Suminghap ako at naestatwa pa sa pagkakatayo habang pinapanood na suntukin ni Dalton si Emman. Narinig ko ang pangalan niya ng mas galitin pa niya si Dalton. Saktong pagpasok naming tatlo ay ‘yon agad ang bumungad sa amin.
“Totoo naman ah? malandi yang babae na ‘yan.” He said spitting his saliva on the floor mixed with his blood.
“Emman! pre tumigil ka na!” inis na awat ng isa sa team ni Zillex.
Gustong umawat ng ilan pero sa banta ni Zillex ay walang kumikilos. Nakatayo siya sa likod ni Dalton animoy nakabantay sa kung sinong lalapit at magtatangkang umawat. Madilim ang kaniyang mukha at walang kahit anong emosyong mababasa sa doon.
“Hindi ako titigil, totoo naman ang sinasabi–”
Hindi natuloy ang sasasabihin niya ng umigkis ang kamao ni Dalton para muling suntukin ito sa mukha dahilan para muli itong matumba.
“Tang-ina mo. Ayoko sa lahat ay ang bastos. Sinasagad mo pasensya ko.” gigil na anas ni Dalton bago muling binuhat ito sa kwelyo gamit ang isang kamay at muling sinapak sa lakas ‘non ay muling tumilapon si Emman.
Umigting ang panga niya at akmang lalapit ng humakbang na ako patungo sa pwesto niya at humawak sa braso. Nakita ko ang pagkatigil ng lahat sa pag-entrada ko. Nakita ko pa ang pag-awang ng labi ni Zillex habang nakatingin sa akin.
“P-Please.. tigilan niya na.. pakiusap.” nanghihina kong sabi sakanila, nalalapit sa muling pag-iyak.
Ayokong masaktan sila ng dahil sa gagong lalaking ‘yan. He deserves it, yes. Pero nasasaktan ‘din si Dalton sa ginagawa niya. Halos magsugat na ang kamao niya dahil sa ilang beses na pagsuntok kay Emman.
Hinawakan ko ang kamay ni Dalton na mahigpit na nakakuyom. May dugo iyon, may mga sugat din, siguro sa lakas ng pwersa ng pagkakasuntok niya.
Hinaplos ko iyon bago tinanggal sa pagkakakuyom, pinagsalikop ko ang kamay namin bago nagmamakaawang tumingin sa kanya.
“G-Gusto ko ng umuwi.” mahina kong sabi sakanilang dalawa.
Umigting ang panga ni Dalton at lumambot ang tingin. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang buhok ko bago ako pinatakan ng halik sa noo.
“Sorry.. hindi mo dapat nakita ‘yon.” mahinahon niyang sabi sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng walang pagdadalawang-isip niya akong hilahin paalis ng gym. Bago pa kami makaalis ay narinig ko pa ang pagbibilin ni Zillex kila Adam na walang makakalabas tungkol sa nangyari. Sinubukan ko pang lumingon ngunit pinigilan ako ni Dalton at hinapit ako papunta sa kanya.
“Don't.. keep your eyes in front.”
Hindi na ako umangal hanggang sa madala niya ako sa dorm nila. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Masama na kung masama ngunit parang masaya pa ako sa ginawa nila sa lalaking ‘yon.
He deserves it.
Hinaplos niya ang pisngi ko bago ako hinala palapit sa katawan niya at niyakap. Hindi ko alam kung bakit tuluyan na akong napaiyak habang mahigpit na nakapit sa kanya. I could hear him cursing while caressing my back, soothing me.
“Shh, mananagot siya sa ginawa niya sayo. No one could hurt you, not in our watch.” He whispered and kiss my head.
Naramdaman ko ang paglubog ng tabi ko bago ko naramdaman ang yakap ni Zillex mula sa aking likod. Binaon niya ang mukha sa aking likod, pumapatak ng halik ‘don.
“I’m sorry, we're not there to protect you. S-Sa condo ko ginawa pero hindi ko man lang nalaman.” humigpit ang hawak niya sa akin kaya mas lalo akong napaiyak.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...