Chapter 21

3.6K 96 60
                                    

"Anak ito oh, sigurado magugustuhan nila yan"


"Thanks mommy" kinuha ko na ang strawberry cake na kung saan si mommy pa ang gumawa.


Pupunta kami ngayon kila Marima, birthday nya ngayon well inimbitahan nya lang naman ako at si Miss Alejandro. Buti nga napilit ko si dragona na sumama nong una ayaw nya talaga pero napilit ko din naman.


Nag suot lang ako ng pang tulog, na pajama at tshirt lang ang sinuot ko dahil ang sabi ni Marima hindi naman sya magpa-party at simpleng gabi lang ang ganap ngayon na kung saan ang mga malalapit lang sa kanya ang inimbitahan nya at sinabi nya din na kung maari pang tulog lang ang mga isuot namin kaya eto ako ngayon.

"Ano tuloy pa ba?" Napa tingin naman ako sa babaeng naka cross arm na matalim na naka tingin sakin ngayon.


Tiningnan ko sya na ngayon ay naka pajama din at naka white t shirt. Napaka simple nya sa sobrang simple nya ngayon mas lalo akong naiinlab sa kanya hays.

"Lika na"

"Oh teka itong cake makalimutan nyo" sabat ni mommy. Nag punta pa sya talaga dito sa bahay para lang gawin ang cake. Wala kasi ako maisip na regalo kaya naman nagpa tulong na lang ako kay mommy at sabi din ni marima ayaw nya daw ng kahit anong regalo basta mag punta lang daw kami.


Kukunin ko na sana ang cake ng maunahan ako ni Miss Alejandro. Tiningnan nya ako pagkatapos ay binigyan ako ng isang irap. Hays balik na naman sya sa dati kainis!.







"Happy birthday Marima!" Sabay ngiti ko. Agad naman nya ako sinugod ng yakap pagkatapos ay humiwalay at binigyan ako ng malapad na ngiti.


"Akala ko di ka pupunta eh" napa tingin naman sya kay Miss Alejandro


"Ahm ano naki sabay na ko sa kanya, nasira kasi yung sasakyan ko kaya yon sabay na kami nag punta dito" napansin ko naman na nakumbinsi sya sa sinabi ko


Tiningnan ko si Miss Alejandro na wala man lang expression. Inabot nya ang hawak na cake at tamad na tumingin sa paligid.


"Happy birthday" Miss Alejandro said. Halata sa kanya na boring na boring na sya. Hays di ko alam san ba pinaglihi to parang wala man lang sa bokabularyo nya ang mag enjoy sa buhay tsk.



"Thanks dito ah tara pumasok na kayo sa loob"


Agad naman ako sumunod sa kanya pero ng mapansin kong wala akong kasunod lumingon ako sa likuran ko at si Miss Alejandro na naka cross arm ang nakita ko na para bang wala talagang balak pumasok, agad ko syang nilapitan at hinawakan ko sa braso.


"Miss Alejandro pwede ba makisama ka naman kahit ngayon lang" hinila ko na sya at wala naman syang imik at patuloy na nagpatihila sakin.


Pagpasok namin naabutan namin sa kitchen si Margaux na katabi si Mariah, Si Ma'am Veronica. Invited din pala tong si Ma'am Veronica? Close ba sila ni Marima? At tsaka kami lang ba ang bisita?



"Hi frenny!" Agad naman kumaway si Margaux kaya naman binigyan ko sya ng isang ngiti. Napa tingin ako kay Mariah na ngayon ay naka ngiti na din.


"Hi Stacey!" Bati naman sakin ni Ma'am Veronica. Ningitian ko na lang sya ng tipid.


"Maupo na kayo para makakain na tayo" Marima said at pinaghila ako ng upuan.


Napa lingon naman ako kay Miss Alejandro dahil ganun din ang ginawa. Nagka tinginan naman si Marima at Miss Alejandro kaya naman ang ginawa ko hinila ko ang upuan na nakapa gitna sa hinila nila at don ako umupo.


Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon