Chapter 10

2K 34 8
                                    

"Congrats frenny! Galing galing talaga." Margaux said kumapit ito sa braso ko at binigyan ako ng isang malapad na ngiti

"I'm so proud of you my Tasya!" Mommy said at hinawakan ako sa mukha.


Tapos na ang contest at program as usal sino pa ba ang nanalo? Walang iba kundi ako lang naman well.


Nilibot ko ang tingin ko kanina ko pa sya di nakikita mag mula ng makita ko syang umalis. San nag punta yong babae na yon? Hmp bahala sya as if naman na may paki alam ako.

"Anak nagpa luto ako sa mga kasambahay celebrate natin your being championship invite mo na din tong kaibigan mong si Margaux" sabay lapit nya kay margaux


"Okay mommy" I smiled.


"Thanks Tita Olivia!"


"Hi--hi" Naagaw ang atensyon namin dahil sa babaeng kadadating lang. Ano ginagawa nya dito? Hmp dito nga din pala sya nag aaral kainis.


"Oh hi beautiful lady!" Sabat ni mommy at nginitian pa ito. Jusko nasusuka ako sa pinagsasabi ni mommy wag mo nga sya ngitian akala mo naman magkaka kilala kung maka ngiti tsk.


"Hello po and hi Stacey You're so beautiful tonight." Tumingin ito kay mommy at lumapit sakin at dahan dahang inabot ang isang bouquet na flowers. Nagka tinginan kami ni Margaux at napairap na lang.


Tiningnan ko si mommy na ngayon ay naka tingin na din sakin at binigyan ako ng tingin na para bang 'ano ibig sabihin nito?'

"For you Stacey.. Congrats You deserve it!" Hindi ko sana kukunin ang inabot nya pero si mommy na mismo ang kumuha nito.


"Nako ija ang ganda naman ng mga bulaklak na to pwede bang akin na lang to? Di kasi mahilig yung anak ko sa bulaklak eh" Mommy said at ngumiti na parang pilit parang naamoy ko na di bet ni mommy tong nasa harapan namin well that's good.


"Ah opo hello po ikaw po pala ang mommy ni Stacey? di na po ako magtataka kung san nagmana si Stacey ng kagandahan hehe"Buti na lang si mommy ang kumuha

"Mariah kailangan na namin umalis thank you kasi nag abala ka pa sa bulaklak at mukhang nagustuhan naman ni Tita Olivia" Sabay tawa ni Margaux palihim din akong natawa sige continue nyo lang yan sabay sabay tayong mainis.

"Osya Ija thanks dito" sabay ngiti ni mommy at pumagitna samin ni Margaux, kumapit sa braso namin at tuluyan ng iniwan si Mariah na nakatulala.








"Bridgette nasan na si Elisha?"


Kasalukuyang nandito kami sa hapag kainan. Katabi ko si Margaux habang si mommy naman si tita bridgette, si lola ay nasa dulong upuan na kung saan isa lang ang kasya na chair.


Magmula ng umalis si Miss Alejandro kanina hindi ko na sya nakita, hindi nya din nasaksihan ang pagka panalo ko tss. Stacey di mo kailangan ng compliment nya okay?


"Nag message sya kanina malapit na daw konting tiis na lang mga ija ha? Hintayin natin sya" Tumingin ito sakin at kay margaux


Ano ba yan nagugutom na ko pa VIP pa kasi eh. Kung san san nagpupunta siguro nakipag landian na naman don sa babae nya but wait pumapatol ba sya sa babae? What I mean is Bisexual ba sya or Straight? Pero kung titingnan mo kasi sya babaeng babae talaga hays nevermind!


"Frenny, tara" Nilingon ko si margaux


"San naman?"


"Dating gawi" Matagal na din ng huling punta namin sa bar. Deserve ko naman siguro uminom kahit ngayong gabi lang.



Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon