4

1 0 0
                                    

Ilang araw na akong tambay nang tambay sa bintana. His house is visible from here, e.

Tangina, bakit ba ako curious sa lalaking 'yon? Hindi naman ako interesado sakaniya. He's very makulit and I hate that.

Parang siya lang 'yung taong ngiti nang ngiti sa 'kin. At panay sunod.

I feel like I want to do drugs. I wanna rebel so bad. Gusto kong magpakalunod sa alak at masunog ang baga sa yosi.

I grabbed my phone to pause the music. Lana del Rey became my comfort zone. Nakakapagisip-isip ako tuwing nakikinig sa mga kanta niya. Tinanggal ko ang nasa tainga saka bumaba sa kusina para i-check ang ref kung may beer.

They allowed me to drink alcohol beverages, basta nasa bahay ako.

Nakita kong nakasandal si Kuya Francis sa island top habang nakababa ang tingin sa sahig. He didn't notice me when I walked in front of him. Mukhang pagod sa trabaho.

Hinalughog ko ang ref pero wala, baka naubos ni Daddy or ni Franz. Bigo kong sinarado iyon saka kumuha ng iced tea.

Akmang lalabas na ako ng kitchen nang bigla akong tawagin ni Kuya Francis.

"Frances," I turned to face him. "Explain this to me," nilabas niya sakaniyang bulsa ang kaha ng sigarilyo ko.

Oh my gosh.... Sinumbong ako ni Franz?

Nanginginig kong tinignan iyon. I'm quite sure that I hid my cigarettes under my bed!

"K-Kuya.... That's not mine-"

"You ungrateful bitch!," I felt his big palms hit my cheeks. "Kailan ka pa natutong manigarilyo? Sino ang nagturo sa 'yo!? Huh!? Ito ba ang napala mo sa pagsuway sa amin?"

Pagsuway?

Sinapo ko ang kaliwang pisngi habang pinipigilang tumulo ang luha.

"Kuya, hindi ako sumuway! I just followed what I want! I want to be a Fashion Designer in Italy!" I shouted in frustration.

"You should be pursuing Business course, pero tignan mo ngayon! Nagsusunog ka ng baga!"

Sunod-sunod akong umiling. "You don't understand me. No one understands me!"

"No one wants to understand you because of your fucking attitude! Ilang beses ka bang lumalabas ng kwarto? Ni hindi ka nga nakikihalubilo sa mga gathering events! If you think what you're doing makes you a better person, you are wrong, Frances! No one will like you, so go on, continue your fucking dreams! Tignan natin kung saan ka dadalhin niyan."

"Hindi mo naiintindihan..." I sobbed.

Napasabunot siya sa sariling buhok. "Sana talaga namatay ka na dahil sa sakit mo!"

Natigilan ako sa sinabi niya. I had a gallbladder surgery when I was 15. Mabuti at naagapan iyon bago pumutok ang apdo ko. I feel ashamed up until now. That is my permanent scar.

"S-Si Franz, may bisyo rin siya! H-Hindi lang ako ang nagbubulakbol, Kuya-" sinampal niya ulit ako.

"Huwag mong idamay si Franz sa usapan na 'to! Mas mabuti pa siyang kapatid kaysa sa 'yo!"

"He's not even an academic achiever! Puro siya barkada at basketball!" I gritted my teeth in anger.

"Kung bakit ba naman kasi nag-anak pa sila Dad!," malakas niyang sinuntok ang lamesa. "I don't want a fucking sister! All you do is isolate yourself!"

Galit niya akong tinalikuran. Naiwan ako sa kitchen at napaupo sa sahig habang umiiyak sa aking mga palad.

Mahirap bang humingi ng suporta?

Once again, I felt various of emotions in my shattered heart.

Isang linggo akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako pumasok sa mga klase kahit online pa 'yan, hindi rin ako lumabas ng kwarto para kumain, para na akong naligo sa sarili kong ihi. My hair feels heavy and greasy, I turned off the aircon and electric fan. Hindi rin ako natulog, nakatulala lang ako sa loob ng isang linggo.

For a week, I didn't dare to move. Nakaupo lang ako katabi ng bed side table. Kung iisipin, para na akong patay dito. Hindi ko alam kung kumukurap pa ba ako.

My emotions are slowly killing me.

Ang tagal ko namang mamatay. Ilang araw pa ba? Ilang linggo? Ilang buwan? Ilang taon? Naka-twenty years na ako, sana naman last na araw ko na 'to.

At sa loob din ng isang linggo, walang kumatok para kamustahin ako.

I guess they really want me dead.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto, hindi naman iyon naka-lock. Hindi rin ako lumingon para tignan kung sino iyon. Para talaga akong... walang buhay.

"Diyos ko!," I heard someone shouted. "Anong nangyari kay Heidi!? Bakit hinayaan niyo siyang magkaganito? Anong nangyari..."

Naramdaman ko nalang na may humawak sa 'kin. Ang sakit ng pagkakahawak niya, parang mababali ang buto ko. My bones feel fragile.

Tinapatan ng pinsan kong si Liv ang aking mukha. I saw fear in her eyes. Naiiyak ba siya? Namumula ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang kalagayan ko.

"Tignan niyo siya! You guys killed her!" She exclaimed as she touched my wrist, checking for my pulse.

Hindi kami madalas magkita ni Liv. Galit si Daddy sa magulang niya kaya minsan lang kami magsama. Kapag nagkikita naman kami ay tahimik pa rin ako.

"Tita, kailangan natin siyang dalhin sa ospital! She needs medical assistance!" Hinaplos ni Liv ang buhok.

Suddenly, I saw her as an angel. Mukha talaga siyang anghel.

"Walang available na kotse, ineng. Hayaan mo at magiging maayos din iyang si Frances. Franz, Francis, halina kayo, bumaba na tayo." Narinig kong sagot nito.

Kahit nanlalabo ang mata, nakita kong umiling si Liv. "Ang hahayop talaga nila. Pinapatay ka nila."

Binitawan niya ako at binuksan ang bintana sa kwarto. Nanigas ako nang maramdaman ang hangin na dumampi sa aking balat.

"Help! I need help! My cousin is dying!" I heard her shouting.

Bumalik ulit siya para yakapin ako. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita.

Malapit na ba akong kunin? Mamamatay na ba ako?

Parang nabasa naman ni Liv ang nasa isip ko. "Hindi ka pa mamamatay, Heidi. Hindi mo pa nakikita ang lahat, hindi mo pa nararamdaman maging masaya, hindi ka pa nakakatakas sa impyerno na ito kaya bago ka mawala, humugot ka ng lakas ng loob para ipaghiganti ang sarili mo."

Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang pumikit.

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon