Chapter 11

2K 51 6
                                    

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Inilagay ko kanina ang 6 pm. Kinuha ko ito It's already 6 pm natulog ako kanina dahil sumakit ang ulo ko thankfully di naman na ngayon.

Tiningnan ko ang kurtina na nakatabing sa may bintana ko, madilim na pala.

Saturday ngayon kaya kanina pa ako mag hapon dito sa bahay wala naman din ganap na iba and nag text din si Margaux na busy daw sya kaya walang gala. Nag inat inat muna ako at tumulala bago tumungo sa shower room

Pagkatapos ko mag shower lumabas ako ng kwarto pero hindi pa man ako nakaka baba mula dito, napansin ko ang kwarto ni Miss Alejandro na naka bukas sa pagkaka alam ko never nyang iniiwan naka bukas ang pinto nya.

Bigla ko naman naalala yung nangyare kagabi, napahawak ako sa labi ko. Naiinis pa din ako dahil first kiss ko yon. Bakit nya kaya ginawa yon? Nakaka inis! May patanong tanong pa sya na 'where have you been stacey ' eh alam naman nya kung san ako nag punta tss.

Hindi ko napansin na dinala na ako ng mga paa ko sa harap ng kwarto nya, dahan dahan kong tinulak ang pintuan at sumilip pero walang tao.

Tuluyan na kong pumasok at nilibot ko ang paningin ko sa tagal ng panahon na kami ay magkasama sa iisang bahay ngayon lang ako naka pasok sa kwarto nya, infairness sobrang linis ng room nya organize lahat ng gamit nya mula sa bed na kulay gray, may books, guitar at ang mga collection nyang magazine. Bakit ganito ka organize tong babae na to?

Napa tingin ako sa frame na malapit sa bed nito, may dalawang batang babae yung isa ay siguro nasa 14 na edad at yung isa naman ay mas bata siguro nasa 5 pa lang, yung mas matanda naka akbay sa isang bata pero yung mukha ng isang bata malabo di maaaninag ang mukha kinuha ko ito para tingnan ng malapitan parang familiar sakin to?

"What are you doing here?" Napapitlag ako sa pinang galingan ng boses na yon at lumabas ito mula sa Shower room na naka bath robe. Napa tingin ito sa hawak kong frame at dali daling tumungo sakin at kinuha ang hawak kong frame

"Get out." Di ako nagpa tinag tiningnan ko sya na ngayon ay naka upo sa bed nya at nagpupunas ng towel sa kanyang buhok.

"Ikaw ba yung bata? Sino yung kasama mo?" Ewan na curious lang ako

"What are you doing here?"

"Nakita ko naka bukas yung pinto mo" tiningnan ako nito sabay irap, tumayo ito at nag tungo sa closet kaya naka talikod ito

"So sino yung bata?" Nanatili lang itong tahimik habang nag aayos ng damit sa closet nya

"Dyan ka na nga nag sasayang lang ako ng oras!" Tumayo ako at akmang lalabas na ko ng mag salita ito.

"She is an important person to me" Humarap ako sa kanya at saktong naka tingin ito sakin ngayon. Kaibigan nya kaya yon?

"So nasan sya?"

"Why are you asking?"

"Nothing" inirapan ko ito naglakad lakad pa ko at inilibot ang tingin sa buong room nya ngayon lang kasi ako naka pasok dito kaya naman bago sa paningin ko ang imahe ng kwarto nya

"Bakit mo yon ginawa?" I said. Naka upo na ito sa harap ng mirror nya at nanatiling naka tingin sa reflection nya dahil nag aayos na ito. Bahagya itong napatingin sakin at may pagtataka sa mukha nya ilang sandali pa ay umiwas ito ng tingin.

Hindi pa din sya umimik at nanatili lang sa ginagawa nya

"Yung kagabi bakit mo yon ginawa?"

"It's none of your business" Tumayo ito at kinuha ang damit nya I think dress yung kinuha nya at nag tungo sa rest room.

Ano akala nya ganon ganon na lang yon? Pagkatapos nya nakawin yung first kiss ko?

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon