Chapter 19

1.7K 60 13
                                    

"Hoy frenny ano ginagawa mo dyan?"

Tiningnan ko lang si Margaux at hindi na umimik pa, kasalukuyang nandito ako sa harap ng room ilang minuto na ko naka tayo dito hindi ko maihakbang ang paa ko papasok sa room, may klase pa kami sa second period wala pa naman mga kaklase ko at tanging ako pa lang.


"Okay ka lang?" Tiningnan ko ito ng matamlay, agad naman ako nitong hinawakan sa braso at kitang kita naman sa mata nya na nag aalala ito



"May nangyare ba?" Dagdag pa nito

Umiling lang ako at nagpa tuloy ng pumasok sa room at umupo sa tabi ng bintana.


Naramdaman ko naman ang pag sunod nya sakin at pag upo sa tabi ko.


Ilang sandali pa nagdatingan na ang mga kaklase namin kasunod nito ang babaeng... Ano ginagawa nya dito?



"Good morning everyone, Hindi na ko magpapa ligoy pa. Anyway may idea naman na siguro kayo na ako na ang bagong instructor ninyo sa subject na ito. I'll introduce my self okay, I am Marima Hernandez you can call me Ma'am Ari." Napa tingin ito sa gawi ko pagkatapos ay sa katabi ko sabay ngiti nito.


"Ate.." Bulong ng katabi ko nagka lingunan pa kami at gaya ko halata din sa mukha nya ang pagka bigla.


"Ano ginagawa ng ate mo dito?"


"Dunno frenny, hindi naman nya nasabi sakin ang tungkol dito"






"Frenny pano ingat ka ha mag text ka kapag naka uwi ka na ha?" Sabay yakap nito sakin at humiwalay din agad.

"Okay. Take care" tumango na ito at tuluyan ng umalis.

Hays nakaka pagod buong maghapon. Mula kaninang umaga ang dami na nangyare. Kapag naalala ko yung kanina naiinis ako!

"Hey!" Napalingon ako sa boses na yon.

Nag tungo ito agad sakin at kumapit sa braso ko.

"Hi..." Sabay ngiti ko.

"Pauwi ka na ba? Sabay na tayo?"

"Ah oo hehe ahm bat di pa kayo nag sabay ni margaux? Kaaalis lang nya"

"Pinauna ko na may tinapos pa kasi ako"

"Marima I mean Ma'am Ari di mo man lang kami na inform ni margaux na magiging instructor ka pala namin" sabay iwas ko ng tingin.

"Sinadya ko talaga yon para ma surprise kayo especially, ikaw" naka tingin ito sakin kaya naman napa iwas ako ng tingin parang may kakaiba kasi sa tingin nya

"At isa pa pag tayong dalawa na lang ang magkasama you can call me Ari mas gusto ko yon. Okay?" Para syang bata na sobrang good vibes ang dating pag kausap ako at kaharap ako. Parang hindi man lang sya marunong magalit. Hindi katulad ng dragona na yon! NO! bakit ba iniisip mo naman sya Stacey? Remember may kasalanan sya sayo?


"Hey are you listening?"



"Ha?" Inalis nito ang pagkakapit nya sa braso ko at humarap sakin sabay ngiti.



"Ang cute mo" sabay pisil nya sa pisngi ko na sya namang ikinaatras ko


"Sorry" at binigyan ako ng isang tipid na ngiti


"Stacey" agad ako napalingon sa pinanggalingan ng boses na yon. Isang babaeng seryosong naka tingin sakin at naka cross arm.


"Elis!" Malumanay na sabi ng katabi ko na ngayon ay naka hawak na pala sa kamay ko ng hindi ko man lang namalayan.



Secretly Married To My Professor GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon