Chapter 18

3K 58 24
                                    

Kasalukuyang naglalakad ako sa hallway, umaga ngayon at syempre may pasok ako buti na lang maaga akong gumayak para hindi ako ma late. Bawat madadaanan kong estudyante ay napapa tingin sakin at ngumingiti, hindi ko ugaling tumugon sa mga pinupukol nilang ngiti.

"Hi" May biglang humarang naman sa dadaanan ko iniangat ko ang tingin bumungad sakin ang isang babaeng naka skirt at white polo shirt na naka tuck in habang bukas ang isa nitong butones sa ibabaw. Pag tingin ko sa kanya literal na napanganga ako dahil hindi ko alam kung ano ginagawa nya dito.

"Are you okay?" Sabay hawak nya sa braso ko

"Marima?" Ngumiti naman ito

"Bakit parang gulat na gulat ka? Di mo siguro inexpect na nandito ko no?"

"Parang ganon na nga, ano pala ginagawa mo dito?" Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka

"Makikita mo din later kung bakit" ngumiti ito at pagkatapos ay kumapit sa braso ko na para bang wala syang paki alam kahit makita kami ng mga estudyante dito, hindi na lang ako umangal pa and isa pa mukhang hobby nyang gawin yan kahit kanino base sa  nakikita ko

Napatingin naman ako sa paligid at bawat madadaanan namin ay naka tingin samin sinamaan ko sila ng tingin subukan nilang bumulong bulong tutusukin ko mata nila.

"Si Margaux nasa bahay pa ba sya?" Baling ko dito

"What? Di mo ba sya kasama?" Huminto ito sa paglalakad pagkatapos ay tumingin sakin

"Ha? Ngayon pa nga lang ako papasok"

"Maaga sya umalis sa bahay ang sabi nya nag text ka daw na maagang papasok at sabay daw kayo"

"Oo nag text ako sa kanya kanina pero hindi pa kami nagkikita" bumitaw naman ito sa pagkakahawak sa braso ko at tumingin sa paligid na para bang hinahanap si Margaux.

"Lagot talaga sakin yan! Sige na pumasok ka na see you later" kumaway ito at ngumiti pagkatapos ay agad agad na umalis.

Ano kaya ginagawa nya dito? Wag nya sabihing alam nyang nandito si Miss Alejandro? Bibisitahin nya kaya?

Bigla ko naman naalala ang sinabi ni Marima na ang akala nya kasama ko si Margaux, san naman kaya nag punta ang gaga na yon? Himala naunahan ko syang pumasok ngayon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa library ng may mahagip ako ng dalawang imahe ng babae bigla naman napa harap sa direksyon ko ang dalawa pero nanatili pa din silang nag uusap. Mariah? Margaux? Ano ginagawala nila sa library? Bakit parang ang seryoso ng pinag uusapan nila?

Nang masipat ko ng maayos ang tingin sa kanila, nakita ko naman na paminsan minsang ngumingiti si Mariah at nakuha nya pang hawakan ang kamay ni Margaux na agad ding inalis ni Margaux pagkatapos ay umalis na. Nakita ko naman na sinusundan ng tingin ni Mariah si Margaux. Bakit? Ano meron?

Ngayon ko lang ulit nakita si Mariah at pansin ko din nitong mga naka raan hindi na nya ako sinunsundan or kinukulit pa hindi ko din sya madalas makita dito dahil siguro ibang section sya at hindi tugma ang oras ng mga pinapasukan namin. Buti na lang at kahit papaano mapayapa ang buhay ko at walang manggugulo.

"Huli ka!"

"Fuck you!" Sabay baling ko sa taong nang gulat sakin. Kung minamalas ka nga naman akala ko tatahimik na buhay ko may bigla pang umepal na asungot

"Ang sakit mo naman mag salita" at humawak pa sa dibdib nya na parang nasasaktan talaga. Aware ba sya na mukha syang ewan? Kainis.

"Tabi!" Sabay tabig ko sa balikat nya at nagpa tuloy na sa paglalakad.

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon