6

3 0 0
                                    

It's been weeks since I got discharged from the hospital. Halos tatlong linggo rin akong nanatili ro'n. Lumakas naman ang katawan ko at nakakapag-jogging na ulit.

Sa ibang street ako umikot. Ayaw ko kasing makita si Uno. Nahihiya ako dahil sa loob ng tatlong linggo, siya ang nag alaga sa 'kin. Araw-araw at gabi-gabi, walang mintis kung bantayan ako.

Ilap pa rin ako sakaniya. I don't wanna trust anyone right now.

Tumigil ako sa isang kanto saka kinuha ang isang kaha ng sigarilyo. Oo, hindi pa rin ako tumitigil. After everything, I keep finding a reason to smoke.

At ngayon, dahil iyon sa pagkupkop ni Daddy sa buong angkan ng evil stepmother na si Tita Cindy.

Tsk. They are so insensitive! No one cares about how I feel, what I want, and they disregard my opinions.

Ang payat ko pa rin. Hindi na ako nagkalaman simula nang ma-confine sa ospital. Sumigla lang, pero mukhang malnourished ang katawan.

"'Te, pasindi," binaling ko ang tingin sa lalaking lumapit sa 'kin.

He's a guy with an average height, maitim ang balat, sungki-sungki ang ngipin, kulot ang buhok, at naglalakihang mga mata.

Hindi ako sumagot, nilapit ko nalang ang lighter sakaniya para makapagsindi.

"'Lamat, 'te." I nodded.

Mabilis kong hinithit ang sigarilyo nang makaalis na rito. Palapit kasi siya nang palapit sa kinatatayuan ko.

"'Te, gusto mo ng chongke? May tube na," may dinukot siya sa kaniyang bulsa. Napangiwi ako nang makakita ng condom do'n.

"I don't do drugs." Inapakan ko na ang upos ng yosi saka nag-jogging palayo.

I felt him run, too. In fear, I ran as fast as I can, even if I feel nauseous and dizzy. Napasapo ako sa ulo habang mabilis na tumatakbo.

Hindi ko namalayan kung nasaan na ako. Nandito ako... sa harap ng bahay ni Uno.

Bakit dito ako napunta? Dapat pauwi sa bahay namin, e.

I rang the doorbell until a man appeared, leaning on the door frame, Uno looks sweaty as he panted. Pagtingin ko sa garahe, may mga gym equipments do'n.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "Sino 'yung sumusunod sa 'yo? Mukhang adik," pinagbuksan niya ako ng gate.

Nagdalawang isip akong pumasok, "u-uuwi na rin ako. Napadaan lang...." I bit my lower lip.

Hindi siya kumibo. Nang pagmasdan ko ang mukha niya ay bigla itong nainis.

"P-Pwede bang umupo ka muna? H-Hintayin mo ako, magpapalit lang ako. Ihahatid na kita." Bakas sa boses niya ang pagpipigil ng inis.

Lumapit siya sa isang upuan saka inabot sa 'kin ang kulay asul na longsleeves. Binasa ko ang nakasulat sa harap at likod.

College of St. Rossum

Alcantara

Nanlaki ang mata ko sa nakita. "I didn't know that you're studying in Rossum."

"Suotin mo na. Hindi mo yata alam na masyadong maliit ang pang-itaas mong damit." Agad niya akong tinalikuran.

Bumaba ang tingin ko sa katawan, nalaglag ang panga ko nang makita na bahagyang nakabukas ang zipper ng aking sports jacket. Maliit talaga ito dahil sa sobrang pagpayat ko ay isinuot ko ang sportswear ko noong grade 5!

Nahihiya kong sinuot ang longsleeves niya. The atmosphere is now awkward. And I hate the fact that he saw the vulnerable side of me. Noong nasa ospital kami, halos hindi na ako makatingin sa mga mata niya dahil sa sobrang hiya.

Despite that, he keeps on taking care of me and treat me like his little sister. Ang pangit-pangit ko, buto't balat at halos lumuwa na ang mata.

Kaya lang naman ako nag-jo-jogging ay para makapag-yosi. Pero kung titignan, parang kakalas na ang buto ko, e.

Nang makabalik si Uno ay napansin ko ang amoy niya. Bagong ligo? Ang bango at fresh, e.

"I can walk myself home, Uno." Kontra ko sakaniya nang i-unlock ang kotseng Ram TRX.

"Kunwari ka pa, Heidi," sinundot niya ang tagiliran ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. "Bakit ka nag-stay kung ayaw mo magpahatid?" Umiling-iling siya habang nakangisi.

Feelingero ba 'to? Akala niya ay nagpapakipot ako?

"It's rude kaya."

"Hindi naman, e. Tara na kasi, hatid na kita. Baka inaabangan ka pa nung adik."

Tumaas ang kilay ko. "Ikaw ang adik dito, e."

Nanlaki ang mata siya saka mahinang sinuntok ang pinto ng kotse. "Pa'no mo nalaman? Secret lang 'yan, ah? 'Wag kang maingay na nagsha-shabu ako."

Napaatras ako sa narinig. He's a fucking lunatic!

Kasunod non ay ang malakas niyang pagtawa. "Biro lang, ikaw talaga. Tara na, Madam." He guided me to the passenger seat.

"Kaya ko na," tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko.

"Baka ma-out of balance ka, e." Palusot!

"Hindi ako lasing." Irap ko.

"Alam mo kung hindi ka lang si Heidi matagal na kitang kinurot sa pisngi. Kagigil ka," tumawa siya. At napatitig naman ako sa naninigkit niyang mata habang tumatawa.

"Hindi mag-dri-drive mag isa ang kotse mo. Ihatid mo na kaya ako?" Inip kong sabi sakaniya.

Napasimangot naman agad ang chinito. "Aray naman. Napaka cold mo noh?" He pouted.

Hindi natagalan ay nakauwi na ako. Doon ako nagpababa sa kanto namin, para walang makakita sakaniya na pamilya ko o kapitbahay namin.

Pagpasok ng bahay, ang unang bumungad sa 'kin ay si Jentrix. She is Kuya Francis' wife.

"Damn it, Heidi! Ano bang nangyari? Hindi mo alam kung ga'no ako nagalala nang ikwento ni Liv ang pinagdaanan mo." She hugged me tightly as I held back my tears.

Ayaw kong umiyak sa harap ng kung sinong tao. Iisipin lang nila na mahina ako, and they'll just use it against me.

"I'm okay now, Jen," marahan ko siyang tinulak para kumalas sa pagkakayakap. "Tapos na iyon. Nangyari na."

Umiling siya, pinipigilan din ang luha. "Hindi makaintindi ang pamilya mo.... They are monsters, Heidi." Bulong niya na parang natatakot na may makarinig sakaniya.

"I've known that for twenty years, Jentrix." I agreed to her.

"Bakit ayaw mo pang lumayas? I'll help you, baka sumama pa ako sa 'yo..."

"Sa tingin ko, mas lalo lang silang magagalit. Isa pa, okay na sa 'kin ang ganito. I can freely do whatever I want. Hindi ko matakasan ang pera, hindi nabubuhay ang isang tao na walang pera." I chuckled.

"Kung hindi lang ako kasal, pinakasalan ko na ang isa sa mga Torreja."

Bigla kong naalala si Mindy. She's a Torreja nga pala. Mayayaman, high credentials, elite family, but they remained humble.

Dahil sa sinabi ni Jentrix, hindi nawala sa palaisipan ko ang pagpapakasal.

That's actually a good idea. Magpakasal para tuluyang makatakas sa pamilyang 'to.... Pero sino? Mas mabuti kapag 'yung hindi magkakagusto sa 'kin.

Napailing ako habang nakatulala sa kawalan. Nakatambay nanaman ako sa bintana kung saan kita ang bahay ni Uno. Naninigarilyo habang nakikinig ng musika.

Sino ba ang niloloko ko? Ni hindi ko nga nakikita ang sarili na magpakasal, tapos iyon pa ang magiging plano ko? Malaking kalokohan, I don't even go to church. Wala akong pinaniniwalaan. Kasi kung mayroon, matagal na niya akong sinalba sa lecheng buhay na 'to.

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon