nilinisan at pinalitan ng damit ng mga Kasambay namin si Ate Josephine
at Nilagay na sa Kama!

Agad namang Tumakbo si Theresa para sabihing Gising na si Ate Josephine agad kaming tumakbo sa Kwarto ni ate Josephine para kumustahin! “Anak ayos ka lang ba?”
Nag-aalalang Tanong ni Ina!
“Ah I-ina!G-gusto k-ko p-pong S-sumama s-sa K-kasal n-ni C-carmeli!” Saad ni Ate Josephine!
“Pero masyado ka lang Pagod kailangan mo pang magpahinga!”
Pagtutol ni Ina!

“PERO ITO LANG PO ANG NAG-IISANG PAGKAKATAON NA IKAKASAL SI CARMELI AT GUSTO KONG ANDIYAN AKO SA KASAL NIYA!” Naiiyak na sigaw ni Ate Josephine at niyakap naman siya ni Ina!
“Ayos lang yan naiintindihan kita!
Sige pinapayagan na kita!” Saad ni Ina at sumali na kami ni Ate Marie sa Yakap at naging Gruop Hug na iyon!

Makalipas ang ilang araw na sa labas
na ako ng Simbahan nagulat ako ng biglang May humila saakin at tinakpan ang aking bibig!
“Shhh Wag kang maingay baka May makahuli saatin Binibini!” Basi sa boses niya alam kong si Jake ito!
Hindi ako makapaniwalang Tinawag niya ako ulit ng Binibini!

“Akala ko ba ayaw mo na akong makausap pa?” Kunwaring galit kong saad! “Gusto ko lang magbigay ng huling Salita para saiyo binibini dahil ngayon ay tuluyan ka ng magiging Ganap na “Himboor” Kaya hindi ko nais na sayangin pa ang pagkakataong ito!” Saad ni Jake!

“Ang Ganda mo naman kahit hindi ako ang Groom mo!” Pambobola niya!
“Gusto ko'ng humingi ng tawad dahil dun sa ginawa kong pananakit saiyo nung pinahuli kita sa mga tauhan ko!”
Paghingi ng tawad saakin ni Jake!
“Ano ka ba!Napatawad na kita!”
Saad ko habang umiiyak!
“Bukod dun alam ko naman na hindi ka sasaktan ni Ginoong Xander hindi katulad ko kaya buong puso kong ipinagkakatiwala sakaniya ang pagmamahal sa iyo!” Dagdag pa ni Jake na naging dahilan ng pagyakap ko sakaniya!

Tinawag na ako ni Theresa hindi ko alam kung pa'no niya nalaman na kinausap ako ni Jake at kung pa'no niya nalaman na andito kami!
“Binibini Hinahanap ka na po nilan”
Bilin ni Theresa hinalikan naman ni Jake ang noo ko at nagpaalam na!Dumaan siya sa kabila upang walang magtaka!

Pagpunta ko sa harap ng simbahan nakita ko si Jake tiningnan niya pa ako bago siya pumasok at pagkapasok na pagkapasok niya ay dun na sumara ang pinto ng simbahan!Alam ko na sa oras na bumukas ang pinto ay Dun na mababago ang mundo ko!Pero para naman ito kay Ate Josephine kahit nandito na siya ay kailangan ko na itong ipagpatuloy nasimulan na eh!

Hanggang sa Bumukas na ang pinto hinawakan na ni Ina ang kamay ko at ganun din si Ama nagsimula na kami sa paglalakad at kitang-kita ko naman ang nagniningning na mata ni Xander!Habang tinitignan naman ako ni Jake at kitang-kita ko pinilit niya lang ngumiti kahit gustong-gusto na niyang Umiyak kitang-kita sa mga mata niya!

Malapit na ako ibigay nila Ama at Ina kay Xander ng Bigla nalang May narinig kaming mga putok ng Baril!
Agad kong narinig ang mga Sigaw ng mga Sundalo na pilit na kinakalaban ang Sandamakmak na kalaban!
Dahil dun agad akong hinila ni Xander upang tumakas kahit pa hawak hawak ako ni Ina at Ama hinawakan ko naman sina Ina at Ama
At agad kaming nagtago!

Nagulat ako ng Biglang tumakbo si Ate Josephine papalabas agad ko naman siyang sinundan at
hinihila ko na siya pero ayaw niya!
“Ate halika na at magtago na tayo baka mabaril tayo!” Saad ko kay Ate Josephine! “Mga anak pumarini na kayo” Sigaw ni Ina!Pero ayaw pa rin ni ate Josephine na sumama saakin upang magtago ng bigla nalang May tumamang bala sa balikat ko na naging dahilan ng Unti-unti kong pagbagsak sa lupa agad naman akong sinalo ni Jake!

(Si Reinami po ito)

Nagulat ang lahat ng agad na bumunot ng baril si Jake inihanda niya ang kaniyang baril upang kapag May babaril Sakanila ay uunahan na niya at agad ng pininto ng mga Sundalo ang Pinto ng Simbahan!
Agad namang napatakbo si Marie at Si Doña Precious at Don Aldrick kay Princess!

“Carmle!!!” Nag-aalalang saad ni Doña Precious! “Anak kumapit ka lang!”
Pagmamakaawa naman ni Don Aldrick!

Paalala:Ang mga pangyayari,Pangalan,At Lugar ay hindi totoo ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong mundo!Maraming salamat sana na enjoy niyo ang Episode!

Disguise (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon