Chapter 14

1.6K 41 2
                                    

"Hello po Tita Eunice" sabay beso ko dito ngumiti naman ito

"Halina kayo sa loob at lalamig ang pagkain" Tumango na lang ako, kumapit naman sa braso ko si margaux at inakay ako papunta sa loob ng bahay nila.

Inimbitahan ako ni Margaux mag dinner dito sa kanila dahil dumating ang ate nya noong isang araw pa. Sa tagal ng panahon na kaibigan ko si Margaux ngayon ko lang mami-meet ang ate nya.

Nag suot lang ako ng simple white dress at nag pony ng isang bagsakan at nag lagay lang din ako ng light make up dahil wala naman occasion pa welcome dinner lang daw nila sa ate ni Margaux wala ang daddy nila dahil nag pa iwan sa california para sa company nila don. Si tita eunice, margaux at ang ate nya lang ang nandito at isa na ako don.

"Dito ka na frenny sa tabi ko" pinaghila ako ng chair ni margaux kaya naman naupo agad ako dito. Nilibot ko ang tingin ko, nasan na kaya ang ate nya? Medyo na excite ako kasi ngayon ko lang sya makikita.

"Pababa na din yon si ate at finally makikita mo na sya at makikita ka na din nya" nakwento din kasi nya na madalas nya ako ikwento sa ate nya kaya naman kilala na daw ako nito kahit di pa ko nakikita in person, ngayon pa lang.

"Oh ayan na pala, Ari halika na dito maupo ka na" Napako naman ang tingin ko sa babaeng pababa ng hagdan, naka pink dress ito na hapit na hapit sa katawan nya kaya naman kitang kita ang kasexyhan nito, napadako ang tingin ko sa kabuuan ng mukha nya. Myghad ate ba talaga sya ni Margaux? Para syang isang anghel na bumaba sa lupa kitang kita sa kanya na laki talaga ito sa states at kapag tiningnan mo sya ay sosyal talaga. Bigla naman nabalik ang wisyo ko sa pagkalabit sakin ni margaux sabay bulong nito.

"Ganda no?"

"Ampon ka siguro?" Sabay tawa ko ng mahina, agad naman itong nag pout. Maganda naman si Margaux pero yung ate nya parang si Miss Alejandro pero kung ikukumpara mas lamang pa din yung dragona na yon. Hays bakit ba biglang sumisingit sa utak ko yon! Epal.

"Just kidding, maganda ka naman mas lamang nga lang yung ate mo" sabay tawa ko ulit

"Hmp oo na, kumain na tayo"

"Margaux, Ipakilala mo na yang kaibigan mo sa ate mo" sabat ni tita eunice.

Agad naman na dumiretso sa upuan ang ate ni margaux kung saan katabi nito ang mommy.

"Ate Marima, ahm Si stacey nga pala best friend ko yung madalas ko ikwento sayo" Tumingin sakin ang ate nya at tipid na ngumiti pagkatapos ay tinuon ang tingin nya sa plate nito.

"Hi Nice meeting you, lagi ka sakin nakukwento ni Margaux" I smiled. Tumingin muli ito sakin at binigyan ako ng sa tingin ko at isang malawak na ngiti pagkatapos ay inilahad ang kamay nito kaya naman inabot ko agad at nag dhake hands kami.

"Nice to meet you tasya" ngumiti ito at binitawan ang kamay ko

Tumingin naman ako kay margaux.

"Alam nya kasi na yan ang tawag ko sayo" sabay tawa nya.

"Enough for that. Kumain na tayo" sabay ngiti ni tita eunice.








Pagkatapos namin mag dinner nag punta ako dito sa garden nila Margaux, Nagpa alam saglit si margaux at may aayusin lang sa kwarto nya. Malamig dito kaya naman naisipan kong magpa hangin habang naka upo sa balcony.

Tiningnan ko ang langit, napaka ganda ang daming star at sumabay pa ang half moon na parang naka smile.

"Gaano na kayo katagal?"

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon