"Sama na kayo, please?" Mindy pouted while holding our hands.
"Ako, game lang ako! Ewan ko rito kay Heidi kung papayag." Lingon sa 'kin ni Eileen.
Kakatapos lang ng klase namin. It went fast and well. Hindi na ako magrereklamo dahil masipag naman ako magaral at makinig sa mga discussions. I want this course so much.
"Wait, I'll text my brother muna." Nilabas ko ang aking telepono saka t-in-ext si Franz.
Me: uwi na u, ill grab some coffee with my blockmates
Hindi ako palaging gumagala. Kung magpapaalam man kay Daddy, hahayaan niya lang ako at sasabihing hindi ko naman kailangang magpaalam. I am old enough na raw.
I remember when he told me that he won't be around once I turn twenty. Medyo masakit.... Syempre, I want to celebrate with my family hanggang buhay pa ako. Birthdays are important to me.
Pero mukhang nalalason na siguro ang utak niya dahil sa babaeng 'yon.
"Ano? Let's go? Sa Bo's Coffee tayo sa Cabanas!" Aya ni Eileen.
Mindy frozed before entering the van. We used her car instead dahil mas spacious ito.
"Make kwento pa, Mindy. I love listening to your chikas!" Pagkukulit ni Eileen.
"Wala na. Ubos na ang chismis ko." Tawa ni Mindy.
"How about your secrets? May sikreto ka ba like who's your crush at the moment?"
I frowned at Eileen's question. "That's so jologs. Ano 'yan, slam book?" I rolled my eyes.
"What's your thoughts about your step-brothers?" Kinikilig na tanong ni Eileen.
"Maalaga sila at protective. At... babaero?"
Natawa ako sa sinabi niya. Habang ang mukha naman ni Eileen ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Everyone knows that the Dansmith brothers are playboys! But Mindy just confirmed it in front of us!
"That's not true! Good boy si Johann." Pagkumbinsi ni Eileen sa sarili.
"Believe what you want to believe, Eileen. Basta sinabi ko ng fuckboy sila."
Nakarating kami sa nasabing coffee shop, I noticed how Mindy acted differently.
"KKB ba 'to? Or may mabuting loob na manlilibre?" Parinig ni Eileen habang nagtitingin sa menu.
Napabuntong hininga si Mindy. "Libre ko na." Nanghihina niyang sagot.
"I'll pay for myself." Wika ko.
Hindi naman sila umangal at nagsimulang pumila para maka-order.
Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng coffee shop. Hindi ako madalas lumabas ng bahay, halos ngayon lang yata. Wala akong kaibigan. I don't consider Eileen as my friend. I don't tust anyone. It's just... we have a new student in Rossum kaya hindi ako nakatanggi sakaniya.
Ayaw ko talagang lumalabas ng bahay.
Lumipas ang ilang araw na hindi ko nakikita sila Eileen. Mukhang iba-iba ang schedule namin this semester. Pero ayos na rin 'yon, walang makukulit.
Naghahadali akong maglakad papuntang parking lot. Sigurado akong naiinip na kakahintay si Franz. May training pa iyon kaya talagang lagot ako kapag binagalan ko pa ang kilos.
Habang naglalakad, napansin ko ang isang lalaki na nagtatanim sa tapat ng Agricultural building. Siya lang mag isa? Sabagay, sino ba ang kukuha ng kursong Agriculture?
BINABASA MO ANG
Kill the Emotions
Short Story6 Degrees of Separation Series #2 🩸 Given how cruel her family can be, Frances Heidi may be weighing suicide as a solution to her problems. Will she find someone who can soothe her emotions while she manages a variety of issues? Heidi discovered th...