"Hindi ka ba sasama magsimba? Today is Sunday, ineng." My step-mother asked while we were eating lunch with the whole family.
Daddy is always busy. Sasabihin niyang para sa amin ang pag-tra-trabaho niya pero halos isang oras ko lang siya makita sa isang buwan. Isa pa, he doesn't care about his children. Basta nalang naming nalaman na nag-asawa siya pagkatapos mamatay ni Mommy dahil sa cancer.
And this woman, my step-mother, I don't like her. Ramdam kong may inis siya sa amin dahil kadugo kami ng napangasawa niya. And that's her problem! Ayaw kong pakisamahan siya.
Hindi ko ka-close ang dalawa kong Kuya. The eldest is now working in our company, while the middle child is still studying in Karel. 'Yung panganay kasi na si Francis, sobrang sungit parang si Daddy. Kabaliktaran naman niya si Franz, ang hilig magdala ng teammates dito sa bahay.
Putanginang buhay 'to.
Araw-araw akong nakakakain ng tatlong beses o higit, maaayos ang naisusuot kong damit, isang sabi ko lang ng kailangan kay Daddy ay ibibigay niya agad.... Pero bakit gano'n? Something's missing, dahilan para magalit ako sa mundo.
I only want my Mommy. I miss my Mommy.
Hinding-hindi ko matatanggap ang babae ni Daddy, una palang, sinisira na niya ang pamilya namin. She waited for my Mom to die.
So what's the purpose of attending masses? Kung ganiyan ang ugali nilang lahat?
"Hindi na po. I have tons of schoolworks." Tanging nasagot ko.
"Gawaan mo nalang ng paraan. Ikaw, bata ka, uunahin mo pa 'yan kaysa sa Diyos?," Tita shifted her gaze to Daddy. "Papa, ganito mo ba pinalaki ang mga anak mo? Tignan mo! Hindi tinuruan magsimba ng nanay niya!"
Sinasadya kong lakasan ang pagtunog ng kubyertos habang kumakain. Wala sa isip ko kung sasabihan nila akong 'nagdadabog.'
"Tama na. Hayaan mo ang bata kung ayaw sumama." Sabi ni Daddy sabay alis sa hapag-kainan nang walang paalam.
Kaya sumunod na si Tita sakaniya. Pero bago iyon ay sinamaan muna niya ako ng tingin.
Kuya Francis left without any words. He's going to the office na, susunduin pa niya kasi ang asawa sa Tondo bago pumasok.
Naiwan kaming dalawa ni Franz. Madalang ko lang siya tawagin na 'Kuya.' He doesn't act like one, so it doesn't matter. Sa paghahadali niyang kumain ay nabilaukan pa ito. I stared at him, not even helping.
Nang mahimasmasan ay inis akong tinignan nito. "Wala ka bang pakielam kapag nag-aagaw buhay na ang Kuya mo!?"
I sighed. "Wala ka namang kaagaw sa food. Hinay-hinay lang, Franz."
"D'yan ka na nga, tangina," tinulak niya ang plato saka padabog na tumayo. "Huwag kang lalabas ng kwarto, ah? Papupuntahin ko ang mga kaibigan ko." He reminded.
Hay nako. I'd rather stay in my room or go somewhere else where nobody knows me. Akala niya naman ay gusto ko silang makita. Sobrang ingay kaya nila!
After eating, I went upstairs to smoke a cigarette. Patago ito, my family are Catholics and I don't know why bisyo is a big deal to them.
Besides, they are the reason why I started smoking.
I was 14 years old when Daddy introduced her. Inayos ko naman ang pakikitungo ko kahit alam naming lahat na may relasyon na sila noon pa. But she really is the problem! Tita constantly avoids me and scolds me in everything that I do!
Yumuko ako para abutin ang kaha ng sigarilyo sa ilalim ng kama. Napailing ako habang nagsisindi, lumapit ako sa bintana at doon umupo.
Ginawa ko naman ang lahat to make them proud. I played instruments, I'm an athlete and an academic achiever at the same time, pumasok ako sa Rossum dahil doon nagtapos si Daddy.
Since evil step-mother entered our life, everything became a competition between the two of us. Palagi siyang nakikipagmataasan, akala niya siguro maganda siya. Unica hija ako at bunso kaya gano'n nalang siya ka-insecure.
I panicked when someone continuously knocked. Mabilis kong pinatay ang yosi at binuksan ang bintana. Nag-spray na rin ako ng pabango para hindi maamoy ang usok.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin si Franz. Napunta ang tingin niya sa bintana, kung saan ako nanigarilyo. Naningkit ang mata niya ro'n at binalik ang tingin sa 'kin.
"Isasaksak ko 'yan sa baga mo, Frances," he forcely dragged me out of the room. "Kunin mo 'yung inorder kong pagkain. Nasa labas na ang Food Panda."
Pumalatak ako dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa aking braso. Namula iyon ng malala pero hindi naman nagkapasa.
Sabay kaming bumaba ng hagdan ni Franz. Nakaupo sa sala ang mga bisita niya, they are watching... what the fuck is that!? Bold? They're watching porn!?
Inis akong bumaling kay Franz at hinampas ng malakas ang dibdib niya. "Ang bastos ng mga kaibigan mo! Look what they're watching!" Tinuro ko pa ang TV but they all looked at me like I'm a crazy woman.
"Huwag kang maingay! Manonood pa kami, e," umupo siya katabi ang mga lalaki. "Kunin mo na 'yung pagkain. Bilis!" He shouted.
Walang gana akong lumabas ng bahay. Nakita ko naman ang rider na nakabilad sa initan. Sa kaliwang kamay ay hawak niya ang plastic ng McDo.
"Paid na?" I asked while walking towards the gate.
"Y-Yes, M-Ma'am."
Kumunot ang noo ko sa pagsasalita ng lalaki. He's definitely weird. Hindi naman ako multo, but he looks terrified.
Inabot ko ang plastic and said, "thanks."
Saglit pa siyang tumulala sa 'kin. Inirapan ko lang ito at bumalik na sa loob ng bahay. Nagtaka ako nang hindi sila makitang nakaupo sa sofa.
Iniwan ko sa kusina ang pagkain saka umakyat muli ng kwarto.
Kung may kutob si Franz sa paninigarilyo ko, that's fine. Siya rin naman ay maraming tinatagong bisyo.
Malapit na ako sa aking kwarto nang makarinig ng mga tawanan. I think it came from my room? Pero sino naman ang papasok do'n?
Agad akong naglakad papunta sa kwarto. Syempre, kahit malaman ni Franz ay natatakot pa rin ako!
Naiwan ko bang nakabukas 'to? Hindi kasi naka sarado ng mabuti.... Kaya binuksan ko agad at nakita ang mga lalaking kaibigan ni Franz na inaamoy ang undergarments ko!
Oh my gosh! Tigang ba sila!? My underwears and bras are getting harassed!
"What the fuck!? Franz!" I shouted with all my energy.
Natigilan naman ang mga lalaki sa kanilang ginagawa. Sabay-sabay pa itong nagtawanan habang binubulsa ang underwear ko.
Hindi ko kayang humakbang palayo.... They look like monsters! Mga adik! I feel like my feet are glued on the floor.
Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa magkabilang braso ko. It was Franz, he looks confused and pissed. Pero nagbago iyon nang makita kung anong ginagawa ng mga bisita niya.
"Putangina naman mga pare!," tinago ako ni Franz sakaniyang likod. "Get out of my house!" His voice echoed.
Napaakyat naman ang mga maids nang marinig iyon. I motioned them to go back downstairs.
Isa-isang lumabas ng kwarto ko ang mga lalaki. Napahigpit ang hawak ko kay Franz nang daanan nila ako.
After what happened, he became more serious and protective. Hindi na siya makulit at hindi na rin masama ang ugali. Hindi na basagulero at halos sa tabi ko na matulog.
He felt sorry. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari.
Ako naman, walang pakielam sakaniya. Ginagawa niya lang ang lahat ng ito because he is guilty! Kung hindi pa mangyari ito, he won't change naman.
If he wants to bond with me, sana noon pa niya ginawa. Hindi 'yung hinayaan niya pa na mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Kill the Emotions
Cerita Pendek6 Degrees of Separation Series #2 🩸 Given how cruel her family can be, Frances Heidi may be weighing suicide as a solution to her problems. Will she find someone who can soothe her emotions while she manages a variety of issues? Heidi discovered th...