Chapter 6

2K 37 0
                                    

"Kamusta naman ang pag aaral mo apo?" Lola asked.

"Okay naman po lola" sabay ngiti ko

Kasalukuyan nandito kami sa bahay namin ni mommy, nandito din si lola, tita bridgette at sino pa nga ba tss. Nandito kami sa sala nakapag dinner na din ang lahat kaya eto kami ngayon nagku-kwentuhan namiss ko din naman si mommy at lola 2 weeks ko din kasi sila di nakita dahil nabusy sila sa company.

"Totoo ba ang sinasabi nito Elisha?" At tumingin pa nga sa katabi ko. Parang walang tiwala si lola ah.

"Yes po" at parang napilitan pang ngumiti

"Dito na kayo matulog at gabi na din naman" sabat ni mommy at ngumiti ng malawak.

"Okay mommy" namiss ko din dito matagal na din nung huling higa ko sa kama ko.

"Oo nga anak dito na muna kayo mag palipas ng gabi tutal dito din naman ako matutulog at ang lola nyo" sabi ni tita bridgette at hinawakan ang kamay ng katabi ko. Ito namang katabi ko parang wala lang sa kanya ang sinabi ng mommy nya at wala man lang imik

"Tasya anak don kayo ng asawa mo sa kwarto mo ako at ang mommy Bridgette nyo sa kwarto ko at ang lola nyo naman ay sa isang kwarto." Tama ba narinig ko? Sa kwarto ko matutulog tong babae na to? No way!

"Mommy! Bakit naman--"

"Elisha wala namang masama kung magtatabi kayong matulog ng asawa mo dahil mag asawa kayo" dagdag pa nito

"Elisha hindi pwedeng ganyan ka na lang lagi" Seryosong sabi ni lola at tumingin sakin ng seryoso

"But lola gusto ko masolo kwarto ko and di ako makaka tulog ng may kasama sa kwarto"

Narinig ko naman ang pag 'tss' ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya at tinitigan sya ng masama pero sya patuloy lang sa pagpho- phone nya. Tssk wala talagang paki alam. Seriously hindi man lang ba sya tututol? Kainis! Iniisip ko pa lang na makakasama ko sya sa iisang kwarto naiinis na ko.

Never naman kasi kami nagsama sa iisang kwarto ni hindi pa nga sya nakaka pasok sa kwarto ko dito kahit don sa bahay namin and ganun din ako sa kanya dahil hindi naman namin pinapakialaman ang isa't isa.

"Osya magsi akyat na kayo sa kwarto at ako'y matutulog na inaantok na din ako alam nyo na umeedad na"

"Okay mama good night" sabi ni mommy

"Let's go na din Olivia at hayaan na natin yang mga unica ija natin alam na nila ginagawa nila diba girls?" Sabay ngiti ni tita bridgette at kumindat pa hays. Never ko sya tinawag na mommy dahil ayoko and di ako sanay tita lang ang gusto ko itawag sa kanya. Yung isa lang talaga feeling close kay mommy at nakitawag na din ng mommy hmp.

"Good night girls and you tasya wag na wag kang magkakamali na palabasin yang asawa mo kabisado kita ha" pinandilatan pa talaga ako ng mata hays

"But mommy!" Kumaway lang ito at ngumiti sabay kindat sakin at tumungo na sila sa kwarto ni tita bridgette hays. Mommy ko ba talaga sya? Alam naman nya na hate na hate ko tong babae na to!

Tumayo na din sya at patungo na sa kwarto ko aba't talagang pupunta sa kwarto ko.

"Hoy Miss Alejandro san ka pupunta?" Di man lang ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad patungo sa kwarto at eto naman ako naka sunod lang sa kanya na parang ewan. Ang kapal naman nya sya pa may ganang di mamansin eh kwarto ko yung pupuntahan nya

Mabilis akong humarang sa pintuan bago pa sya makapasok. Naka tingin sya sakin ng seryoso at kumunot ang noo. Ano akala nya basta lang sya makaka pasok sa kwarto ko? No way!

"Hindi porket sinabi nila mommy na dito ka matutulog sa kwarto ko ay susundin mo sila, ako pa din ang masusunod dahil kwarto ko ito." Sabay tingin ko sa kanya ng masama.

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon