Chapter 3

2K 46 1
                                    

"Oh diba ang ganda!" Pumapalakpak pa ang gaga

"Malamang gawa natin eh"

"Syempre tayo pa ba di tayo papa huli sa mga classmate natin no"

"Dyan ka muna kukuha lang ako ng meryenda natin"

Nandito ngayon si margaux sa bahay namin umaga pa lang nandito na sya dahil nga sa project namin na dream house.

Nagpupunta talaga sya dito pag naisipan nya and besides alam naman na din nya ang secret ko. I'm secretly married to my professor ang family ko lang, tita bridgette at Professor Alejandro at si margaux ang nakaka alam since ayaw ko din naman ipaalam pa sa iba dahil ayoko! Kinakahiya ko na nagpakasal ako lalo na sa babae pa. Nakakahiya diba? Psh.

Hapon na din at buti na lang at natapos na din yung dream house na ipre-present namin, Monday na bukas at bukas na din ipre-present ang aming dream house. Two weeks lang ang binigay samin na palugit since 1 week and 5 days na ang lumipas kaya eto kami ngayon ni margaux.

Iniwan ko muna sya sa sala, kukuha ako ng meryenda namin dahil nagugutom na din ako.

Pagkatapos ko mag timpla ng juice and kumuha ng bread nag tungo na agad ako sa sala

"Ah eh ma'am p--pinag hirapan po namin yan n--ni stacey"

Di ko namalayan nandito na din pala si Professor Alejandro nabored na siguro sa kwarto nya ikaw ba naman maghapong nasa kwarto tingnan ko lang kung di ka maboring.

Inilapag ko sa maliit na table ang meryenda tsaka pinagsalin ko ng juice si margaux.

"Meryenda" sabay abot ko sa kanya ng juice at nakita ko naman na napangiti sya ng malawak sabay kuha ng juice

"Thanks Stacey" di ko na sya pinansin at umupo na ako sa sofa sa tabi nya nasa may bandang kaliwa nya si dragona hindi naman sila magkalapit dahil malaki ang agwat.

"Ma'am meryenda po" sabay abot nya ng bread dito.

Tiningnan lang sya nito at tinuon ang tingin sa laptop nya na nasa lap nya. Naka cross ang mga legs nito at seryoso sa ginagawa nya. Attitude talaga sya na nga lang inaalok eh.

"Alam mo margaux kung ako sayo di ko sasayangin laway ko dyan" nakatanggap naman ako ng mahina
hampas sa braso ko

"Stacey ano ba inaalok ko lang naman baka sakaling gusto ni ma'am diba ma'am?" Sabay ngiti nito kay dragona

Inirapan lang sya nito pagkatapos ay tumayo hawak pa din nya ang laptop nya na naka bukas pa din

"noisy girls like you are annoying and distracting from what I'm doing" aba't nanisi pa bat kasi nandito sya!

"Eh bakit kasi nandito ka? Sino ba nagsabi na pumunta ka dito? Don ka na nga sa kwarto mo!" Sabay irap ko dito

"Stupid"

"Yeah I'm stupid, dahil sa katangahan kong pumayag sa gusto nila mommy heto ako ngayon at nagtitiis sa ugali mong nakaka suka" tumingin sya sakin at makikita mo sa mga mata nito ang galit, napa yukom ang isang kamay nito

"Buti na lang talaga hindi ako sumama sa dinner time nyo nila mommy dahil sigurado ako nakaka stress lang ang pagpunta don" isang linggo na din ang lumipas mula nung pag invite ni tita bridgette samin. Yes di ako sumama hinayaan ko sya mag isa pumunta don.

Noong gabi din yon naka tanggap ako ng mga message ni mama na magpa galing daw agad ako hindi daw sya makaka punta sakin dahil pagkatapos ng dinner na yon may meeting sya pupuntahan kaya magpa galing daw agad ako, hindi ko alam kung bat ganon yung text sakin ni mommy hindi na ko nag abala pang mag reply sa kanya that time.

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon