11

1 0 0
                                    

"Hindi ko maiwasan..." bulong ko sa sarili habang naglalakad palapit sa pick up niya.

Noong nakaraan, ang sabi ko ay iiwasan ko na siya. Pero ito ako ngayon, makikipag-coffee 'friendly' date kay Uno. Pareho kaming hindi pala-cellphone, sa personal lang kami nagkakausap. Madalas kasi siyang sumusulpot kung saan-saan.

"Bless muna ako sa Mama at Papa mo," salubong niya sa 'kin nang makalabas ng gate.

"They're not here." I pushed him para makasakay muli sa kotse.

"Mga kapatid mo? Nasaan? Kahit sa kasambahay lang. Baka hindi ka nagpaalam, dapat 'wag kang tatakas." Patuloy ang pagsipat niya sa loob ng bahay na parang may tinatanaw.

"Wala nga sila.... Let's go na. Kung makulit ka, mamayang paguwi mo nalang sila kausapin." I rolled my eyes at him, annoyed.

"Sige na nga. 'Lika na," he opened the car door for me.

Pero kahit ilang beses na akong nakasakay do'n ay parang hindi komportable ngayon dahil 'friendly' date ang magaganap. Kaya sa back seat ako sumakay. It was my first time to see him frowning. Hindi bagay... he's too angelic to crease his forehead.

Binaba ko ng bahagya ang bintana sa akma niyang pagsasalita. "Bakit d'yan ka umupo? Dito ka na sa tabi ko, oh," he stomped his right foot.

Natawa naman ako dahil para siyang bata. "Sumosobra ka na yata? Inaya mo ako ng 'friendly' date tapos gusto mong katabi ako sa harapan?"

"Sige na, Heids, dito na tayo," he pouted.

Mas lalo akong natawa ng malakas. "Stop acting like a kid, Uno. Ang laki-laki ng katawan mo tapos ganiyan ka umasta."

"Kasi naman," humalukipkip siya. "Hmp." Umiwas siya ng tingin saka kinunot lalo ang noo na parang nagtatampo.

"Sige na nga. You're being makulit na, e," binuksan ko ang pinto saka bumaba. Pero bago ko isara 'yon ay may nakita akong pamilyar na bagay. Bagay na ako ang nagmamay-ari. "Bakit na sa 'yo 'to?" I grabbed my lilac bracelet that was made out of polymer clay when I was in elementary.

Mukhang nagulat din siya nang makita iyon. "H-Heidi.... Ano kasi... t-teka, pa'no ba? T-Tawagan natin ang pinsan mo?" He started trembling.

Matigas akong umiling. I just found my bracelet in my neighbor's car! Isn't that weird? And creepy?

"Explain this, Uno," inangat ko sakaniyang mukha ang bracelet.

Malalim siyang huminga bago magsalita. "Sumobra ang payat mo noon. Halos isang linggo kang nagkulong sa kwarto, 'di ba? Kaya hindi kita nakita noon... p-pinapatay mo na pala ang sarili mo, Heidi," pumiyok siya. "Umiiyak si Liv, halos magmukha ka ng bangkay sa loob ng kwarto,"

"Nang marinig ko siyang sumigaw, naalarma agad ako. Alam kong galing iyon sa bahay mo, e," malungkot siyang ngumiti. "Natakot ako. Sobra-sobra akong natakot, Heidi.... Kung alam mo lang. Ako mismo ang bumuhat sa 'yo noong araw na iyon. Ako ang nagsugod sa 'yo sa ospital. Hindi ko kayang sa akin ka abutan," patuloy niya.

"Nahulog siguro iyan," hinaplos niya ang nakaangat na kamay ko. "Hindi maganda ang ginagawa mo sa katawan mo, Heids. 'Wag mo sayangin ang buhay mo-"

"Your speech isn't enough. I still want to die! Hindi mo naiintindihan, Uno. You are not in my position! You don't know how exhausting and fucked up my life is!" My tears started pouring like a rain.

"Heidi, hindi naman sa ganoon-"

"Can't you just let me live my own life!? Pasulpot-sulpot ka nalang palagi! Sinasanay mo akong nariyan ka hanggang sa tuluyan ka na ring umalis parang si Mommy!" Hagulgol ko.

"Hindi totoo 'yan. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo-"

"Hindi mo ako naiintindihan! No one fucking understands me! I don't want to be understood! Pagod na pagod na ako! I tried everything to get their attention.... Kahit noong nagkulong ako sa kwarto, they didn't even bother to check on me. They let me rot in my room! Hindi mo alam kung ga'no kasakit 'yon, Uno." I broke down on his arms.

Agad niya akong niyapos. "Shh, baby. Hayaan mong alagaan kita. Unti-unti nating aayusin ang lahat. Okay? Tahan na, ah? 'Wag na umiyak ang Heidi ko na 'yan." He kissed the top of my head, nonstop. Kahit mahimasmasan ako ay hindi niya iyon tinigilan.

"Heids," tawag niya sa 'kin. "Gusto na yata kita..." mahina niyang bulong. "Mali.... Gusto na pala talaga kita."

We ended up in a restaurant instead. Napagod at nagutom ako sa nangyari kanina. Mabuti nalang at walang nakarinig sa amin.

Aaminin kong gumaan ang pakiramdam ko. Kung noon ay magaan kapag nand'yan si Uno, mas lalo pang gumaan ang lahat ngayon. Lalo pa't siya pala ang tumulong sa 'kin. Akala ko kasi, walang tao na tutulong sa 'yo kundi sarili mo lang. Pero may mga tao pala na darating sa mga pagkakataon na hindi mo inaasahan.

And he confessed earlier. May... gusto siya sa 'kin? I caught myself smiling at that thought. Kinikilig ba ako? We just had an awful conversation, tapos may lakas siya ng loob para umamin? Ang sabi naman niya ay hindi ko siya kailangang magustuhan pabalik. He'll work his way into my heart daw. Ang corny pakinggan pero nakangiti nanaman ako habang kumakain ng shrimp.

"Ano pa ang gusto mo?," nilagay niya ang mga nakabalat na hipon sa pinggan ko. Siya talaga ang nagbabalat lahat non, hindi rin kasi ako sanay.

"Sinigang na baboy. 'Yung malapot ang sabaw." I requested.

Tumango naman siya at tumawag ng waiter saka sinabi ang order ko. Napapaisip tuloy ako, magulang niya siguro ang may-ari ng resto na 'to? Mukhang priority siya, e.

"Kumain ka ng madami, ah," he placed the remaining shrimps on my plate. "Watermelon juice? Cucumber juice? 'Wag ka muna mag-softdrinks. Mas healthy ang mga fruit juice."

"I don't drink softdrinks naman talaga. Diet Coke lang paminsan-minsan." Pagsasabi ko.

Binalot kami ng katahimikan. He's silently watches me as I eat bunches of food he ordered. Talagang binubusog niya ako, huh? He must've really noticed my body...

Para akong living skeleton.

Minutes after silence, he finally spoke, "minsan na kitang nakita... you were smoking cigarettes? Habang nakaupo ka sa bintana mo?"

Natahimik ako lalo, biglang nahiya. "Tons of problems, Uno."

"Pero hindi ka dapat manigarilyo. Masama 'yon, e. Noong nakaraan lang... nag-jo-jogging ka pagkatapos nagyosi naman. Ano ba naman 'yon, Heidi?" I can sense his judgments and disappointment in his voice.

"Siguro sobrang healthy ng samahan niyo ng pamilya mo.... Kaya hindi mo ako naiintindihan-"

"Nagmamalasakit lang ako, Heids.... Isang beses mo na akong pinakaba, 'wag mo nang sundan pa." He calmly explained.

I sighed before accepting my defeat. "Okay, fine. I'll stop smoking kung papayag kang makipagtanan sa 'kin."

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon