Nobody asked me if I'm okay. No one notices my behavior, usual or unusual, it's all the same to everyone.
"Ayos ka na ba, Heidi? Gusto mo mag-samgyup mamaya? Libre ko." My heart softened as I hear Mindy talked. Kakaiba talaga ang boses niya, pang-diwata.
Umiling ako sa alok niya. "Ipapahinga ko nalang 'to sa bahay."
"Nga pala, anong magandang kulay? Babaguhin ko na ang hair color ko, tignan mo oh, itim na ang roots," yumuko siya sa harap ko para ipakita ang tuktok ng ulo.
"Red hair looks good on you, I think." I suggested.
"Ay, oo nga!" Kinuha niya ang telepono saka nagtipa sa notes app. Umiwas na ako ng tingin para hindi makita ang laman non.
"Hello, hello!," pumasok sa cafeteria si Eileen saka tumabi sa amin. "Boring kapag wala ako, 'di ba? Ako kasi ang nagbibigay buhay sa usapan, e."
Agad na kumontra si Mindy. "Hindi ako boring kausap noh! Ang proof ko d'yan ay marami akong kaibigan."
"Ah, point taken. Itong si Heidi lang naman ang tahimik sa ating tatlo," Nilaro ni Eileen ang buhok ko pero agad na napabitaw ng maglagas ang mga hibla nito. "Oh, gosh, s-sorry..."
Natulala ako sa nahulog na mga hibla. Napaka kapal non, kitang-kita sa sahig dahil sa sobrang dami.
"Your hair is still pretty. You are beautiful, Heidi," suyo sa 'kin ni Mindy. "Magpapakalbo ako kapag kinailangan mo ng buhok. Anong kulay ba ang gusto mo para mapaghandaan ko na?"
Hindi ako kumibo.
Ilang beses ko nang sinubukan na baguhin ang sarili. I wish I was good at everything, maybe in that way, they will accept who I really am. Ano bang mali sa 'kin? Hindi ba ako katanggap-tanggap?
My first impression in people is always, "mukha siyang mabait." But they all ended up as the person who destroyed me. Wala akong lakas para gumanti, gusto ko nalang bumigay ang katawan ko. Para sa paraan na 'yon, matapos na ang lahat ng paghihirap.
I lost my faith in Him when my Mommy died. Akala ko ba kaya niyang gawin lahat? He's powerful isn't He? Simpleng dasal lang na "please, let Mommy live longer" ay hindi niya pa matupad. Kaya ano pa ba ang kailangan kong ibigay sa putanginang mundo na 'to? Kasi sawang-sawa na ako, pinagdurusa mo lang ako.
Kamuntikan na akong mahulog sa kinauupuan nang biglang yakapin ng dalawa. Oh, bakit sila ang umiiyak?
"I'm sorry I ruined your hair, Hei-Hei." Eileen said between her sobs.
"I'll buy you an authentic wig." Si Mindy.
Natatawa naman akong hinimas ang ulo nila na parang aso.
Ilang minuto lang ay gumaan na ang pakiramdam nila. Bumalik sa normal ang paguusap na parang walang nangyari.
"Sino ang nag alaga sa 'yo sa ospital, Heidi? Eh, 'di ba, kupal naman ang pamilya mo?" Napadaing si Mindy nang batukan siya ni Eileen.
"Language, Minds." Paalala ni Eileen.
"Hoy, don't call me that again! Pinsan ko lang pwedeng tumawag sa 'kin ng 'Minds.'" Angal ni Mindy.
"So, who's the kind and soft-hearted person na nagbantay sa 'yo?" Balik na tanong ni Eileen.
"You guys probably don't know him. He's my kapitbahay. I mean, he lives sa likod ng bahay namin." I tried to explain.
"A he!? Girl, you better be joking! Binantayan ka ng kapitbahay mo! He likes you agad! That's my conclusion." I rolled my eyes to Eileen's reaction.
"Uno doesn't like me. Mabait lang talaga siya..."
Naningkit ang mata ni Eileen habang nagtaas naman ng kilay si Mindy.
"Uno? Hmm, baka hindi si Uno Alcantara 'yan. Imposible kung siya 'yan." Kinalampag ni Mindy ang lamesa dahilan para mapatalon ako sa gulat.
"I agree!," malakas na hiyaw ni Eileen. "He's not mabait kaya."
Napakunot ako ng noo at sinabing, "si Uno Alcantara nga. Kilala niyo?"
Mabilis silang nagtinginan bago tumayo, parang baliw na nagyakapan ang dalawa. May pahampas-hampas pa sa braso.
"She's lying! She's lying! Heidi is lying!"
"That can't be Uno!"
Napakamot ako sa ulo bago yumuko dahil pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante rito.
"What's with Uno ba?" Kalmado kong tanong.
Hindi makapaniwalang tumabi sa 'kin si Eileen. "O to the M to the G! You don't know him? He's the cute Dentistry student na kasali sa dance troupe!" Kinikilig na sagot ni Eileen.
Huh... he's a Dentistry student, and a member of a dance troupe. That wasn't... surprising.
"Talaga?" Tanging nasabi ko.
"Talagang-talaga! Kaya we don't believe you na siya ang nag alaga sa 'yo. He's literally the rudest man I've ever met! Sayang, ang ganda pa naman ng katawan, parang Greek God!"
Napangiwi ako sa pagpapantasya ni Eileen. "He's not rude." I defended Uno.
"Shit ka talaga! Hindi siya masungit sa 'yo!? Nilalagpasan niya lang halos ang lahat ng babae, Heidi!"
Talaga ba? But he did the first move, kinausap niya ako noon sa gym... so I guess he's not that rude. Mabait talaga si Uno kahit sobrang kulit at kung minsan ay hindi ko maintindihan ang humor niya.
Napailing nalang ako sakanila, not believing a single thing they said. Iilang beses ko nang nakasama si Uno, he's a gentleman.
Deretso akong umuwi sa bahay katulad ng lagi kong ginagawa. I don't have time to make gala, I'd rather stay in my room, sit on the window and smoke. Mabuti nga at walang nakakahuli sa 'kin na mga guard.
I jumped then hid when I saw Uno's car arrive in front of their house. His pick up is very manly talaga, bagay sakaniya.
Lumabas ang tatlo pang lalaki mula sa kotse niya. They look familiar... like I've seen them in magazines before.... Ah, I think their names are Arth, Spencer, and Tyrone Torreja.
What now, don't tell me Dentistry din ang mga pinsan ni Mindy?
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto, it was a loud knock as if the person is raging mad.
"Wait," malakas na sabi ko habang natatarantang tinatago ang mga upos ng sigarilyo.
Ako na ang lumapit sa pinto para buksan iyon. I saw Daddy with Tita, they have a disgusted look in their faces.
"Sumunod ka sa baba, Frances," Daddy commanded.
Mukhang alam ko na 'to, may ginawa nanaman akong mali? Palpak nanaman ako? Malas ako sa pamilya, iyon ang sabi nila.
Mabilis akong sumunod sakanila, I remained cool. Nang makababa ay nadatnan ko si Kuya Francis, my eyes wandered at his hands. He's holding my cigarettes!
"D-Dad-"
I felt almost unconscious when I felt Tita's slap. It was full of disappointment and hatred.
"You are my biggest failure, Frances Heidi! Hindi ko lubos maisip na binigay ko pa sa 'yo ang apelido ko!" Daddy shouted.
Nanginig naman ako sa sakit, takot, gulat, at... galit.
"I thought your Dad and I made it clear that smoking and drinking are prohibited?" May tono ng kaplastikan ang boses ni Tita. She's probably using her 'childish' voice to manipulate my father again. To make Daddy think that she's the only one who follows all the rules.
Tanga lang ang sumusunod sa mga rules na 'yan.
"Si Franz din naman po-"
"Ikaw ang pinaguusapan dito, Frances. Don't drag your brother in this conversation!" Dinuro-duro ako ni Dad.
Tumayo naman si Kuya Francis, still holding my cigarettes, he threw it directly to my head. Causing me to faint.
BINABASA MO ANG
Kill the Emotions
Short Story6 Degrees of Separation Series #2 🩸 Given how cruel her family can be, Frances Heidi may be weighing suicide as a solution to her problems. Will she find someone who can soothe her emotions while she manages a variety of issues? Heidi discovered th...