Chapter 2

2.8K 45 0
                                    

Flashback

Kasalukuyang nandito kami sa hapag kainan kasama si lola, mommy at si tita Bridgette at anak nitong si Professor Elisha. Katabi ko si mommy habang katapat naman ni mommy si tita bridgette at ako naman ay si Professor Elisha and si lola nasa may dulong upuan na kung saan isa lang ang kasya na chair.

Si tita bridgette ay matalik na kaibigan ni mommy para na nga silang magkapatid dahil sa sobrang close nilang dalawa. Si mommy naman nag iisang anak lang din sya nila lolo at lola habang si tita bridgette may kapatid na isa hindi ko alam kung nasan dahil wala naman ako karapatan para pang himasukan pa yon at isa pa sila ni mommy ang mag best friend dito sampid lang ako.

Hindi ko alam kung ano meron ngayon wala naman ocassion pero nagpahanda si lola ng dinner iba't ibang putahe di naman namin to mauubos dahil wala naman na daw kaming bisita.

"So hindi ko na patatagalin pa to samantalahin na nating ang pagkakataon mga iha" napatingin ako kay lola mukhang seryoso to. Tumingin ito sakin sunod ay kay Professor elisha.

"I think you're right mom" My mom said.

"Yes I'm so excited so ano na?" Parang nae excite pa si tita bridgette. Napatingin ako kay Professor na naka tingin lang sa mommy nya na para bang nagtataka miski ako hindi ko maintindihan.

"Stacey apo, and Elisha" tumingin ito sakin ng may ngiti at tumingin kay Professor elisha.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako hindi ko maintindihan, naguguluhan ako sa kanilang tatlo miski ang nasa harap ko hindi maipinta mukha

"Why lola?" Pilit ko pinakalma ang boses ko

"You and Elisha are getting married. Bukas na bukas din." Diretsahang sabi nito at pinag tiklop ang dalawang palad na nasa lamesa ngayon

"WHAT?" napatayo ako ng di oras sa narinig ko what the hell! Bakit kami magpapakasal? At bakit ako magpapakasal sa babae na to? Tiningnan ko to at kita din sa mukha nya ang gulat parehas kaming biktima dito at walang alam sa nangyayare.

"Stacey! Calm down" sabay hawak ni mommy sa kamay kong nakayukom di ko maiwasang mainis at magalit hindi ko sila maintindihan bakit kailangan nilang gawin to

"Apo alam ko nabigla ka, maging ikaw elisha but trust me para sa inyo ito para sa kinabukasan nyong dalawa hindi ba Elisha?" Sabay tingin nito sa kaharap ko

"But lola--"

"Mom I think you should have asked me before you made a decision." Tumingin sya sa mommy nya

"Anak mahal kita kaya nga napagdesisyunan ko to, kung bakit napag desisyunan namin to dahil mahal namin kayong dalawa ni stacey" hinawakan nya ang braso ni Professor elisha hindi ko namalayan na nakatayo na din pala ito.

"Tama ang mommy mo elisha, ayaw na namin kayo mapunta sa kung sino lang. Kaya hanggat maari--"

"Kaya ano mommy ipapakasal nyo kaming dalawa? Bakit mommy tinanong nyo ba kung gusto namin? Kung gusto ko? Mommy 18 pa lang ako at gusto nyo na ko itali agad at hindi lang yon sa babae pa talaga? Really mom?" Napasigaw na ko dahil sa galit hindi ko sila maintindihan bakit kailangan pa nila gawin to ang bata ko pa para magkaroon ng asawa at sa taong hindi ko pa talaga gusto!

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon