Chapter 13

1.8K 54 10
                                    

Nagising ako dahil sa pag tunog ng phone ko, di ko na sana papansin pa pero ilang beses itong tumunog. Kinuha ko ito at nag appear sa screen ko ang pangalan ni mommy. Tiningnan ko kung anong oras na it's already 10 pm.

"Hello stacey" sabi nya sa kabilang linya. Kinusot ko ang mata ko inaantok pa ko

"Why mommy?" Inaantok pa ko nanatili lang ako naka higa at naka pikit.

"Natutulog ka na ba?" Di ako sumagot dahil napipikit na naman ako

"Stacey naka ilang text na kami sayo ng mommy Bridgette moo pero hindi ka man lang sumasagot."

"Mommy maaga po ako natulog"

"Hay nako stacey kung kelan kailangan ka ng asawa mo, Nag text ang mommy bridgette mo sakin. Mukhang masama daw pakiramdam ni Elisha hindi naman sya maka punta dyan dahil may meeting at ganon din ako." Agad akong napamulat sa narinig ko

"Ha? Sigurado ka ba mommy? Sus mommy wag ako, ang mga tipo ni Miss Alejandro hindi tatablan ng sakit yon--"

"Stacey!" Suway ni mommy at may himig pa na seryoso

"Ano pa ginagawa mo? Asikasuhin mo ang asawa mo" dagdag pa nito

"Hays okay mommy bye" Pinatay ko agad ang tawag.

Tiningnan ko ang phone ko at tama si mommy puro text nya at ni tita bridgette.

So tama yung nakita ko kanina? Kaya pala parang namumutla sya.

Pag hinto ko sa harap ng pintuan nya kumatok muna ko baka kasi bugahan na naman ako ng apoy. Ayaw din nito na may pumapasok sa kwarto nya.

Naka ilang katok ako pero hindi nya pa din binubuksan, pinihit ko ang door knob thankfully at hindi ito naka lock. Binuksan ko ito at sumilip muna nilibot ko ang paningin ko pero tahimik lang dito.

Nang tuluyan ako makapasok sa kwarto nya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sya na naka higa sa bed nya at natatakpan ang kalahati ng katawan nya ng gray blanket. Naka tagilid ito dahilan para matalikod ang pwesto nya mula sakin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba syang lapitan or what? May nagtutulak sakin na lapitan sya pero yung paa ko parang naestatwa lang sa kinatatayuan ko.

Nabigla ako dahil sa bigla nyang pagharap sa side ko at saktong napamulat ito ng tingin dahilan para mapa tingin ito sa gawi ko.

Ilang segundo pa ang tumagal sa pag titig nito sakin at nagtaka naman ako dahil hindi ako inirapan nito bagkus ay pumikit muli.

Kahit hindi kalapitan ang pwesto ko sa kanya makikita dito ang pagod, at tama si mommy mukhang masama nga pakiramdam nito. Kaya naman hindi na ko nag dalawang isip pa at nilapitan ko na sya.

"Hi.." bati ko sa kanya naka tayo ako sa gilid ng bed nya habang ang pwesto nya ay nakapa harap sakin.

"Ah tinawagan ako ni mommy--"

"Get out" naka pikit lang ito at makikita sa kanya na di talaga sya okay dahil sa boses nito na halatang walang lakas.

Di ko sya pinansin at lumapit ako, dinampi ko ang palad ko sa kanyang noo sunod ay sa kanyang mukha. Muntik na ko mapaso dahil sa sobrang init nya as in.

"Why are you here?" Nanatili lang itong naka pikit

"Alam mo kahit gustuhin mo man akong palabasin ngayon hindi pwede. Hmp may sakit na nga sungit pa" nag mulat naman ito at diretso naka tingin sakin. Makikita sa mata nya ang katamlayan.

"Kumain ka ba kanina? At tsaka yung gamot mo? uminom ka ba ng gamot?" Wow bat naging concern ka agad ate?

"Don't mind me. Get out" Bakit ba ang pasaway nya? Ako nanga tong concern. May sakit na nga ma pride pa tss.

Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon