Chapter 8

1.8K 43 10
                                    

Nagising ako sa isang silid na kulay puti ang paligid at may nakita akong lalaking naka talikod na nasisinagan ng araw. Nilibot ko ang paningin ko pero puro puti ang nakikita ko. Nasan ako?

"Nandyan ka na pala katagal kitang hinintay bakit ngayon ka lang ija?" Humarap sakin ang isang lalaki na may katangkaran hindi ko makita ng maayos ang mukha nya dahil malabo ito.

"Nasan ako? Sino ka?" Tanong ko sa kanya hindi ko makita ang expression nya dahil hanggang ngayon malabo pa din ang mukha nya

"Nandito ka kung saan malalayo sa mga taong mahalaga sayo matagal na ako dito, at matagal na din kita hinihintay dahil may dapat kang malaman"

"Ano ang dapat kong malaman?"

"Gusto mo ba talagang malaman?" Tumango ako na curious ako kahit di ko sya kilala pero may something sakin na gusto kong malaman

"Dahil ang totoo hindi talaga kita anak" ano daw? Anong anak sinasabi nya?

Nakita ko na papalapit sya sakin kaya umatras ako pero palapit ng palapit sya sakin hanggang sa makaramdam ako ng takot

"Sino ka? Bakit mo sakin sinasabi yan?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko

"Stacey!"

"Stacey gising!"

Nakaramdam ako ng sampal sa pisngi ko na sya namang ikinabangon ko nabigla ako dahil masakit pa din ang ulo ko at masama pa din pakiramdam ko, nilibot ko ang paningin ko pero ang nakita ko ay isang babaeng nurse na naka tingin at si margaux na mukhang nag aalala nasan na yung lalaki? Nananaginip lang pala ako, buti naman hays akala ko totoo na

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong nya kinalma ko ang sarili ko ng ma realize ko ang ginawa nya

"Aray ano ba!" Binatukan ko sya akala nya siguro hindi ko mararamdaman yung pag sampal nya sakin porket tulog ako

"Sino nagsabing sampalin mo ko ang sakit nun ah!" Sabay irap ko sa kanya at sya naman ay hinihimas ang batok nya

"Nananaginip ka kasi ata kaya ko yon ginawa buti nga ginising pa kita sa bangungot mo imbis na mag thank you nang batok pa" sabay pout nya nakaramdam naman ako ng konsensya

"Thank you" Napa tingin naman sya sakin agad at ngumiti ng malawak

"Okay na di na ko nagtatampo" sabay ngiti nya ulit

"Ahm oo nga pala nagugutom ka ba frenny? Ano gusto mo?"

"Sino nag dala sakin dito sa clinic?"

"Si Miss Alejandro"

"Pano nya ako nadala dito?"

"Ano ka ba kung sya lang mag isa hindi ka talaga madadala malamang tumawag sya ng pwedeng mag dala sayo dito"

"At isa pa napansin ko din kanina parang bad mood si Miss Alejandro"

"May bago ba don? Always naman ganon yon"

"Hindi frenny mas iba ngayon parang bad mood talaga as in" at napahawak pa sa chin na parang may iniisip

"Wala naman ako paki alam, bat pa sya nag punta dito akala mo namang may paki alam talaga sakin"

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman muntik ko na makalimutan na masama pala pakiramdam ko

"Oh ayan nagmamaldita pa kasi may sakit na nga eh hintayin mo na si Tita Olivia dito at susunduin ka daw para maiuwi ka na sa bahay nyo" Tumango na lang ako at nahiga ulit dahil nakaka ramdam na naman ako ng panghihina

"Tasya!" Napalingon ako sa pinang galingan ng boses na yon  sya na naman?

"How are you? Masama pa ba pakiramdam mo? Gusto mo ba ng makakain?" Sunod sunod na tanong nya

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon