2

2 0 0
                                    

"I wanna go home, Franz." I marched as I ask my brother to go home.

Kasalukuyan siyang nag-wo-workout. Dinala pa niya ako rito, wala naman akong gagawin. Hindi ako nag-g-gym, pero I'm physically active naman.

"Sit down, Frances." Binalewala niya ako at patuloy na nagbuhat ng kung anu-ano.

I sighed before sitting on the fluffy couch. Wala akong data, hindi tuloy ako makapag-Insta. I didn't bring my book, wala rin akong dala na airpods.

Tangina, ang boring. Lubog na ang araw, hindi pa rin siya tapos.

Nilibot ko nalang ang paningin sa buong gym. Ako lang yata ang babae.... Hindi naman awkward dahil wala silang kaalam-alam sa presensya ko. They just keep on working out.

Natulala ako at malalim na nagisip. Last week, Daddy and Tita went to Japan. Ang sabi nila ay 3 days lang sila ro'n pero pa-extend nang pa-extend. Pakiramdam ko tuloy ay inilalayo niya sa 'kin ang natitira kong magulang.

She will never be a mom. No one can replace my mother.

Mabuti nalang at hindi niya sinusubukan. Magkasundo kami na ayaw sa isa't isa.

Kumurap ako nang may mag-wave na kamay sa harapan ko. I looked up to a tall and muscular mestizo guy. He's smiling as if he won the lottery.

"Okay ka lang, Miss? Kanina ka pa tulala sa abs ko, ah?" He playfully said.

Natauhan naman ako nang ma-realize ang sinabi niya. Nakatulala ba ako sa... abs niya? Kanina pa? Gosh, that's so embarassing!

"Sorry?"

"Joke lang! 'To naman, teka, baka totoo nga? Nakatitig ka sa abs ko?" Natatawa niyang saad.

Napangiwi ako sa inasal niya. Feelingero! Ang weird niya pa dahil bigla-biglang lumalapit at makikipagusap na parang close kami.

"Why would I?" Irap ko sabay tingin sa gawi ni Franz.

Nag-vi-video siya sa may salamin, he flexed his muscles and whatever. Kaya naman sa sahig ko nalang tinuon ang pansin. Napapaligiran ako ng mga nakakabwisit.

"Oh, biceps naman ng iba ang tinitignan mo ngayon? Aray!," sinapo niya ang dibdib habang nakangiti pa rin. "Nagseselos na agad ako!"

Inis akong tumayo at kinuha ang bag. Kailangan ko na talaga umuwi. They are all aliens!

"Miss! Teka lang," sumunod ang lalaki sa 'kin. "Ikaw naman, hindi ka mabiro. Makikipagkilala lang naman ako, e." Humina ang boses niya sa huling sinabi.

Nilingon ko siya at nakitang napakamot ito sa batok habang nakayuko. He whispered something inaudible.

"If you are one of my brothers' friends, ngayon palang ay binabantaan na kita. Stay away from me, Mister." Pagsusungit ko.

But that made him smile more.

Ano ba ito? Nang-tri-trip?

"Sino ba ang kapatid mo? Kakaibiganin ko agad si bayaw para maka-good shot na." Ngumisi siya.

I sighed before answering. "Hindi ako interesado sa 'yo."

"Hmm.... Sabihin mo nalang ang pangalan mo, Miss. Okay na ako ro'n."

Saglit akong nagisip. "Heidi."

Agad akong tumalikod. Ayaw ko na siyang kausapin pa. He's so makulit! What an annoying guy.

Mukhang napansin ni Franz ang pagka-badtrip ko kaya agad kaming nakauwi. Hindi na ako lumingon pa sa likod, ayaw kong makita pa ang nakakaloko niyang pagmumukha.

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon